Araw araw pagkatapos ng praktis pumupunta si Yong sa ospital. Wala pa ring ipinagbago ang lagay ni Jane. Nagtataka nga sila dahil wala naman itong ibang komplikasyon pero hindi pa rin ito nagigising.
Pero araw araw din nararamdaman ni Yong na katabi lang niya ito. Minsan parang naririnig niya ang boses.
Dalawang buwan na ang nakalipas, ito ang araw na paalis na sila para sa world tour.
Oppa ingat ka dun pagbalik mo gising na ako.
Hinawakan ni Jane ang mukha ng natutulog na kaibigan. Nagulat siya ng hawakan ni Yong ang kamay niya. Nakapikit pa din ito.
Siya naman ay nananaginip nakikita niya si Jane na nakatingin sa kanya at nakangiti.
Magiingat ka dun oppa.
Jane.
Pagdilat niya wala na si Jane pati ang presensiya na palagi niyang kasama. Nagtatakang bumangon siya.
------
Pasakay na sila sa eroplano ay parang hindi siya mapakali. Nagtataka tuloy si Jungshin.
Hyung ok k lang ba?
Tumango lang siya. Pero kanina pa siya kinakabahan. Ngayon pa lang kasi sila makakapunta sa ibang lugar at may nakasunod sa kanilang kamera kahit saan sila pumunta.
Nag concert sila nang 4 na araw sa US, tapos sa Australia naman sila at panghuli sa Chile.
4 months din silang nawala sa Korea kaya excited silang lahat na umuwi.
Pagdating sa dorm, tumawag agad siya sa mama ni Jane.
Sa bahay ka na pumunta Yong.
---------
Katatapos lang ng Cant Stop tour at sa Nanjing iyon ginanap. Madami silang ginawang kalokohan sa stage ng araw na iyon. Marami din silang napasaya.
Nag drums siya at si Minhyuk ang kumanta.
Masayang masaya sila. Mas lalo siguro kung nandito si Jane. Kaya lang hindi talaga si Jane pumupunta sa concert nila kahit bigyan pa niya ng libreng ticket.
Nakabalik na sila sa Korea.
Hyung pupunta ka ba kila Jane?
Oo sasama ka ba Shin?
Napakamot ito ng ulo. Eh may schedule ng shoot mamaya.
Ngayon ba yon? Sige ako na lang ikakamusta na lang kita.
Mag-isa siyang pumunta kila Jane. Si Jonghyun at Minhyuk ay susunod na lang daw. Hahabol naman si Shin pagkatapos ng shooting nito.
Dala niya ang paborito nitong chocolate at bulaklak. Hindi niya nakakalimutan yun tuwing dumadalaw siya dito.
Yong ikaw na ba yan? Aba tumaba ka ngayon ah. Ang tagal niyo ding nawala sa Korea.
Opo tita. Ang tagal nga. Si Jane?
Malamang naghihintay na iyon. Oh andito na rin pala sila Jonghyun at Minhyuk.
Hyung, tita.
Halika na kanina pa yan naghihintay si Jane.
Nauna nang maglakad ang mama ni Jane at sumunod sila. Naka akbay si Minhyuk kay Yonghwa. Tahimik naman si Jonghyun.
Nakangiti lang si Jane.
Namiss kita bes.
Tinitigan ni Yonghwa ang mga mata nito. Ngumiti siya.
BINABASA MO ANG
Our Story
Short Storythis is the story of ten unique individuals who found each other and became each others strenght. a friendship that bonded each and everyone like glue. a friendship that started with a genuine love for CNBLUE. we are the Musketeers.