Jasmine's POV
"Baklusssh, how are you na sa bahay nila Kevin?" Pagtatanong sakin ni France. Ayun, crush ko na sya teh. Hahaha.
"Okay naman." Sabi ko, pero wala akong gana makipag-usap sa kanila. Tapos na kasi ang first subject namin. At mukhang wala si Ms. Yu, kaya vacant kami. Naisipan ko naman ang umiglip nalang. Medyo napuyat kasi ako kakaisip kay Kevin, ewan! Kasi naman e.... yung pagiging protective nya, so yun. Pero, wala lang yun. Kaya eto, itutulog ko nalang ito.
Nagising naman ako sa kaingayan ng classmates ko. Nagbabatuhan kasi sila ng papel. Pasimuno si Ceska.
"Hala Ryan oh, binato ka ni Ren." Sabi ni Ceska sa kaklase naming si Ryan e sya naman ang bumato ng papel dito at hindi si Ren. Kaya binato rin ni Ryan si Ren.
"Ceska Laine Figueroa!!!" Sigaw ni Ren dito. At sumigaw din naman si Ceska ng..
"Huy guys wag nyo namang batuhin si Ren." Sabi nya. Eh sya nga yung nag uutos. Kaya ako, ang ginawa ko ay nagbilog din ng papel at ibinato kay Bessy. At boom!!! Headshot.
"ARRRAAAAYYYY!!!" Sigaw nya at inikot ang paningin para tignan kung sino ang bumato. At ako naman ay agad na umub-ob para hindi nya mahalata.
"HAHAHAHHAHAHA!!!" At tinawanan naman sya ni Ren, at syempre alam ni Ren na ako ang bumato. Ganon lang talaga ako magpakita ng pagmamahal kay Bessy. Hahaha.
"Baliw ka talaga!!"
"Ay baliw talaga ako!!" Nasabi ko na lang sa gulat. Bigla bigla nalang bang magsasalita tong katabi ko. At sino ang katabi ko!!? Si Kevin lang naman po.
"Psh. Haha!" Nasambit nalamang nito.
"Bigla bigla ka nalang sumusulpot!" Sabi ko dito at nagpout.
"Haha. Wag ka magpout!" Sabi nito sakin. Problema nya!?
"Bakit ba!? Gusto ko e." Sabi ko naman dito.
"Baka mahalikan nanaman kita ng di oras dyan ha!" S-sabi nya at natigilan naman ako dun. B-baka mahalikan ako e.
"Che!!!" Sabi ko nalamang sa kanya. Namula na kasi ako, so tumayo nalamang ako sa unahan at nakibato sa mga kaklase ko. Maya maya rin lang ay nagbell na...
"Gutom na ako." Sabi ko sa mga kasama ko. Ansakit na ng tiyan ko e.
"Ako din. Tara na!" Sabi sakin ni Ren at hinila na ako papuntang Canteen. Kaya nauna kami kayna Kevin. Hilahin ba naman ako nito.
"Makahila ka wagas ha!!" Sabi ko dito. Kasalukuyang nakapila na kami sa Canteen..
"Eh parehas tayo ng nadadama e." Sabi naman nito na umaarte pa. Kaya binatukan ko ito.
"Aray ha!" Sabi nya sakin. Napalakas ata.
"Arte mo e." Sabi ko. At pagkatapos non ay nakaorder na kami at umupo!! Nakita ko naman sa bandang dulo ng Canteen sina Shun at Sharmaine kaya napabuntong hininga nalang ako. Hayyy! Ansakit padin.
"Para silang sikat ng araw no!? Masakit sa mata." Sabi sakin ni Ren ng mapansing nakatingin ako sa gawi nila Shun.
"Gusto mong wag ka ng sikatan ng araw bukas!!?" Pabirong tanong ko rito. Nang iinis pa kasi. Napatingin naman ulit ako sa pwesto ng dalawa habang nagtatawanan. Ang saya nila ha!! Di nila alam nakakasakit na sila ng damdamin ng iba.
"Wag mo ng tignan. Alam mo namang masakit sa mata tinitignan mo pa!" Sabi sakin ni Kyle. Nandito na pala sila.
"Oh eto shades!" Sabi sakin ni Stephen at sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Ano baklush, susugudin ko na ba!?" Sabi sakin ni France, tumingin nalang ako sa baba.
"Bessy mas maganda ka dun. Yaan mo lang!" -Ceska

BINABASA MO ANG
I Fell Inlove with Mr. Antipatiko
Teen FictionDadating sa buhay ni Jas ang antipatiko na sikat at gwapo na si Kevin. Si Kevin ang dahilan kung bakit gugulo ang buhay ng dalaga ngunit ito rin ang dahilan kung bakit mas sasaya pa sya. Nagkasundo sila dahil si Kevin ang taga ligtas ng babae pag na...