Nagpadala ng kawal ang hari sa palibot ng palasyo ng Fay hanggang 50km para masigurong walang makakhadlang sa kasalan.
Ipinadala niya ang pinakamagaling na mananahi sa kwarto ng prinsesa.
Mula ng ibinalik niya iyon sa kaharian niya, napanatag ang loob niya.
Sigurado na siya na karapatdapat itong maging reyna ng Fay.
Dumating naman si Princess Serenity at kasalukuyan itong nasa kwarto ng kapatid.
Tumanaw si Haring Yong sa labas ng kanyang tore. Napangiti siya.
Bukas ay araw na pinakahihintay niya sa buong buhay niya. Mula pa ng isilang siya hanggang ngayon. Hindi nawala ang kasiyahan sa dibdib niya tuwing pinapanuod na nagsasanay si Chloe sa mga dapat nitong matutuhan pag naging reyna na ito.
Madalas na tinatakasan niya ang mga gwardiya niya para lang panuorin ang pag aaral nito ng sayaw at pagawit.
Giliw na giliw siya tuwing pinapanuod niya ito. Natuwa din siya ng makamit nito ang mataas na marka sa pamamana. Kakaibang babae talaga ang nakatakdang maging reyna ng Fay.
Nuong nakita niya ito sa gubat, talagang nag alala siya ng husto. Lalo nat isa lang ang kasama nitong bantay. Marami kasi ang ipinadala niya para alalayan ito sa paglalakbay at apat lang ang nakabalik sa palasyo.
Kaya naman naisipan niyang isama ang tatlo sa pinakamagaling at pinagkakatiwalaan niyang mga kaibigan.
Natawa siya nga maalala ang biruan ng mga ito ng nakabalik na sila sa kaharian.
Nagpapahinga na nuon si Chloe at nasa bulwagab naman silang apat.
Ahnseiyo - makakatulog ka kaya ng mahimbing mahal n hari ngayong nakita mo na siya ng malapitan?
Seunpoh - ang sabihin mo Ahn, baka kinakabahan na iyan si Yong.
Sehyang - hahaahah! Kung nakita mo lang ang mukha niya ng makita ang espadang hawak ng prinsesa!
Tawanan silang lahat. Kilala siya ng mga ito dahil sila ang magkakasabay lumaki at magkaklase sa mga aralin.
Anak ng heneral ang tatlo at ito ang mga nakatalagang magbantay sa kanya.
Sehyang - sa totoo lang, magaling din naman ang kasama ng prinsesa ng araw na iyon di ba Yong?
Napatango siya.
Naputol ang pagmumuni muni niya ng dumating si Ahnseiyo at may ibinigay ng sulat.
Binasa niya iyon at napatango siya.
Tama ang naging desisyon na ituloy ang kasal bukas.
Bukas. Hindi na niya mahintay ito. Gusto na niyang matapos ang kasal at maibalik sa normal ang lahat ng makapaghanda sila sa kinabukasan.
Dapat ay magkaanak agad sila para sa kinabukasan ng palasyo at ng matigil na ang panggugulo ni Lian.
BIYERNES.
Umaga palang ay maugong na sa loob at labas ng palasyo. Paano ngayon ang araw na itinakda ng mga pantas.
Makikita na rin sa wakas ng mga tao ang hari at ang magiging reyna nito.
Isang palatandaan ang lalabas sa kanilang mga bisig para ipakilala sa lahat na sila ang nakatakda.
Nagngingitngit si Lian sa palasyo niya ng malaman ang palatandaan. Kahit pala magpunta siya hindi rin siya magiging reyna ng Fay.
Pwes gaganti ako Chloe! Magbabayad ang lahat ng mahal mo sa buhay dahil sa pangyayaring ito! Isinusumpa koooo!
Ipinatawag niya ang heneral niya.
BINABASA MO ANG
Our Story
Short Storythis is the story of ten unique individuals who found each other and became each others strenght. a friendship that bonded each and everyone like glue. a friendship that started with a genuine love for CNBLUE. we are the Musketeers.