Chapter 22: Sportsfest

30 2 0
                                    

Jasmine's POV

Nagreready na ang school namin para sa sportsfest ngayong araw. Tatlong school ang kakalabanin ng school namin. ADMU, DLSU at Crosswell University..

Maya maya rin.. nagsimula na ang sportsfest, may iba't ibang laro dito. Pero bastketball lang ang hinihintay ko. Basketball at volleyball lang din naman ang pinakatututukan. Habang naglalaro ang basketball team, may naglalaro ng badminton and chess. Ganto sa school namin. Pinakilala na ng MC ang bawat school. Una kaming pinakilala dahil sa school namin ginaganap, sumunod ang ADMU, Crosswell University at DLSU. Pinakilala nadin ang players ng volleyball at basketball. Nauna ang captain, at si Kevin lang naman yun. Ang dami namang nagsi-tiliin. Galing pa namang La Salle ang lalaking ito. Ang gwapo nya. *u* Magagaling ang player ng school namin, kasama din doon sina Kien, Kyle, Jake, Ren, Stephen pati si Shun. Gusto ngang sumali ni France makachansing lang at makahawak daw. Buti nalang di nakasali. Kaarte kasi, pag ibabato na sakanya yung bola, umiirit pa. And yes, nagtry-out sya. Pagkatapos ng pagpakilala sa mga ito, nagsimula na ang sing and dance presentation. Para daw makapagready ang mga players kaya meron nito. Nakasuot ako ng croptop na white at black na skirt. Sabi nga kanina ni Kevin nung nasa kotse kami kanina, "You're gorgeous. Perfect." And note: Sinabi nya yan bago bumaba ng kotse. Light lang ang make-up at naka-flat doll shoes lang ako. Then kinulot ko lang ang dulo ng buhok ko. Hindi ako naiilang sa suot ko kasi yung mga maarteng tao dito halos araw araw ganyan suot.

"Ay Kevin!!!" Nasabi ko nalang ng may humawak sa beywang ko. At si Kevin pala. At anong nasabi ko?

"Mukhang iniisip mo ako, ha?" Tanong nito.

"Bat ka ba kasi andito? Ayun yung players oh?" Sabi ko dito. May bench kasi for them at nasa backstage na ako.

"Wala lang. Eto oh, jacket." Sabi nya at isinuot saakin ang jacket.

"Habang di pa nagsisimula, magjacket ka muna ha." Sabi nya at aalis na sana pero tinawag ko... Napangiti naman ako. Sweet.

"Kevin.." Tawag ko dito noong pabalik na sya sa bench nila.

"Thankyou."

"Welcome Gorg." Sabi nya at umalis na. Ako naman ngiting ngiti doon. Nahahawa na sya kayna Ren sa kaka-gorg na yan ha.

"Makangiti, ateng!" Sabi ni Ceska.

"Ako ang kinikilig sainyo. Maygahd!" Maarteng sabi ni France habang pinapaypayan ang sarili.

"Eto oh, jacket." Sabi ni Kayne habang nagboboses lalaki na tila'y ginagaya si Kevin

"Para kayong mga tanga dyan. Pinapalaki nyo mga bagay bagay." Sabi ko sa mga ito pero ayaw mapawi ng ngiti sa labi ko.

"Big deal naman talaga eh. Ngiting ngiti ka nga bessy, eh." Sabi ulit ni Ces.

"Aynako. Yaan na yan. Goodluck Jassy baby." Sabi ni Kayne.

"Baklaaaa, ang daming fafa." Sabi ni bakla kaya napailing ako. Kinikilig pa sya!

"Landi!" Sabay sabay na sabi naming tatlo.

"Whatevs kayo. Bye! Hanap lang akong fafa. Kitakits. Loveyouall." Sabi nya at umalis na nga.

"Landi talaga nun." Sabi nalang namin. Maya maya, natapos na ang presentation nina Lyka. At ako na ang sunod. Kinuha ko na ang guitar at inalis na ang jacket na pinahiram ni Kevin.

"Bessy, pakihawak. Ingatan mo." Sabi ko at inintay ko nalang na tawagin ako ng MC.

"So next, kakantahan tayo ng isang magandang babae. So let's give it up for Miss Shayrina Jasmine Santos." Tawag saakin ng MC. Pumunta nanaman akong stage at ngumiti sa mga estudyante. Pumalakpak at nagsigawan naman ang mga ito.

I Fell Inlove with Mr. AntipatikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon