10 - Daggers

19K 363 4
                                    

Xyrielle

"Oh my ghad!" Gulat na sabi ni Erylle nang masalubong niya ang itsura ko pagkakapasok pa lang niya ng mansion.

"Annyeong haseyo!" Bati ko sa kaniya at yumuko kahit mukha akong manok na tutuka sa sahig.

"Who did this to you?" Tanong ni Erylle at isa-isang tinggal ang mga balahibo ng manok sa ulo ko. Magpapatawag sana siya ng katulong para humingi ng tulong pero pinigilan ko siya.

"Hindi na po, Mam. Kaya ko na sarili ko." I assured her. Kumunot pa noo niya at magsasalita pa sana siya nang ngumiti ako dahilan para matigil siya. Tumango na lang siya at sinamahan niya ako papunta sa kwarto ko pataas.

I sighed heavily. Ang saya ng unang araw mo sa trabaho, Xy! Grabe. Una, kinatulong ka. At ngayon? Ginawa ka namang manok. Magaling! All thanks to you, Sir Prince.

Pumanhik ako sa banyo na nasa kwarto ko. Nilinis ko sarili ko dahil ang lagkit lagkit ko na. Tinanggal ko lahat ng balahibo na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Binabad ko sarili ko sa tubig para tanggalin ang slime at harina na dumikit sa akin.

Matapos maligo, inayusan ko na sarili ko. Sinuklay ko ang buhok kong kanina ay malagkit at halos pagdikitin na lahat ng buhok ko. Nagpabango din ako kahit na ayaw ko para lang maitago ang mabahong amoy ng pinangdikit sa balahibo.

Huminga ako ng malalim. Ayos lang iyan, Xy. Trabaho ito. Wag mong papatulan ang napakabait mong alaga. Basta kung trabaho lang. Trabaho.

Hindi ko alam ang tinagal ko sa kwarto ko. Lumabas ako at kasabay nun ang paglabas naman ng nakangising demonyo sa kabilang kwarto. Si Prince pala. Na-typo!

"Good afternoon, Sir." Bati ko at yumuko. Nangunot noo niya pero napalitan ulit iyon ng ngisi.

"Same to you, white chicken." Tawa pa niya at umalis sa harap ko. Nagitgit ko ang ngipin ko sa inis at nakamot ang kilay ko. Tsk. I should stop this mannerism.

Bumaba na din ako and check the time on my wristwatch. Its already 1 in the afternoon. Wow. Ganun pala ang itinagal ko.

Nang may maalala ako, tinanong ko ang alaga ko na ngayon ay namamapak na ng chocolate. "Sir, ininom niyo po ba ang gamot niyo?" Tanong ko. Hindi ko nakita kung ininom niya ba o hindi dahil umalis na ako sa kwarto niya matapos niyang mainobrahin sa akin ang magaling niyang plano.

Nag-iwas siya ng tingin. "Yeah." Sabi nito. Hindi ko alam kung tunay ba o hindi dahil hindi ko pa siya ganun kakilala.

Tumaas ako saglit at kinuha ang medicine kit. Oras na ulit para painumin ang may sakit--sa puso. Every time he eats is the time that he will take his medicines too. Iba't-ibang klase kada umaga, tanghali at hapon. Tatlong beses sa isang araw dapat siyang uminom, ayon sa sinabi ni Doctor Park. Depende din sa sitwasyon.

Naabutan ko siyang tapos na kumain. I handed him the medicine for this afternoon but he just glared at me. "Kaiinom ko lang ah." He hissed.

I shook my head. "This medicine is for this afternoon, sir." I explained. He shoot daggers at me once before getting his medicines from my hand.

Napalunok siya nang makita kung ilan ito. Tumingin pa ito sa akin at inirapan ako. Habang ako, nagtitimpi sa kasungitan niya. Tinitigan ko lang siya hanggang sa mailang na siya at inumin ang gamot. I handed him the water then he stroke it straight. Naasiwa siguro sa lasa ng gamot. "Pwe." I heard him murmured.

Ganun ba kahirap uminom ng gamot para sa kaniya? Eh kalalaking tao niya nga eh.

Hindi ko namalayan na nakatingin na pala siya sa akin. Naniningkit mga mata niya at tila sinusuri ako. "Uri udisu bon jok ijji anayo?" He asked. I nearly had nosebleed the way he speak in Korean. Masyado siya slang and fluent.

Translation: Have I seen you before?

I nodded. "Ne." I answered. That means 'Yes'.

"Eodi?" Kunot noong tanong niya at nag-isip. It means 'Where?'

Tumango tango siya then later on, ngingisi. Tinuro turo niya ako at ngingisi nanaman ng malawak.

"Ah! You must be the one who look like stupid in the bus? Right?" He asked. Secretly, I shoot daggers at him. "And the lady in convenience store? I nearly had heart attack seeing you in all white attire." He laughed hard.

I rolled my eyes and I thank him for not stopping his laughs, he maybe saw me kapag nagkataon.

"Sige. Tawa pa. Libre iyan." I convinced him by murmuring. And like what I always say, he can always hear you whenever how far you are.

"Wanna join?" Irap niya. Umiling ako. Tumayo siya at bumubulong pa habang tumataas ulit siya ng akyat papunta ikatlong palapag. I stucked my tongue out when he turned his back to me.

Aba malay ko bang minumura na pala niya ako sa mga bulong niya? Grr. Kung hindi ko lamang ito pasyente at kung wala lang itong sakit ay baka sinuktok ko na ito.

"Stop stucking your tongue out. It's disgusting." He said. I thought he didn't saw me. "I saw you. Look to your right." He said as if he answered what was questioned to my mind. I looked to the right and to my surprise, I saw a mirror wall. Kasing taas lang ito ng tao.

I want to shoot my self a bullet. Ang tanga ko naman.

Nang wala na siya sa paningin ko ay ilang beses ko siyang minura sa utak ko.

"Panuntok na lang, o!" Saka ko akmang isusuntok sa hangin ang aking kamao.

Nagiging masama ako sa alien na iyon eh.

His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon