Binuhat niya ang babae pagka park ng kotse sa parking lot ng condo niya. Hindi niya alam kung saan ito nakatira kaya isinama niya pauwi.
Tinulungan siya ng guard na naka bantay sa private elevartor padiretso sa penthouse. Isang buong floor ng hotel ang kanya. Ipinasadya niya iyon pagkatapos niyang mabili ang hotel nuong isang taon.
Tulog pa rin ito ng ibinaba niya sa kanyang kama. Hinubad lang niya ang suot na sapatos at kinumutan na niya.
Niluwagan niya ang necktie at umupo sa sofa na malapit sa pinto.
Gusto na niyang matulog. Minasahe niya ang mga mata.
This has been a very long day.
Pumikit siya at nakatulog na sa ganuong posisyon.
Kinabukasan, bumiling siya sa pagkakahiga ng muntik ng malaglag.
Napadilat siya.
Nakahiga na siya sa sofa. Nakakumot. Umikot ang tingin niya sa kwarto. Nakatabi sa gilid ang sapatos niya at maayos na nakasabit ang jacket sa may cabinet.
Bumangon siya. Tsaka lang niya naalala ang nangayari kagabi.
Napatingin siya sa kama pero wala na duon ang babaeng tinulungan niya kagabi.
Bumangon siya at pumunta sa banyo. Naghilamos. Kakain nga muna siya ng almusal.
Dumiretso siya sa kusina pero napahinto siya sa may pinto.
Nagluluto ang babae. Kumakanta pa. Nagulat siya. Suot nito ang polo niyang kulay rosas. Yun lang at wala ng iba.
Tumaas ang kilay niya. Umupo siya sa mesa at hinintay na matapos ang babae sa pagluluto.
Maganda ang boses niya.
Muntik ng mabitawan ni Paulyn ang hawak na pinggan ng makitang nakadulog na si Yong sa mesa at nakatitig sa kanya.
Ginulat mo naman ako SohHyeon. Teka ipagtitimpla kita ng coffee ha.
Hindi ako umiinom ng kape.
Mahina niyang sabi.
Hah? Kelan pa? Sabi mo paborito mo ang timpla ko.
Nag pout ito.
Ihinain ang nilutong almusal. Pancakes hotdog toasted bread with butter at bacon.
Lahat paboritong almusal ng kuya niya.
Tinitigan niya ang babae.
Tiningnan din siya nito at nginitian.
Ok lang kahit ayaw mo na ng kape. Ipinangako ko sa sarili ko na kapag bumalik ka ikaw
na palagi ang masusunod. Just.... Just dont leave me again please...May kung anung kumurot sa puso niya. Gaya kagabi ng makita niyang umiyak ito.
Tiningnan niya ang pagkain at nag umpisang kumain. Hindi talaga siya nag aalmusal. Mula nuon pa. Pero parang ayaw niyang ma disappoint ang babaeng ito. Ayaw niyang makitang umiiyak.
Ngumiti ang babae ng magumpisa siyang kumain.
Paano ba niya itatanong kung anong pangalan nito?
BINABASA MO ANG
Our Story
Short Storythis is the story of ten unique individuals who found each other and became each others strenght. a friendship that bonded each and everyone like glue. a friendship that started with a genuine love for CNBLUE. we are the Musketeers.