18 - Effect

17.3K 305 2
                                    

Xyrielle Blurr

I cleared my throat after I coughed. Medyo masama pakiramdam ko pero hindi ko ito ininda dahil mas masama ang pakiramdam ng alaga ko.

Ang tigas naman kasi ng ulo niya eh! Sinabi nang baka magkasakit pero pinilit niya pa ring maligo sa ulan.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto niya para dalhan siya ng pagkain.

"Hindi ka man lang nag-abalang kumatok." Dinig kong sabi niya kahit na nakatalikod pa siya sa akin.

I glared at him, good thing he's facing me his back.

Sa inis ko, pumunta ulit ako sa pagkalaki-laki niyang pintuan at saka iyon kinatok.

"Pasok!" Sabi nito.

Lakas din ng trip nito eh.

Nilapag ko sa may coffee table niya malapit sa kaniya ang tray na hawak ko na may lamang mga pagkain. Hindi siya bumaba kanina para kumain ng hapunan dahil sa masama na din pakiramdam niya. At dahil nurse niya ako, ako na mag-aalaga sa kaniya.

"Sir, kain na po kayo para magkalaman naman tiyan niyo." Pahayag ko kahit na may inis pa rin ako sa mga kalokohan niya.

"May laman tiyan ko. I have abdominal muscles." Pagmamayabang niya.

Hinampas ko sa hangin ang kamao ko. Hindi porket may gusto ako sa kaniya ay puro iyon na lamang ang mararamdaman ko.

"Sir naman." I still manage to talk in casual kahit na naiinis ako sa kaniya. Umikot siya paharap at kita ko ang pagkaputla niya. Nataranta ako.

"S-Sir! A-ang putla niyo." Inalalayan ko siyang maupo. Sabay pa kaming naubo. Tumingin siya sa akin ng masama, nahiya tuloy ako.

"A-Ano.. medyo masama lang pakiramdam ko pero, ayos lang ako." Paliwanag ko. He's still looking at me.

"You should take your medicine." He said.

Aba! Ako pa sinabihan niya ng ganun eh siya nga itong hindi umiinom ng gamot. Pahirapan pa kung sakali.

Hindi ko na lang siya pinansin.

Napabuntong hininga ako. Naupo ako tabi niya. Kinuha ko ang mangkok ng sopas na niluto ni Manang Helen, uhm, to tell you the truth, sa kaniya na ako nagpaturo dahil hindi ako marunong magluto. Kaya nga lagi akong kumakain sa labas.

Sumandok ako ng kaunti sa sopas gamit ang kutsara. Hinipan ko ito at saka ito inimuwestra sa kaniya. Hindi pa rin siya gumagalaw at nakatingin lang sa akin.

"Why are you taking care of me instead of taking care of yourself?" Bigla niyang tanong. Huminga ako ng malalim saka ko inilapag ang mangkok sa may coffee table.

Ngumiti ako. "Ako kasi ang taong inuuna muna ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili kong kagustuhan." Paliwanag ko. Kinuha ko ulit ang sopas at saka ko tinapat sa mukha niya ang kutsara na may laman. Bumuntong hininga siya.

"Drink medicine, okay?" He said. Namula ako sa sinabi niya. Hindi niya pa rin ginagalaw ang pagkain na binibigay ko sa kaniya.

Why suddenly care for me?

Matagal kaming nagkatitigan bago ako sumagot. "Yes, Sir." Nang masabi ko ang mga salitang iyon at isinubo na niya ang pagkain na kanina ko pa nilalahad sa kaniya.

Tahimik ko lang siyang pinapakain. Ako na din ang nagsusubo sa kaniya dahil nga sa nanghihina na siya.

"I don't want na." Napangiti ako at muntik nang matawa sa pagsasalita niya na parang bata.

His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon