Burning Angel

63 6 6
                                    

Ang lamig.

May musikang banayad na tumutugtog at nakikihalo sa hangin na nagpapagalaw sa mga dahon ng puno.

Mala Eden ang dating ng hardin na kinauupuan ni Dhez.

Pero hindi niya pansin. Nandun kasi ang mata niya nakatutok sa magulong mundo sa baba ng paraiso niya.

Malamlam ang singkit na mata nito.

Palaging malungkot. Kahit panay ngiti ang nakikita sa labi niya.

Parang may kulang.

Isa siya sa mga anghel na nandito at ako ang nangangalaga sa kanila.

Ako nga pala si Yonghwa.

Matagal na rin akong tagapag alaga ng mga anghel lalo na yong mga bagong kadadating lang sa lugar na ito.

Kami yung incharge sa mga taong mahilig sa kasayahan.

Nagtataka ba kayo kung bakit ?

Kapag sumobra kasi ang kasayahan ng tao dalawa lang ang pwedeng mangyari. Gagawa siya ng mabuti o lalo siyang magpapakasama.

Si Dhez medyo matagal na siyang nandito pero wala siyang kibo. Masunurin naman at hindi lumalabag sa batas ng langit. Sinusunod niya ang utos ng mga arkanghel.

Maliban sa isa.

Tama na yan. Kapag nadaanan ka ni Azaleia siguradong mapapagalitan ka. Dun ka na lang samahan mo sila Gin at Pauline. Turuan mo.

Napalingon si Dhez kay Yonghwa.

Bahagyang ngumiti. Kahit kailan na makita siya nito na nakabantay sa butas na ito, hindi siya pinapagalitan. Pilit siyang inintindi.

Tumayo siya at hinawi ang ulap para bahagyang maitago ang butas na nasa paanan niya.

Si Gin at Pauline ay kambal na cherubim. Parehong makulit at masayahin. At siya ang nakatokang magturo sa mga ito ng tamang gawain hanggang maging guardian angels sila.

Nag bow siya bilang tanda ng paggalang at umalis na. Naiwan naman si Yonghwa na nakayuko at tila nag iisip.

Biglang nahawi ang ulap sa paanan niya at lumitaw si Hyunnie. Nagkatitigan sila.

Umilaw ang espada sa gilid ni Yong. Tanda na malapit siya sa isang kaaway.

Ngumiti si Hyunnie at lumabas ang biloy nito sa magkabilang pisngi.

Bakit ka nandito? Alam mong hindi ka pwedeng mapunta sa lugar na ito Hyunnie. Mabuti pa umalis ka na.

Tinalikuran niya ito at narining niya ang mahinang tawa nito.

Hindi ka dapat tumatalikod sa kaaway Yonghwa. Nakalimutan mo na yata ang mga turo ni Azaleia.

Ngumiti si Yonghwa, pero hindi siya lumingon.

Umalis ka na kung gusto mong hindi mabawasan ang sungay mo.
Nagbigay na ako ng babala. At siguraduhin mong walang puwang ang ulap sa gawi mo, alam mo naman siguro ang dahilan.

Nasaan siya?

Napatigil sa paghakbang si Yonghwa. Eto ang isa sa pinipigilan niyang mangyari. Ang magkita si Hyunnie at Dhez.

Lumingon siya dito.

Huwag mong guluhin ang alaga ko. Hindi magiging masaya ang langit kapag nagkita kayo.

Yan ang pinaniniwalaan mo Yonghwa. Hindi mo pa kasi naranasang mawalan ng minamahal!

Pabulong ang salita ni Hyunnie. Pero may bigat ang bawat bagsak nito. Ayaw niyang magtaas ng boses kayat pigil na pigil siya sa emosyon.

Nagpanting ang tenga ni Yonghwa.

Huwag kang magsalita kung wala kang alam! Hindi kita pinapahintulutang hamakin ang pagakatao ko.

Ngumisi si Hyunnie. Nakakapanindig balahibong asta na pamilyar sa mga demonyong katulad niya. Pero biglang nawala ito at napalitan ng ..... Pagibig?

Napalingon si Yonghwa sa tiniting nan nito. Tumatawa si Dhez sa di kalayuan. Kalaro ang kambal na cherubim.

Ito ang isa sa dahilan kung bakit hindi siya natatakot tumalikod kay Hyunnie. Sa lahat ng demonyong nakaharap na niya sa tagal ng buhay anghel niya, ito lang nakitaan niya ng ganitong ekspresyon at emosyon. Na karaniwang sa mga anghel lang makikita.

Nakita niyang kumulog sa bandang Silangan.

Umalis ka na Hyunnie. Nandito na si Azaleia. Baka makita ka pa.

Naramdaman niyang nawala ang presensiya nito sa likod niya. Napangiti siya.

Salamat.

Mahina lang pero alam niya, mula sa maitim na puso nito nangagaling ang salitang iyon.

Binilisan niya ang paglakad. Nandiyan na ang kanilang guro.

Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon