Jasmine's POV
"Hoy Jasmina! Tulaley ka nanaman jan bakla." Sabi sakin ni France na nagpabalik ng diwa ko. Kanina ko pa kasi iniisip kung ichecheer ko ba si Kevin. Gusto ko.. Syempre. Pero kasi, baka kasi isnobbin laang ako. Huhuhu pag nangyari yun. At saka andun yung epal na si Lian. Di sila magkasama kasi, Kasama ni Kevin coach nya e. With his playmates. Nasa school na ko kanina pa. Actually malapit na magsimula ang game at andito kami sa may bench malapit sa stage. Kasama ko naman yung tatlong bruha ng buhay ko habang ang boys ay nagpapractice nga.
"Wag mo kong pakialaman. Seryoso ako dito." Pagtataray ko dito kaya kinurot ni Ceska si France.
"Sobra na yang pag iisip mo, Jas." Sabi naman ni Kayne. Hinayaan ko nalang sila. Miss na miss ko na si Kevin kung alam nyo lang. Kaynis!!!
"Kaya natin tooo!! Wooooh!!" Sigaw ng team mate ni James, tapos na pala ang meeting nila. Pati nila Kevin. Napatingin naman ako kay Kevin na nakikipagtawanan kayna Jake. Hayst! I missed his laugh. :( Napansin ko naman din na pagkatapos nila magtawanan ay parang may tinatanong sila kay Kevin. Kasi tumatango ito. Ang putla pa ng mukha nya. Maya maya, lumapit na sila sa bench kung nasaan kami. At agad akong nagtanong kay Jake na tumabi sakin.
"Okay lang ba si Kevin?" Tanong ko dito. Umiling naman ito.
"Masakit braso nya isama mo pa ang lagnat nya." Sabi nya. Medyo nagulat naman ako dun at nag-alala.
"Lalaro pa ba sya?"
"Kailangan. At gusto nya." Sagot lang nito. Sa mga oras na ito, wala akong gustong gawin kundi ang lapitan sya. Hayst! Napatingin naman ako sa gawi nina Shun, ngayon ko nalang naisip ang mahal ko. Mahal ko pa ba s-- Syempre! Busy lang talaga kaya ngayon ko lang sya naisip. Si James naman ay kanina pang nakangiti sakin. Magpagaling kana Kev.
Lumapit naman dito si Lian na nagpasama ng aura ko. Epal! Mukha namang ayaw syang kausapin kasi pangiti-ngiti lang si Kevin
"May nagseselos po." Sabi ni Jake.
"Tanga ka po." Sabi ko nalang.
"Jas, sino bang iche-cheer mo. Kami o yung James mo?" Tanong ni Ren na may malungkot pang mukha. Natawa nalang ako.
"Hindi na tinatanong yan. Kasi syempre kayo. Mahal na mahal ko kayo, e." Sabi ko sa mga ito. With feelings pa. Hahaha.
"Yonaman!!!" Sabay sabay na sigaw ng boys pwera lang kay Kevin na napatingin lang. Si France naman ay may pagpalakpak pa duon. Baliw.
"Kami nga ba ang mahal mo?" Tanong ni Stephen.
"O si..." Dugtong ni Kien na may pagtingin pa sa gawi nina Kevin.
"Mga gago!" Sabi ko nalang at tumawa.
"Jas, kunyari nalang di ka nagseselos. Kunyari lang ha." Sabi ni Kyle.
"Titigil ka o---" Naputol naman ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita na si Kyle.
"Uy. Joke lang naman, Jas." Sabi nya na may pagharang pa ng kamay nya sa mukha nya. Di naman ako nagseselos kasi. Putangina lang ni Lian. K.
"Magsisimula na po ang game. So be ready players." Sabi ng announcer sa mike. Nagready nanaman ang magkabilang panig at nag warm-up ng saglit.
"START OF THE BALL GAME!!!" The announcer announced. Nag iritan nanaman ang mga nanunuod. Ako naman ay nakatingin laang kay Kevin. Nag-agawan na ng bola, at school namin ang unang nakahawak.
"Kevin dribbling the ball. Pass to Jake. Pass to Kevin, and for threeeeeeee. 3 points!!!" Sabi ng announcer at nagpalakpakan naman ang mga taga school namen. Napangiti naman ako. Si Lian naman ay kanda irit na duon. Maya maya, napansin ko ang pag iling ni Kevin. Bakit?
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove with Mr. Antipatiko
Dla nastolatkówDadating sa buhay ni Jas ang antipatiko na sikat at gwapo na si Kevin. Si Kevin ang dahilan kung bakit gugulo ang buhay ng dalaga ngunit ito rin ang dahilan kung bakit mas sasaya pa sya. Nagkasundo sila dahil si Kevin ang taga ligtas ng babae pag na...