* Play the Multimedia*
-Maybe by David Archuleta-Prince Earth
Huminga ako ng malalim. Itinaas ko ang kamao ko para sana kumatok pero ibinaba ko din ito. Bumuntong hininga na lamang ako.
Nandito ako ngayon sa tapat ng kwarto ni Xyrielle. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dito pero gusto ko sana na mag-usap kami sa hindi malaman na dahilan.
Tsk. Nauuto na ata ako ng babaeng iyon.
Maya maya lamang ay may narinig na akong tawanan. Mukhang may kasama siya sa loob. Sino naman kaya iyon?! Basta basta na lang siyang nagpapapasok ng bisita ng wala man lang permiso ko?
Idinikit ko ang tainga ko sa pintuan para marinig ang usapan nila.
"Paano niyo nga po pala ako nahanap dito?" Boses ni Xyrielle.
"Actually, coincidence lang dahil may bibisitahin sana akong importante sa buhay ko." Tila nanghina ako nang marinig ko ang boses na iyon.
Anong ginagawa niya dito? Pumunta ba siya dito para ipamukha ang napala niya nang wala ako sa tabi niya?
Hindi ko namalayan na nabuksan ko na pala ang pintuan ni Xyrielle. Nakita kong napatayo si Xyrielle at Xyrene.
Magkakilala s-sila?
"A-Ano.. sir Prince! Si Ate Xyrene nga po pala. K-kapatid ko." Pakilala nito sa kasama niya.
Kapatid? Wala akong alam na may kapatid pala siya.
Umayos ng tayo si Xyrene at lumapit sa akin. Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Xyrielle nang kumapit sa braso ko si Xyrene.
"Bye Lil' sis! Siya nga pala ang sinadya ko." At saka ito nagmartsa kasama ko palabas.
Nang magsarado ang pintuan ni Xyrielle ay inis kong tinanggal ang mga braso niya na nakapulupot sa akin.
I glared at her. "And who do you think you are? Basta ka na lang pumasok sa pamamahay ko nang hindi ko alam."
"Oww, so kailangan ko pa palang magpaalam sayo? And excuse me. Nakapangalan ang titulo ng bahay niyo sa magulang mo. This is not yours. Don't be selfish." Pabalang na sagot nito. Mas sinamaan ko siya ng tingin. Ngumiti naman siya agad.
"Forget about that, baby. I missed you so much." She hugged me but I didn't do the same.
"Don't make a scene here." Inalis ko ang mga braso niya na nakayakap sa akin. "Go to the coffee shop that no one can see us."
---
Nakatayo lang siya sa gilid ko at hinihintay na paupuin ko siya. Napa-irap ako at saka ko inilahad ang upuan sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at papaupo na sana nang iatras ko pa sa kaniya ang upuan kaya napaupo siya sa sahig.
"Sorry. My hand slipped." Sa totoo lang, sinadya ko talaga iyon.
She still managed to stood up and smile at me. "Its okay. Alam ko naman na hindi mo iyon ginusto." Umupo na siya. Ganun din ang ginawa ko at umupo sa tapat niya.
Umorder na din kami at nang umalis ang waiter ay saglit kaming nagkatitigan.
"You got your dream ha? Finally." I said to her and smirked.
Ngumiti siya pero hindi umabot sa mga mata niya. "I've got it but you.." she stopped. Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Me? What about me?" I smirked. "Ako lang naman ang iniwan mo dahil sa sakit ko, diba?"
BINABASA MO ANG
His Private Nurse
Romance"Doc? Why me?" I asked to the doctor who called me for a meeting about nursing this.. uh, I think an arrogant guy. The Doctor smiled at me. "You are the best nurse here." I gave him my confused look. "And besides, you can take care of his heart." It...