36 - Again

15.3K 300 18
                                    

Xyrielle Blurr Park

"Are you feeling well now?" Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango.

"Kaya ko naman po eh." Pumilit akong ngumiti ng maayos para makumbinsi si Papa na ayos lang ako pero dahil kilala niya ako, sinimangutan niya ako.

"You're not." He said. "Are you okay now about.. Earth?"

Napabuntong hininga ako at tumango lang. "Sige na, Papa. Pahinga muna ako." Tumalikod na ako sa kaniya ng higa at binalutan ang buong sarili ko ng kumot. Narinig ko lang ang pagbukas sara ng pinto, sinyales na umalis na si Papa sa kwarto ko dito sa ospital.

Is it my fortune to live in the hospital? Parang buong buhay ko, naging kasama ko na ang ospital. Napabuntong hininga ako.

I was diagnosed with Leukemia. I wanted to cry, hoping that this disease of mine would be gone, but nothing happens. Sa pag-iyak ko, nagiging mahina ang taong nasa paligid ko. Naaawa sila sa kalagayan na meron ako ngayon at hindi ko gusto iyon. I need to be strong. For them. For myself. For him.

I left him, not because for me but also for him. Hindi ko ginusto na maging ganito ang sitwasyon naming dalawa. I lied to him. I do love him very much. Very much that I don't want to hurt him.

Yes, I did hurt him and I knew about his operation last week because of his disease. Naatake siya dahil sa pang-iiwan ko sa kaniya. I was hurt that time. But at the same time, relieved. Relieved because nothing bad happens to him after the operation. Maybe? I don't know.

Still, If I didn't left him, he would know about my disease, and that will make his heart shattered.

Kaya habang mas maaga pa, mas minabuti ko nang iwanan siya. Dahil ayaw kong maging pasan niya ang sakit. Gusto ko maging matatag siya para sa sarili niya. Gusto ko na masanay siya na, kapag nawala na ako, hindi na niya ako hahanapin at maaalala pa. Gusto kong kamuhian niya ako, hanggang sa kalimutan na niya ako.

This is not for me but for him.

-----*

Gabi na at hindi pa makatulog si Xyrielle. Hindi siya mapakali. Tila may gumagambala sa kaniya at bumabagabag.

Napabangon siya at tinignan ang stand ng dextrose niya. Umupo siya ng ayos at sinubukang tumayo kahit na hirap na hirap na siya.

Kailangan na niyang mag-gala gala man lang. Ayaw naman niya na mabalot siya sa iisang kwarto at nakahilatay lang doon. Baka bumaon na ang balat niya sa kumot kapag nagkataon.

Naisipan niyang lumabas at pumunta sa isang lugar kung saan siya makakaramdam ng kapayapaan.

---

Sa sitwasyon ni Prince. Nakatulala siyang nakaupo at hindi pa rin masikmura ang mga nangyayari sa kanila ni Xyrielle.

Sobrang puti mo din, para kang bond paper.

A girl with a white skin like the snow there in Korea.

Yung kaputian niya, mas lalo pang pumutla. At tingin ko, hindi na natural na bagay iyon.

Pati ang labi niya, ang putla.

Iniisip niya ang mga nasabi niya noon habang inoobserbahan niya pa si Xyrielle. Ibig bang sabihin nun, matagal nang nangyari iyon? Eh bakit ngayon lang niya nalaman?!

Naiisipan niyang lumabas ng kwarto niya at maglakad lakad. Kinuha niya ang dextrose stand niya at saka lumabas. Gabi na at hindi din siya makatulog. Masyado siyang nalulungkot kaya hindi siya makatulog.

His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon