Chapter 17: Feeling what?

24 3 0
                                    

Jasmine's POV

"Okay Class. So yun nga ang dahilan kung bakit maraming nakakasurvive sa ganong bagay...blah blah!!" Nakakainis. Inaantok nanaman ako. Siguro ganon lang talaga, mayroon lang talagang subject na masarap tulugan. Tutal nasa likod naman ako ngayon kaya matutulog nalang ako.

"Bwiset naman. So bagal ng internet. Dapakpak ng manok." Narinig kong sabi ng maingay na bunganga ni France na mahahalata mong malayo naman sakin. Nasa una unahan kasi yun at doon malakas ang sagap ng net. Napamulat nanaman ako... at pagkamulat ko, nakita ko ang nakatitig na Kevin sa harap ko. Kaya napakunot naman noo ko.

"Sarap ng tulog natin Boss ha." Bati sakin mg luko. At tumunghay nanaman ako.

"Wapake!" Sabi ko dito. Tumingin naman ako sa paligid at doon ko lang napagtanto na wala pala kaming klase. Kaya pala ang ingay ni Francine. Psh. Tumingin naman ako sa katabi ko. Ang gwapo nya... Napatingin naman sya sakin at binigyan ako ng bakit-nakatingin-ka look.

"Gutom na ko." Sabi ko dito sabay pout.

"Tapos?" Pambabara nya sakin. Waaaaah

"Banaman. Samahan mo ko." Sabi ko ng nakapout padin.

"Mamaya na." Sabi nya sakin dahilan para mapapadyak ako.

"Bahala ka dyan. Papasama nalang ako kay Ren... REEEE--!!" Bigla nya namang hinawakan ang kamay ko.

"Wag ka kasi magpout. Nakakatukso kaya baka mahalikan kita ng di oras dyan. Tara!" Sabi nya at nauna. Naiwan namang nakabukas ng konti ang mga labi ko. Whatdaaah? Napalipbite naman ako at napangiti bigla-- Syet bat ba ko ngumingiti?

"Bilis." Sigaw nya

"Eto na.." Wala sa sariling sagot ko kaya napailing ako. Allowed namang lumabas kasi nga wala naman ang professor namin.

Naguusap kami ni Kevin habang papunta kaming Canteen ng bigla kaming tinawag ng Dean namin.

"Ms. Santos and Mr. Fuentes." Tawag nya samin ng nakangiti.

"Dean."Bati ko dito.

"No classes?" Tanong nya saamin.

"Wala pong prof e." Sagot ni Kevin.

"Onga Dean e."

"Oh I see. Seems good ha?" Pabiro nyang sabi samin at tumango naman kami. Our Dean is so cool. Yeah!

"So, yun. Good timing na napadaan kayo dito sa office ko. Wag na tayo pumasok, dito nalang para mahangin ano? Hahaha." Sabi nya pa.

"Osige po. Hahaha." Sagot ko dito.

"Osige. Ipapaalala ko lang sainyo na malapit na ang Sportsfest natin. And, may magaganap na program. Matic na yun. Sing and dance presentation, and you, Jasmine. You're the one who will sing. At ikaw naman Mr. Fuentes, alam ng lahat dito sa SJU na isa ka sa pinaka magaling na player ng La Salle. Kaya isa ka sa players. Ako na ang pumipili sainyo. Tatanggihan nyo ba ko?" Medyo natatawa tawa pang sabi at tanong samin ni Dean.

"Ofcourse... not Dean." Medyo pabiting sagot ko pa kay Dean.

"Got you babeeeeh! Haha. How about you Kevin?" Tanong pa ulit ni Dean. Ngumiti naman si Kevin. Waaaah! Pogi.

"I'm in, Dean." Sagot nya.. Yes!!! Syempre iniintay ko din sagot nya. Varsity kaya sya sa La Salle. And yeah, he's a good-- a great player.

"Yun naman pala e. So, thankyou Guys. Kayo talaga ang gusto kong makuhaan ng sagot na 'oo'." Sabi nya samin at nakipagkamay.

"Always welcome Dean. Dean talaga." Sabi ko sa kanya at nagwink sabay tawa... And yun, Canteen na tungo namin.

Nang makarating kaming canteen. Andaming girls na nakaupo sa isang table. At nang makita si Kevin, biglang nag tilian. Okay -____- Sanay na ko enebe!!! Whatevs.

I Fell Inlove with Mr. AntipatikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon