Xyrielle
Minulat ko mga mata ko. Unang sumilay sa mga mata ko ang puting kisame. Teka? Anong ginagawa ko dito?
Sa taranta ko, agad akong bumangon. Nakita ko si Prince na nakaupo sa may couch, nakasimangot na nakatingin sa akin.
"B-Bakit ka nandiyan?" Tanong ko at tumayo agad ako sa kinauupuan ko. Nilapitan ko ang alaga kong may nakasabit na suwero sa kamay.
"Magpasalamat ka na lang." Sagot nito saka lumayo sa akin at siya naman ang nahiga sa kama niya. "I saw you drooling kaya nilipat kita sa kama ko. Ayaw kong mabahiran ng laway mo kaya umalis ako." Sagot nito saka kinuha ang libro na nakapatong sa desk niya. "Basic informations about Heart Failure?" Nang basahin niya ang title nitong libro ay agad ko itong inagaw sa kaniya. Tinignan niya ako.
"W-Wag mong galawin ang g-gamit k-ko." Utal kong sabi saka umiwas ng tingin. Siningkitan niya ako ng mata kahit na singit na ang mata niya, so tendency ay parang pumikit lang siya.
"Hindi ko kailangan ng mag-aalaga sa akin." Napatingin ako sa kaniya. "No one is allowed to have pity on me. No one has the right to enter my life. I don't need anyone to take care of me. I don't need you." Sabi nito saka tumalikod sa akin.
---
"I'm okay, Mom." Dinig ko ang boses ni Sir Prince mula sa pinto niya. Nakauwi na kami galing hospital at ngayon ay pinaalala sa akin ng Doctor na dapat painumin ko siya ng gamot kaya ako nandito. Eh on time ko naman siya dinadalhan eh.
"What?! Ayaw ko nga." Napakunot noo ko. Anong ayaw niya? "Tss. Fine--" hindi natapos ang sasabihin niya dahil binuksan niya ang pinto ng kwarto niya, at dahil nakasandal ako dito ay nahulog ako sa sahig. "I'll call later." Dinig kong sabi niya saka lumapit sa akin.
"Aray ko.." daing ko saka napahawak sa braso kong masakit. Ito kasi ang nauna kaya pakiramdam ko ay may pasa.
"Sinong tanga ngayon?" Lumuhod siya sa harap ko saka tinulungan ako sa pag-aayos ng gamit na dala ko. Well, gamot lang naman niya ang dala ko papunta dito. Napatingin siya sa parteng hawak ko. "Anong nangyari diyan?" Tanong niya saka hinawakan ang braso ko. Tsk. Ngayon pa siya nagpaka-gentleman.
Hinila niya ako papunta sa may medicine kit niya. Kinuha ang betadine at bulak. "Kung hindi ka lang sana tanga, hindi iyan dumudugo." Sabi nito saka ako tinulak palayo sa kaniya gamit ang hintuturo niya sa noo ko. Abuso ito ah!
Napatingin ako sa braso ko. May gasgas nga. Akala ko pasa lang. May bahid ng konting dugo at pinahid niya iyon gamit ang bulak na may betadine. Mabuti na lamang at ginawa niya iyon dahil muntik na akong manhina sa nakita ko.
Takot ako sa dugo.
Nagsimula ito nang makita ko ang itsura ng mga nakilala kong magulang matapos ang aksidente. Puno ang buong katawan ng dugo at walang buhay. Halos hindi na ako makahinga ng literal dahil sa nakita ko.
Ang magulang na nagpalaki sa akin, sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari, kung hindi sana ako nagpumilit na papuntahin sila sa araw ng graduation ko, sana buhay pa sila.
K-kasalanan k-ko.
"Hey. Hey." Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Puno ng dugo ang buong mukha. Bigla akong natakot. Nanghina ako at napa-iyak.
"L-lumayo k-ka sa a-akin!" Sigaw ko nang nanghihina. Napaupo na lamang ako sa sahig. Umiiyak. Tinakpan ko mga tainga ko. May mga sumisigaw. Mga galit na tao at nanghihingi ng tulong.
May bumalot na kung ano sa kin."Hey! Wake up! It's me. It's me."
Inangat ko ang ulo ko. Doon ko nakita ang lalaking nakayakap sa akin. "S-Sir P-Prince.."
BINABASA MO ANG
His Private Nurse
Romance"Doc? Why me?" I asked to the doctor who called me for a meeting about nursing this.. uh, I think an arrogant guy. The Doctor smiled at me. "You are the best nurse here." I gave him my confused look. "And besides, you can take care of his heart." It...