Isang malakas na sampal ang nagpagising sa dalaga. Mas napamulat pa ito nang maramdaman niyang inangat pa ng kung sino ang buhok niya pataas!"Wake up, Sleepy head!" Sigaw ng nanabunot at nanampal sa kaniya. Pamilayar ang boses nito para kay Xyrielle.
Hindi. Hindi niya ito magagawa.
Inangat niya ang paningin niya at unang bumungad sa kaniya ang isang silid na walang ibang laman kundi ang poste na ipinangtali sa kaniya. Tumigil ang paningin niya sa taong may kagagawan nitong lahat.
"Ate.." mahina nitong sabi. Hindi siya lubos makapag-isip na gagawin ito ng kaniyang Ate.
Ngumisi si Xyrene. Naiiyak na si Xyrielle dahil sa pangyayari. Gumalaw si Xyrielle at naramdaman niyang may gumalaw din sa likod niya.
"X-Xy.." banggit ng pamilyar na boses. Bago pa makasagot si Xyrielle sa nakatali sa likod niya ay isang malakas na sampal muli ang natanggap niya mula kay Xyrene.
Ngumisi si Xyrene at lumuhod para pantayan siya na nakaupo.. "Nagtataka ka siguro kung bakit ka nandito o kung bakit kita sinasampal, diba?"
Tuluyan nang naluha si Xyrielle sa pangyayari. "Ate.."
"DON'T CALL ME ATE!" Matinis na sigaw nito at saka muli siyang sinampal sa pisngi.
"Tumigil ka na, Xyrene!" Sigaw ni Alexis na nakatali sa likod ni Xyrielle.
"Ikaw! Kayo! Parehas kayo! Mga madaya! Manloloko!" Sinampal muli ni Xyrene si Xyrielle. Hindi makapagsalita ng maayos si Xyrielle dahil umiiyak ito.
"Ate.. B-bakit mo ginagawa, ito?" Mahinang tanong ng dalaga sa kaniya. Tumawa ng malakas si Xyrene.
"Bakit nga ba?" Umikot ikot siya sa poste na pinagtalian ng dalawa. "Una, kasi dumating ka sa buhay ng pamilya ko. Simula nang ampunin ka nila, lahat ng sayo, ay dapat sa akin!" Tumigil ito sa harap ni Xyrielle. "Pangalawa, mas tinuring ka pa nilang anak kaysa sa akin. Ako na lang ang laging nagiging second option nila." Lumuhod ito ng bahagya sa harap ni Xyrielle. "Pangatlo, PINATAY MO SILA!" Sinampal na niya ng magkabila si Xyrielle.
"Xyrene!" Sigaw ni Alexis.
"Ate.. Tama na. A-aksidente ang nang---" naputol ang sasabihin ni Xyrielle.
"Walang aksidente! Ikaw ang may kasalanan ng lahat!" Anger paints all over Xyrene's face. Nangangalaiti na siya sa sobrang galit. "Hindi pa ako tapos. Kahuli-hulihan, INAGAW MO SA AKIN ANG LAHAT! PATI SI EARTH?! LAHAT NA LANG!" Sinampal niya ng sobrang lakas si Xyrielle at namanhid na ito.
"ITIGIL MO NA SABI XYRENE EH! KAPATID KO IYANG SINASAKTAN MO!"
Natahimik ang lugar sa sigaw ni Alexis. Mahilig itong sumigaw pero mukhang ngayon lang siya nakasigaw na pinakamalakas sa tanang buhay niya.
Ngumisi ulit si Xyrene. Tulala si Xyrielle, hindi na alam kung anong gagawin sa nangyayari.
"Okay. At dahil mabait naman ako, pag-uusapin ko kayong dalawang magkapatid." Xyrene quoted in the air the last two words. Nagmartsa siya palabas ng silid at naiwan ang dalawa na nakatali pa rin.
K-kapatid? Si A-Alexis ang k-kapatid kong nang-iwan sa'kin? Naguguluhang isip ni Xyrielle.
"Xy.. I'm sorry." Basag ni Alexis sa katahimikan.
"P-paanong..?"
"I'm sorry... I'm sorry." Iyak ni Alexis. "I-I was the one who left you when we were young. This... I-It was all my fault." Nanatiling tahimik na lumuluha si Xyrielle. Gusto niyang malaman lahat ng rason ng Ate niya na matagal na pala niyang natagpuan at higit sa lahat, bestfriend pa.
BINABASA MO ANG
His Private Nurse
Romance"Doc? Why me?" I asked to the doctor who called me for a meeting about nursing this.. uh, I think an arrogant guy. The Doctor smiled at me. "You are the best nurse here." I gave him my confused look. "And besides, you can take care of his heart." It...