the King and I - ll

46 5 2
                                    

Lakad ang ginawa nila Chloe sa araw at kapag dumilim naman nagtatago sila sa malalaking puno.

Yan ang isa sa mga perks ng pagiging maliit. Kaya lang napapagod siya hindi kasi niya magamit ang pakpak niya.

Pero hindi siya nagrereklamo.

May kailangan silang gawin. Si Minhyuk sinisiguradong hindi magugutom ang kasama niya. Habang tumatagal humahanga siya dito. Paano hindi nag  rereklamo at kaunting pahinga lang ang ginagawa.

Tatlong araw pa ang kailangan nilang lakbayin at mararating na nila ang kaharian ng kapatid nito.

Alerto siya sa paligid. Bihasa siya sa anumang laban at malakas ang pandama niya.

Kaya ng bumagal ang lakad ni Chloe naramdaman agad niya.

Princess Chloe, gusto niyo bang magpahinga?

Napatingin sa kanya si Chloe at gaya ng una niya itong makita, bumilis ang pintig ng puso niya. Sa totoo lang pagod na siya. Hindi siya sanay sa ganito kahabang paglalakbay. Pero hindi siya nagrereklamo. Mas madaling mararating ang palasyo ng kapatid ay mas mabuti para sa kanya.

Ang ayaw niya ay ang nararamdaman niya para sa kasama na ngayon lang niya nakilala. Sa mga maliliit na bagay gaya ng pag aalala nito sa kanya, idagdag pa ang boses nitong malambing sa pandinig niya, naguguluhan siya.

Huwag mo akong alalahanin. Ayos lang ako. Tayo na.

Hindi siya tumitngin dito. Humakbang siya papunta sa direksiyong tinatahak nila ng mawalan siya ng panimbang. Sobrang pagod na siya, napahawak siya sa isang puno pero agad din niyang binawi ang kamay niya. Napaso kasi siya. Saglit siyang huminto ng umikot ang paningin niya.

Si Minhyuk naman na nasa hulihan ay kumuha ng ilang prutas sa nadaanan nila at inilagay iyon sa bag na nakasabit sa likod niya.

Muntik na niyang mabangga ang prinsesa ng huminto iyon.

Pasensiya na ...

Hindi niya natapos ang sasabihin. Bigla na lang kasi natumba si Chloe. Mabuti at nasalo niya ito.

Tiningnan niya ang mukha nito. Maamo ang mukha ng prinsesa at manipis ang mapulang labi nito.

Pero nakunot ang noo. Tiyak na may nararamdaman itong kakaiba.

Inilibot niya ang tingin sa paligid. Kailangn nila ng kanlungan. Ibinukas niya ang pakpak at dali daling lumipad papunta sa isang abndonadong butas sa puno ng Redwood.

Dahan dahan niyang inilapag anh prinsesa sa ibabaw ng mga tuyong dayami na nasa loob ng butas. Pinagmasdan niya ito. Wala namang sugat. Tiningnan niya pati ang binti at paa.

Napatingin siya sa nakakuyom na palad nito. May nakatusok na tinik mula sa thWala rin. Nag aalalang hinwakan niya ang noo nito at naramdaman niya na nag uumpisa na itong lagnatin.

Lumipad palabas ng puno si Minhyuk. Kailangan niyang makakita ng dahon ng laurel. Isa ito sa mabisang gamot para sa kanilang mga fairy. Lumipad siya agad .kailangan niyang magmadali.

--+++++++--

Anung sinabi ninyo? Nakatakas ang prinsesa? Isang maliit na gamo gamo lang hindi niyo pa nahuli?

Galit na galit si Reyna Lian.

Siya ang reyna ng Arachnid Kingdom.

Dati siyang fairy sa Fay Kingdom pero naninibugho siya sa prinsesa kaya umalis siya at nagsilbi sa kalabang kingdom nito.

Ako dapat ang prinsesa at hindi ikaw Chloe. Ako dapat ang nakatakda na maging reyna.

Hanggang ngayon naaalala pa niya ang sinabi ng kanyang ina. Segundo lamang ang pagitan nila ni Chloe ng ipinanganak. Pero dahil ang gusto ng mga pantas ay eksaktong oras si Chloe ang nakatakdang hiranging reyna pagtuntong ng prinsipe sa ika dalwampung kaarawan nito.

Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon