32 - Lies

14.5K 276 8
                                    


Tunog ng ambulansya at mga rumerespondeng pulis ang naririnig ni Xyrielle dahil sa pagkatulala. Hindi niya masikmura ang mga nangyayari.

"I SHALL RETURN!" Tawa ng tila nababaliw na si Xyrene. Naabutan siya ng mga pulisya na natakas kaya nahuli na siya, kasama ng mga tauhan niya.

"Xy.." umiiyak na nag-aalalang sabi ni Alexis. Nakatingin lamang ito sa kanilang ama na nakahiga sa stretcher at pinasok sa loob ng ambulansya.

Hindi ito pinansin ni Xyrielle at wala sa sariling naglakad palayo sa pangyayari.

Bakit? Ano bang nagawa ko at nangyayari ito sa akin ngayon? Sa isip niya. Gusto na niyang maiyak pero walang luha ang lumalabas aa mga mata niya.

Habang naglalakad siya ng wala sa sarili ay muntik na itong mabangga sa dinadaan! Hindi niya alam na nasa highway na pala siya. Binusinahan siya ng kotse at buti na lamang ay may humila palayo sa kaniya doon.

Tinignan niya kung sino ang taong iyon, umaasa na siya iyon na kailangan niya ngayon, pero nagkamali siya.

"Hey! Are you out of your mind?! Bakit ka ba naglalakad ng wala sa sarili? Okay ka lang?!" Nag-aalala nitong sambit sa dalaga.

"Andreu.." at nawalan ng malay ang dalaga.

---

Liwanag. Pagmulat niya, nasilaw siya sa isang liwanag na nagpagising sa kaniya. Maingay ang mga tao. Inikot niya ang mata niya at nakita niyang nasa isa siyang ospital.

Nakita niya sina Enrico, Andreu, Matthury at.. si Alexis, na ngayon ay kausap ang isa sa mga doctor. Nagpanggap siyang tulog.

"Doc, kamusta po ang kapatid ko? Ilang araw na siyang walang malay." Boses ni Alexis.

Nakakapagtaka lang na wala dito si Prince. Nasaan na kaya ang binata?

Narinig niyang napabuntong hininga ang Doctor. Narinig niya ang sinagot ng doctor kay Alexis na ikinanlumo niya.

Kailangan ko ng umiwas sa kaniya.. Isip ni Xyrielle at mas lalong sumakit ang dibdib niya dahil sa lungkot.

---

Sa bahay naman ng binata, ay nakahiga at nagpapahinga si Prince. Hindi siya makatayo ngayon at mukhang nanghihina. Hindi siya dinala sa ospital dahil ayaw niya doon. Kaya naman ay sa bahay na lamang nila siya pina-confine.

Inatake ang binata dahil sa nalaman niya sa nangyari kay Xyrielle. Pupuntahan na sana niya ang dalaga ngunit bigla siyang inatake at nalaman na lumalala ang sakit..

"Son.." tawag sa kaniya ng kaniyang Ina. Halata sa mukha nito ang takot na baka isang araw, mawala ang anak niya sa kaniyang kamay.

Tinignan siya ng nanghihinang binata. Pinilit nitong umupo kahit na sumasakit ang dibdib at likod niya. Inalalayan siya ng kaniyang ina at pinaupo ng ayos.

Huminga ng malalim si Prince. "Ma.." mahinang sabi nito. "I-I want t-to.." huminga ulit siya ng malalim. Nahihirapan magsalita. "T-to go to... Xyrielle.. s-she needs me."

"Shh.." pinahid ng ina ang takas na luha ni Prince. "She's okay. She's fine. J-Just rest." Mautal nitong sagot dahil isang kasinungalingan ang sinabi niya.

"But, Mom.." pilit ni Prince. Umiling ang ina.

"Rest now, okay? N-next week, nandito na siya. She's fine now." Aangal pa sana si Prince. "Please? For Mom." Pakiusap ng ina. Pilit na tumango ang binata at humiga ulit. Tumalikod ito at kinumutan ang buong sarili.

His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon