9 - Pranks

20.4K 388 22
                                    

Xyrielle

Napalabas ako ng kwarto niya sa takot. Ang sama niya. Nagulat, natakot rather, ako sa nakita ko. Its an artificial hand that full of blood. Akala ko nung una ay totoo.

Sumasakit ulo ko sa lalaking iyon. Ganyan ba talaga kapag may sakit? Pati utak may saltik? Siguro kung ako ang nasa kalagayan niya na may sakit ay baka kanina pa ako pinaglalamayan.

Hindi ko alam kung trip ba niya o talagang sinadya niya iyon. Para saan? Para palayasin niya ako? Eh pasalamat nga siya at tinaggap ko ang offer ni Doctor Park. Kung tinanggihan ko iyon, nakakahiya naman para sa kaniya na maraming naitulong sa akin.

"Ate?" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Erylle. "Hala! Bakit ang putla mo?!" Lumapit siya sa akin at hinawakan mukha ko. Nagulat pa ako sa ginawa niya. "Anong nangyari?"

Umiling ako. Kung ano ang kinasama ng Kuya niya ay iyon naman ang kinabaligtad ng ugali niya. Pareho sila ng Mommy niya. Maganda na nga, mabait pa.

"Okay lang ako. Wag mo na akong alalahanin." Paninigurado ko. Kumunot pa noo niya.

"Geureom?" Napangiti ako sa pagsasalita niya.

"Ne." Sagot ko. That means 'Yes' in english. "May lahi ba kayong Koreano?" Tanong ko dahil sa sobrang curious.

Naglakad kami sabay pababa. "Actually, we're half Korean. Si Dad. Si Mommy naman, Ilokana." Tawa niya. "Nagpintas ka, aya? Agpada tayu!" Sabi niya na pinagtaka ko.

Ano daw?

"Ha?" Tanong kong naguguluhan. Tumawa siya.

"It means we're both beautiful. Nag-try lang ako mag-ilokano. Ano? Ayos ba?" Ngiti niya.

"Ayos naman. Kaso hindi ko lang naintindihan." Tawa ko. I feel comfortable with her.

Nagtungo kami sa dining area nila. Ang mahaba nilang mesa ay napuno ng mga pagkain. Nakapaligid naman ang mga katulong sa buong dining area. O-kay? Ganito ba talaga sila?

Naupo si Erylle sa kaliwang gilid. Ako naman ay tumabi sa tayo ni Manang Helen. Kita ko ang pangungunot ng noo ni Erylle sa amin.

"Uy! Bakit kayo nandiyan?" Tanong ni Erylle na may pagtataka. "Wala naman si Dad eh. Halikayo. Kain tayo." Ngiti niya. Nag-alangan pa ang iba.

"Ayos lang po kami dito, Young Lady." Sabi pa ni Manang Helen. Lumingon ito sa akin. "Hija, ikaw din. Kumain ka na. Dito lang kami."

"Ano ba naman kayo. Minsan na nga lang tayong lahat magsabay-sabay eh." Pangongonsensya pa ni Erylle. "Sige na. Please."

Sa huli, nagsabay-sabay na kaming kumain. Walang nagawa ang ibang katulong sa kulit ni Erylle. Sadya daw siyang ganito. Mabait katulad ng Mommy nila. Ayaw daw niya na kumakain siya habang ang iba ay pinapanood lang siya.

Maya maya pa ay dumating na si Prince. Natahimik lahat. At mas ikinagulat ko pa ay ngumiti siya sa lahat. Except pala sa akin. Inirapan pa nga ako.

Tusukin ko ng tinidor yang mata niya eh!

"Sige. Ituloy niyo lang kumain." Ngiti pa niya at pumwesto na din. Kita ko ang paglingon niya sa pwesto ko at inirapan pa ulit ako. Siya na nga may kasalanan sa akin. Siya pa itong masungit.

Kung wala ka lang sakit eh. Matagal na kitang nabigwasan diyan!

Matapos kumain ay nag-ayos na ang iba ng pinagkainan. Si Erylle ay umalis na din dahil may pasok pa daw siya ng school. Napag-alaman kong fourth year high school na siya. Sabi nila Manang Helen, matalinong bata daw si Erylle.

Samantalang ako, pumunta muna sa kwarto ko at naglinis ng sarili ko. Matapos ay tinawagan ko si Doctor Park.

[Oh, Xy, napatawag ka?]

"Eh, Doc. Ano po ba ang mga gamot na ipapainom ko sa pasyente ko? Nakalimutan niyo po kasing ipaalala sa akin." Kamot ko sa kilay ko. Ngayon lang kasi ako nakapag-handle ng ganitong may sakit.

Painumin ko na lang kayo siya ng rugby? O kaya naman albatros o mothballs?

Natawa siya sa kabilang linya. [Oo nga pala. Nakalimutan ko.] Sinabi niya ang mga gamot. Madami ito at nahihilo ako sa mga pangalan nila.

Kinamusta ako ni Doctor Park kung kamusta daw ang unang araw ko sa mga Savino. Nagsinungaling ako na ayos lang at mabait naman ang alaga ko. Ayaw kong kalabasan na sumbungera. Hangga't kaya ko. Titiisin ko.

Matapos ang tawag. Chineck ko ang oras. Alas otso y media na. Mamayang alas-nuwebe ko pa papainumin ang napakabait kong alaga. Insert sarcasm here.

Hindi tumawag mula sa telepono si Prince. Mabuti naman at hindi na niya ako kinulit. Nandidiri pa rin ako sa nakita ko kanina.

Sino ba naman kasi ang may gustong makakita nun diba? Hindi naman iyon totoo pero akalain mong tunay dahil sa kulay at itsura nito. Hays.

Alas nuwebe na at napag desisyunan kong pumunta na sa kabilang kwarto, which happens to be his room. Dala-dala ko ang medicine kit na itinago pala ni Doctor Park sa bag ko. Bumuntong hininga ako. Siguro naman wala nang trip trip ito diba?

Kumatok ako. I heard him say, 'Come in'. So, ayos na naman siguro diba?

Pero ang akala kong walang prank. Meron pala.

Ramdam ko ang lagkit ng slime, kati ng balahibo at halos hindi na ako makakita dahil sa harina na naibuhos sa akin. Rinig ko ang pigil niyang tawa.

So kaya pala hindi niya ako iniistorbo dahil abala siya sa mga kalokohan niya? Salamat ha. Nag-abala ka pa.

I still composed my self. Napahinga ako ng malalim. Okay. Relax ka lang, Xy. Isipin mo itong trabaho mo na ito ay para sa mga magulang mo, para sa mga taong nakapaligid sayo at para sa pasyente mo. Kalma lang ha.

Nilapitan ko siya kahit na mukha akong manok sa itsura ko. Binuksan ko ang medicine kit kahit na nakakadiri na ang kamay ko dahil sa mga nakadikit sa akin. Kinuha ko ang mga gamot na iinumin niya.

Inabot ko ito sa kaniya. Napakunot noo niya. "Inumin mo daw ito, sir." I said.

Naging blanko ang itsura niya. Hindi niya tinanggap ang gamot kaya nilapag ko ito sa table niya. "Paki-inom na lang sir."

When I was about to went off to his room. He said, "I will make you out to my place." Napalingon ako sa kaniya. "I don't need you." He said with his blank expression. "I don't need a nurse to take care of me."

Hinarap ko siya. "Yes you are." I said. "Someday, you'll realize what are nurse for." Then I went off.

Nakakainis! Ang lagkit lagkit ko nanaman eh kakaligo ko lang kanina!

His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon