Burning Angel Vl

18 5 1
                                    


Umakyat si Yonghwa sa Everest.

Sinalubong siya ni San Pedro.

Parang alam na nito ang dahilan kung bakit dumating ito.

Nakaupo ito sa isang bato sa loob ng kweba at tahimik

na nagiisip.

Nang magtaas ito ng mata, nakita niya ang lungkot dito.

Tinapik ng matanda ang balikat ni Yong.

Umupo siya sa tapat nito.

Magkwento ka iho. Alam kong naguguluhan ka mula ng

makita mo si Wendy.

Nagulat naman si Yonghwa na napatingin sa matanda.

Nakakunot ang noo.

Ngumiti ito.

Mula dito ay nakikita ko ang mga pangyayari sa ulap.

Wala kayong maililihim sa akin. Ako ang may hawak

ng susi hindi ba?

Apong Pedro, bakit nagbalik si Wendy?

Bakit meron siyang nararamdaman na katulad

ng sa aking kabiyak? Nararamdaman ko. Siya nga

iyon. Tama ba ako?

Bahagyang tumango ito.

Kung ganun totoo nga? Siya nga ang asawa ko?

Wala siyang natatandaan sa nangyari sa inyo dati.

Nangyari ito dahil may direkta kang kaugnayan sa mangyayari

sa kinabukasan.

Ang pinakahiling ng puso mo ang nagbalik sa kanya mula

sa kabilang buhay. Subalit may kapalit iyon.

Ang mga magulang ni Britney ay muling

magsasama. Matagal nang nakita ng Ama ang

lagay ng mga puso nila.

Kapalit nuon kailangan

mong mamili. Kung mananatili ka sa pangangalaga

sa mga cherubim, habang buhay mong makikita si Wendy.

Pero hindi kayo maaaring mag kasama.

Sa isang banda, kung pipiliin mong makasama siya.

May hangganan ang inyong pagsasama.

Tatanda kayo at mawawala sa mundong ito.

kahit alaala ay walang matitira.

Nasa saiyo ang pagpapasya.

Lumipad si Yonghwa sa pinaka tuktok ng bundok.

At muling tumanaw sa lupa.

Pinagisipan niyang mabuti at tinimbang ang lahat.


Umakyat siya sa mga ulap.

Pumunta sa lugar ng mga cherubim.

Tiningnan niya ang mga alagang anghel at ngumiti.

Ang mga ito ang nagbigay sa kanya ng kasayahan

sa panahong wala si Wendy.

Paano ang mga ito kapag umalis siya?

Nilapitan siya ng kambal na Gin at Pau.

Hinawakan siya sa kamay at naglibot sila sa hardin

Hinalikan niya ang mga ito sa pisngi at niyakap.

Nabuo na ang desisyon niya.

Ngumiti naman ng pagkatamis tamis ang kambal na cherubim.

.

(a/n : saya ng kambal oh naka kiss kay oppa )

Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon