Nakatayo si Yonghwa sa tabi ng hagdan pero hindi ito umakyat.
Nakatitig lang sa kawalan
Ilang araw ng napapansin ni Dhez na tahimik ang mentor niya.
Palaging may iniisip.
Palagi ding nagbubuntong hninga.
Kakaiba sa Yonghwang masayahin na madalas niyang makita.
Lumapit siya dito at hinawakan ang balikat nito.
Pumikit si Yonghwa, napangiti ng maramdaman ang kamay na
humawak sa balikat niya.
MIss na miss na kita Wendy.
Lumingon siya nakangiti.
Nakasalubong ng mata niya ang mga mata ni Dhez, nagtataka.
Hindi naalis ang ngiti sa mukha niya.
Ikaw pala Dhez, may kailangan ka ba?
Ayos ka lang ba?
Buntong hininga ang isinagot niya dito.
Dhez...
Kailangan kong umalis saglit.
Ikaw na muna ang bahala sa mga cherubim.
Sabihin mo kay Shinea na huwag masyadong pagurin sila Che at
Chloe.
May importante lang akong gagawin sa lupa.
Tumango si Dhez.
Bumukas ang pakpak ni Yonghwa at lumipad pababa.
-------
Pumunta siya sa may balon sa dulo ng hardin.
Inutusan niya kanina ang kambal na linisin ang kalat na nanduon.
Inilibot niya ang tingin sa paligid at natutuwang humakbang pabalik
Pumasa sa ikalawang pagsubok ang kambal.
Napahinto siya nga mahawi ang ulap sa tapat niya.
Napakunot ang noo niya.
Sino ang maglalakas ng loob na hawiin ang ulap sa hardin?
Nagulat siya ng makitang may umaangat na demonyo mula sa
butas na nalikha ng pagkakahawi ng ulap.
Sisigaw sana siya para magbigay babala sa lahat
kung hindi niya nakita ang malamlam na mata na nakatingin sa kanya
Mga matang akala mo ay iiyak ..Nakatingin sa kanya puno ng
pagmamahal .
Hindi niya napigilan ang sarili niyakap niya ito.
Hanggang ngayon, ito parin ang nagiisang lalaking minahal at
minamahal niya sa kabila ng lahat ng nangyari.
Tuwang tuwa naman si Jonghyun.
Dhez... sabi niya... patawarin mo ako..
Tinitigan niya ang mukha nito, tumutulo ang luha ni Dhez pero
nakangiti iyon.
Tumango si Dhez. Matagal na kitang napatawad Hyun.
Mahal na mahal kita...madamdaming sabi ni Jonghyun.
Pagkasabi niyon biglang may kung anung pwersa na nagpahiwalay sa
kanila.
Napatras siya ng makita ang buong katauhan ni Jonghyun.
Kulay itim ang pakpak nito.
Napaawang ang labi ni Dhez, hindi makapaniwala.
Bakit..?
Puno ng pagtatanong ang mga mata na tinitigan niya ang asawa.
Yumuko lamang ito.
Nagumpisang mag apoy ang paligid ni Jonghyun.
Napatingin siya kay Dhez.
Lumungkot lalo ang mata niya.
Aalis na ako.
Tumulo ang luha sa mga mata ni Dhez.
Ito na ba ang huli?
Binalot ng apoy ang kabuoan ni JOnghyun at mabilis itong bumulusok
pababa sa dagat ng apoy.
Dheeeeeezzzzzzzzzzzzzz......!
BINABASA MO ANG
Our Story
Short Storythis is the story of ten unique individuals who found each other and became each others strenght. a friendship that bonded each and everyone like glue. a friendship that started with a genuine love for CNBLUE. we are the Musketeers.