Chapter 15: WIFEY

47 5 0
                                    

Jasmine's POV

It's Saturday morning. Nakapag ayos na ko ng lahat lahat. Pero napansin kong hindi parin gumigising ang magaling na lalake. Baket naman kaya!? Baka napuyat lang. Day off din ng yaya nya. So ako pala ang magluluto. Eh, pano yun? Hindi naman ako marunong. Gigisingin ko nalang nga.

*Kreeeeeeech*

Pagbukas ko ng pinto, tama nga ang hinala ko. Nakahilata pa ito. Kumot na kumot.

"Hoooy gumising ka na nga dyan." Sabi ko at hinigit ang kumot. Pagkahigit ko ng kumot, niyapos nya naman bigla ang sarili nya. Nilalamig talaga sya.

"Kevin, huuy gumis--" Napatigil ang sasabihin ko ng mapahawak ako sa ulo nya. Ang init lang nya.

"Kevin ang init mo. Okay ka lang ba?" Tanong ko pero di naman sumagot. Tanga tanga ko, halata mamang hindi okay e. Aiiisssh!! Anong gagawin ko?

"Kevin.." Ugghhh! May lagnat nga sya.

"Wait lang. Balik ako." Sabi ko sa kanya. Kukuha ako ng tubig para ipamahid sa kanya.

Bumaba na ako ng biglang may nagdoorbell. Sino naman kaya yung bisita na yun?

"Hi Ms. Beautiful." Bati nya sakin pagkabukas ko ng pinto. Makabati kala mo kilala ko. E hindi nga. Kaya napakunot noo naman ako.

"Dont know me ano? Jake Cruz nga pala. So you are?" Sabi nya at nakipag kamay. Ang gwapo ng lalaking to. Grabe! Ang cute pa.

"Jasmine." Maiksing sabi ko. At inappearan ko lang yung kamay nya. Anong balak nito dito?

"Kasing ganda mo ang pangalan mo." Sabi nya. Seriously? Magkaano ano sila ni Ren?

"Whatevs. Sino kaba? Anong pakay mo?" Tanong ko. Aba. Malay ko ba. Mamaya budol budol gang. Pero asa naman! Ganyan kapogi mangbubudol.

"Sayang ganda. Sungit e. Hahahah. Asan boyfriend mo?" Tanong nya. Boyfriend? Gaguhan lang. Alam nang si Kevin ang tinutukoy sya taga dito e.

"Excuse me? Anong sinasabi mo dyan?" Iritang tanong ko.

"Where's your boyfriend? Si Kevin?" Tanong ulit nito. Baka nga boyfriend ano. Sabi na si Kevin e.

"He's not my boyfriend." Sabi ko at inirapan sya.

"Chill Jasmine. I thought! Sorry. Hahaha. I'm his bestfriend." Sabi nya at tinaas pa ang mga kamay. Bestfriend tas di alam kung may girlfriend o wala? Kaya pala. Ang gwapo nila pareho. Eto kasing si Jake, ang gwapo din e. May dimple tas sobrang puti rin. May pagkachinito mata nya.

"Pasok ka." Sabi ko.

Nang makapasok kami, Pinauna ko na si Jake sa taas para mapuntahan na si Kevin pero ayaw nya, tutulungan nya daw ako magbuhat nung pinaglalagyan nung maligamgam na tubig at tuwalya.

"Preeee!!!" Sabi nya pag kataas namin at hinampas ng unan si Kevin.

"Gago talaga." Sabi naman ni Kevin.

"Kevin. Oh! Pahidan mo sarili mo." Sabi ko at inabot sa kanya ang planggana.

"Ayoko!" Sabi naman nito. Pasaway talaga.

"Isa--"

"Ayoko nga." Sabi nya.

"Arte. Gusto pa iba ang gagawa." Sabi ko at lumapit sa kanya para pahidan na.

"H-heeey!!" Sabi nya at akmang hahawakan pa kamay ko.

"Wag ka ngang maarte jan. Ibubuhos ko sayo tong tubig na to, makita mo!!" Sabi ko at di nanaman sya nanlaban. Halata mo namang nahihiya ito.

I Fell Inlove with Mr. AntipatikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon