Bumaba si Yonghwa sa lupa at naabutan niya si Wendy na
naka upo sa may hagdan ng bahay.
Nakakunot ang noo habang hawak ang lumang larawan nila.
Nagtataka ito dahil luma na ang larawang iyon.
Mahigit sampung taon na ang nakakaraan.
Hindi siya tumuntong sa lupa.
Pinagmasdan niya ito mula sa bubong ng katabing bahay.
Nagtaka siya ng maglakad ito at parang wala sa sariling
pumunta sa lumang eskwelahan sa may dulo ng kalye nila.
Sumilip ito sa childrens playground.
Pagkatapos ay umupo sa isa sa mga swing na naruon.
Titig na titig si Yonghwa sa asawa.
Nakita niyang nakakunot ang noo nito na tila may inaalala.
Bumuntong hininga siya.
Gusto niyang lumapit dito at ipaliwanag ang nangyayari.
Pero hindi sila pinahihintulutang makialam direkta sa buhay ng tao.
Kung hindi sila ang guardian angel nito.
Lumapit siya dito at bahagyang hinawakan ang pisngi nito.
at saka lumipad pataas, pabalik sa kanyang pwesto sa mga ulap.
Araw araw mula noon ay ganun ang ginagawa ni Yonghwa.
Ipinapamahala kay Dhez ang mga cherubim at bumababa
siya para bantayan si Wendy.
Masaya na siyang nasa tabi lamang nito.
Si Wendy naman ay tila palagay na sa bahay na hindi niya alam
dati niyang tirahan. Magaan ang loob niya sa bahay na ito at pakiram
dam niya safe siya sa lugar na ito.
Parang kilala niya ang mga gamit. Pero noon lang siya napunta duon.
Ang inuupahan niyang kwarto malapit dito ay iniwan na niya,
Pinagyaman niya at inayos ang bahay.
kaya madalas nasa loob na siya nito.
Sa may tapat ng bintana at binabasa ng mga librong naruon.
Isang araw, di sinasadyang may nabasa siya sa isa sa mga pahina ng
libro.
Yonghwa and Wendy, 1995.
Kasalukuyang nasa mga ulap nuon si Yonghwa at pinamamahalaan
ang ilang anghel ng marinig niya ang pangalan niya na tinawag ni
Wendy.
BIgla siyang nawala sa pwesto niya. Nagulat si Dhez.
Pinamahalaan niya ang mga anghel at nagdasal na hindi sana
mapansin ni Azaleia ang pagkawala ni Yonghwa.
Ilang sandali pa, bumalik ito, nakangiti.
Hindi naman nagtanung si Dhez.
Nagtataka lamang siyang sinundan ito ng tingin.
-----
Ilang araw na mula ng huli niyang makita si Jonghyun.
Bumalik si Dhez kung saan niya ito huling nakita at naghintay.
Hindi naman siya nabigo.
Muling dumating ito pero hindi na lumampas sa ulap gaya ng dati.
Nagusap lamang sila sa ulap na hinawi nito.
Hindi sila maaaring maghawak man lang ng kamay dahil
mauulit ang nangyari ng huli silang magkita.
Hindi niya alam nakatanaw sa kanila si Yonghwa mula sa isang puno.
Napansin niya kasing hindi na malungkot si Dhez nitong mga
nakaraang araw. at palagi na lang iyon nawawala ng ilang minuto.
Napailing siya.
HIndi talaga mapipigilan si Jonghyun.
Nakikita niyang tumatawa si Dhez sa kung anumang naririning nito.
Bigla niyang narining ang kidlat malapit sa pwesto ng mga cherubim,
pero hindi yata napansin ni Dhez. Hindi kasi iyong tumayo.
Dali dali niya itong pinuntahan.
Hinawi niya ang ulap sa mukha ni jonghyun at umupo siya dito.
Nagulat si Dhez, napaupo at napatitig sa kanya.
Tsaka nila narinig ang boses ni Azaleia.
Guro, pagbati dito ni Yonghwa.
Kasama nito ang dalawang nakaputing nilalang.
Nagpapahinga kami sandali.Sabi niya nakangiti.
Tumango lamang ito at nagpatuloy sa paglakad.
Mayat maya ay lumilingon sa mga kasama nito.
Salamat.
nakayukong sabi ni Dhez.
Tinitigan lang siya ni Yonghwa.
Sa susunod Jonghyun, paganahin mo ang talas ng pakiramdam.
Humihina nayata ang pakiramdam mo, mahinang sabi niya.
Tumayo na siya at umalis, naiwan naman si Dhez at sinundan siya ng
tingin.
Narinig naman ang halakhak ni Jonghyun mula sa ilalim..
BINABASA MO ANG
Our Story
Short Storythis is the story of ten unique individuals who found each other and became each others strenght. a friendship that bonded each and everyone like glue. a friendship that started with a genuine love for CNBLUE. we are the Musketeers.