Jasmine's POV
"Jassy baby, order na tayo?" Tanong sakin ni Kayne habang nasa Starbucks kami. Pinili kong umalis muna sa bahay nila Kevin dahil na kayna Jake din naman sya. So lumabas muna kami ni Kayne, si Ceska hindi pwede kasi may inaayos sa school. Naiinis ako, kasi nag extend nanaman sina mommy ng 1 week. Eh, kung dun nalang kaya sila tumira, ano?
"Order mo na nga lang ako Kayne." I answered.
"Ano bang order mo be?"
"Gaya nalang ng sayo."
"Okaaaaaaaay Jassy." Sabi nya at kumindat pa sabay punta na sa counter. Kayne is kinda pretty. Kung ako kay Ren, liligawan ko sya. Pero parang ang labo? Hahaha. Si Ren pa. Aso't pusa kaya ang dalawang yan. Maya maya rin.. dumating din naman agad si Kayne. At maya maya rin.. Nakuha nanamin order namin.
"Alam mo Jas, naiinis na talaga ako sa Ren na yan. Trip na trip ako!" Pagsisimula ni Kayne.
"Malay mo, gusto ka lang nya. Tapos ganon ka din." Sabi ko dito kaya muntik na nitong maibuga ang iniinom na kape.
"Tumigil tigil ka dyan ha. Never in forever." Sabi nya dahilan para mapatawa ako. Hahahaha.
Absidie Kayne's POV
"Malay mo gusto ka lang nya. Tapos ganon ka din." Sabi nya na medyo natatawa. Muntik ko namang maibuga ang iniinom ko.
"Tumigil tigil ka dyan ha. Never in forever." Sabi ko nalang dito kaya natawa sya. Napaisip naman ako, ang labo mangyari nun. Pero, pag nag aasaran kami, hindi naman talaga ako napipikon. Ewan ko ba!
"Hi miss. Ang ganda nyo naman." Sabi ng dalawang lalaki na lumapit saamin. Pero halatang kay Jas lang interesado kasi kanina pa sila tumitingin kay Jasmine.
"Hi." Malamig na sagot ni Jas.
"Pede bang mahingi number mo miss?" Tanong nya. Kafaaaal.
"No." Sagot agad ni Jas.
"Please na miss." Pagpupumilit nung mga lalaki.
"Excuse lang, no nga daw diba? Tsaka may boyfriend na sya." Sabi ko sa mga lalaki.
"Sino naman?" Tanong ng mga ito. Naisip ko naman agad kung sinong isasagot ko.
"The Prince Kevin Fuentes." I said. Napatingin naman saakin si Jasmine na halatang nagulat sa sinabi ko.
"Totoo ba miss?"
"A-ah.. O-oo. Oo!" Sagot nalang ni Jassy. Napakamot naman ng ulo ang dalwa. Sabay tingin saakin.
"Eh, ikaw miss? Pede? Kahit number lang? Di naman kami masamang tao, eh. Please?" Pinang lakihan ko naman ng mata si Jas para humingi ng help.
"Ah.. boys, may boyfie nadin sya e. So, back off!" Sabi nalang ni Jas.
"Pinagloloko nyo na ata kami, eh." Sabi nung isang lalaki at napakamot.
"Meron ba talaga kayong dalwang boyfriend? Ayaw nyo lang ata samin, eh." Tanong nya.
"Oo nga. Ren Natividad! Name of his boyfie. Actually, fiance nya na yun, eh." Sabi nito kaya naibuga ko na ng tuluyan ang kape. Dahel! Napakamot nalang ng ulo ang dalawa.
"Sige na mga miss beautiful." Sabi nila at humayo na. Charaught!
"Seriously? Ren talaga?" Sabi ko dito.
"Well..." Sagot nya nalang kaya napairap ako. Whatevs. Pagkatapos nun, umalis na kami at naglibot nalang sa mall. Ang dami ngang boys na nagtitinginan samin, eh? Gahd. Super ganda naman talaga ng Baby Jass ko, eh. Natural! Basta. She's too pretty. She's so gorgeous. Sexy. Simple. Matalino. Talented. Swerte na ni Kevin. Hahahahah. Joke ✌

BINABASA MO ANG
I Fell Inlove with Mr. Antipatiko
JugendliteraturDadating sa buhay ni Jas ang antipatiko na sikat at gwapo na si Kevin. Si Kevin ang dahilan kung bakit gugulo ang buhay ng dalaga ngunit ito rin ang dahilan kung bakit mas sasaya pa sya. Nagkasundo sila dahil si Kevin ang taga ligtas ng babae pag na...