Jasmine's POV
"Ija. Gising na.." Ulit nanaman ni Yaya Bell, kanina nya pa ako ginigising, eh. Hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang, mamaya pa ang pasok ko.
"Ija, kanina ka pa iniintay ni Kevin sa baba." Sabi ni Yaya na agad nag-pagising ng aking diwa. Mabilis naman akong bumangon..
"Bakit daw po?" Natanong ko nalang.
"Tumawag ang mommy nyo, ngayon na ang uwi nila. Kaya bumangon ka na dyan." Pahayag nito. Waaaaahhh!!! Talaga ba!? Yes.
"Talaga po, sige po."
"Kumain ka muna doon." Sabi ni Yaya. Agad naman akong nagtoothbrush at bumaba na. Pinuson ko nalang ang buhok ko. Pagkababa ko, nakita ko si Kevin na nakangiti. At doon ko lang napansin na may kausap sya. S-sino yun? B-baka si tita lang.
"Oo na, Lian." Sabi nya na nagpabago ng aura ko. Leche! Agang aga. May pakiss kiss pa sya sa noo ko kagabi. Kukumot kumotan pa ako. Tapos ano? Ganto? Psh. Sa sobrang inis ko. Naibato ko dito ang tsinelas ko. Bigla nalang kumilos ang mga kamay ko, eh. At yun! Sapul sa ulo. Medyo naka-side view pa naman sya.
"Ouch!!" Sabi nito at agad tumingin saakin. Cool na cool lang naman ako doon.
"Sorry, tumalsik eh." Sabi ko at agad kinuha ang tsinelas ko sa kanya saka dumiretso sa hapag-kainan. Tinignan lang naman ako nito ng nakahawak pa sa ulo nya. Hindi ko alam kung anong expression nya kasi di ko sya matignan ng diretso.
"Sorry Lia--" Sasabihin pa nya dapat.
"GOODMORNING YAYA'S!" Malakas na bati ko sa mga ito. Yung tipong hindi sila magkakaintindihan sa pag uusap. Sinadya ko yun. Magsasalita pa sana sya ng sumigaw ulit ako.
"GOODMORNING KUYA VICTOR!" Sigaw ko sa driver nila.
"Puwede ba, wag kang sumigaw. Ang aga pa Jasmine, oh!" Sabi saakin ni Kevin at lumabas na. Napatulala naman ako doon, J-jasmine? Sabi nya.. Tatawagin nya lang daw akong Jasmine if galit sya. G-galit sya? Dahil lang naabala ko sila ni Lian sa pag-uusap. Ganoon na ngayon? Nagagalit na sya saakin dahil lang naabala ko sila? Sorry ha. Nasaktan kasi ako. Napansin ko nalang na may pumatak na luha sa braso ko. Umiiyak na pala ako.. Agad ko namang pinunasan ang luha ko. Bat nga ba sya ganyan?
"Jas, kain na." Sabi ni Yaya Patring.
"S-sige po.." Sabi ko dito.
Naiinis ako sa sarili ko kung bakit nagkakaganito ako ngayon. Kung bakit ganito ang inaakto ngayon. Tangina lang. At bakit nga ba nasasaktan ako ngayon.
Sumubo lang ako ng kaunti at tumaas na para magpalit. Ayokong magkasabay pa kami doon. Kaya habang kausap nya pa ang Lian na iyon, edi ayon. Mag usap sila. Pakasarap! Ang ganda ng simula ng araw ko. Grabe! So nice. Psh.
Naligo ako at nagtoothbrush ulit. Pagkatapos ay nagbihis at nag ayos ng sarili. I'm wearing a shirt na may design na american flag at jogger pants. Then a hollister shoes. Malamig nadin kasi. Naglugay lang naman ako ng buhok, nagpolbo at bumaba na... Napansin ko namang pababa palang din si Kevin at bihis na kaya binilisan ko ang pagbaba.
"Ingat kayo. Jas, Kevin." Sabi saamin ni Yaya Patring. Diretso lang naman si Kevin. Nagsmile naman ako kay Yaya. Pumasok na pala sya sa kotse kaya pumasok nadin ako.
***
Sa lahat ng byahe naming magkasama, eto ang pinaka ayaw ko. Kasi ngayon, parang may nakaharang na-pader sa gitna namin. Mi hindi nya nga ako tinitignan, eh. Ganoon din naman ang ginawa ko...
Nasa kalagitnaan na kami ng byahe, tahimik lang. Nakakabinging katahimikan. Nang biglang nagring ang phone ko.
Calling Calvin..
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove with Mr. Antipatiko
Ficțiune adolescențiDadating sa buhay ni Jas ang antipatiko na sikat at gwapo na si Kevin. Si Kevin ang dahilan kung bakit gugulo ang buhay ng dalaga ngunit ito rin ang dahilan kung bakit mas sasaya pa sya. Nagkasundo sila dahil si Kevin ang taga ligtas ng babae pag na...