17 - Present and Past Sister

16.9K 295 6
                                    

Alexis Chan Park

"Nurse Park, pinapatawag po pala kayo ng Papa niyo." Tumango na lamang ako kay Nurse Comia at dumiretso sa opisina ni papa. Nadatnan ko si Enrico na papalabas din ng pintuan sa office ni Papa. Ngumiti siya.

Napangiti na din ako sa simpleng ngiti niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto. At kinilig naman ang lola niyo!

"Pasok na." Sabi niya na nakangiti. Kahit kailan talaga.

"Uhm. Kaya mo ba ito ginagawa kasi.. polite ka lang, diba?" Tanong ko at nakangiti siyang tumango.

Assumera ka kasi, Alexis!

Nawala ang ngiti ko at tinaasan ko siya ng kilay. "Umalis ka nga. Hindi pa kita bati." Pagtataray ko at saka ako naglakad papasok at tinulak ko siya palabas. Napakamot siya sa ulo niya.

"Sungit naman." Sabi niya bago ko siya pagsaraduhan ng pintuan.

"Nakakairita! Akala mo kung sinong gwapo!" Inis kong bulong. May narinig akong tawa.

"One sided?" Asar niya. Sumimangot ako.

"Annyeong, Appa." I bowed.

Ngumiti siya sa akin at inaya na umupo. Isang mabuting ama si Papa. Simula nang mawala ang kapatid ko nang dahil sa masamang nangyari, mas naging bantay siya sa akin dahil ayaw niyang mangyari sa akin ang nangyari sa kapatid ko.

"Appa, w-what happened to the.. DNA result?" Tanong ko. Bigla siyang sumeryoso at saka may inilabas na envelope. Ibinigay ito sa akin.

Nanginginig ko itong binuksan. Nanlalaki mga mata ko sa naging resulta.

"Positive. She's your younger sister. And my long lost daughter."

Mapapatawad mo kaya ako kapag nalaman mo ito, kapatid ko?

---

Kanina pa nakakunot ang noo ko. Pilit kong sinisikmura at pilit ko ding kinakalma ang sarili ko na sana wala akong masamang gawin dito sa babaeng nasa harapan ko.

Relax na relax lang siya nakaupo at umiinom ng frappé.

"You invited me here just to watch you drinking a coffee? Really?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Binaba niya ang kape niya at saka tumingin sa akin. Ngumisi at saka tinignan ako ng mabuti.

She invited me here and said to meet up with her in a café. At first, I hesitated but she said that she know something about my younger sister.

"You're an orphan, hindi ka niya hawig." Suri pa niya. So what now if I'm an orphan? Atleast I have the loving parents who took care of me. Atleast I have parents that taught me how to respect others. Unlike her, her parents did teached her, but she didn't apply anything.

"Then?" Inis kong sabi. "How did you find out that she's my sister?" I asked curiously.

Umupo siya ng ayos and crossed her arms. "Simple. Dahil simula pa lang, alam ko na." She said. "Nakita ko kung paano mo siya iwanan sa isang tabi." That made me shocked.

Hindi ako nakapagsalita. Nakabalik lang siya dito sa Pilipinas na masama na ang ugali. I didn't know how she knew about me. Ang alam ko lang, siya si Xyrene na isang famous paint artist sa France.

"Ako nga pala ang tumayong Ate niya nang iwanan siya ng sarili niyang Ate." Paliwanag niya na ikinagulo ng nasa utak ko. Sumeryoso ang mukha niya at napalitan ang ngisi niya ng blankong ekspresyon. "At dahil sa kaniya kaya nawala ang lahat ng meron ako noon." She said with anger.

Tumayo na siya. "Anyway, I saw her in my exhibit event with my ex." Bago pa siya umalis, binigyan niya ako ng calling card. "Call me if you need anything." She smirked and left me puzzled.

She became part of Xyrielle's life.

Napatingin ako sa binigay niya sa akin.

Xyrene Ramos.

How come naging Ramos siya kung isa siyang Kim na naging kapatid ng kapatid ko?

---**

A/N:

Hyomin as Xyrene
Eunjung as Alexis

-NoLoveJustLife-

His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon