Burning Angel ll

53 5 5
                                    


Maikli lang ang pagbati ni Azaleia sa mga anghel. Bumalik agad ito sa ikaapat na pinto at nakipag usap sa mga santo ng pintong iyon.

Napangiti si Yonghwa. Pinuntahan niya ang mga alagang anghel.

Kumaway sa kanya si Shinea na tinuruan naman si Che at Chloe.

Katatapos lang ng pagsubok na ibinigay ni Dhez sa kambal na cherubim. Naka upo ito sa ilalim ng punong Cypress at hawak ang harpa pero nananatiling naka titig sa kawalan.

Iniisip mo pa rin siya.

Napalingon ito.

Pasensiya na leader Yong. Hindi ko nga alam kung bakit may alaala ako ng dating buhay ko. Ang sabi nila kapag umakyat ka sa langit malilimutan mo ang lahat.

Tahimik lang si Yonghwa.

Ngumiti si Dhez.

Huwag kang magalala. Pipilitin kong kalimutan para hindi tayo magkaproblema.

Anung gagawin mo kung sakaling magkita kayo ?

Napatitig sa kanya si Dhez, sandaling umilaw ang pagasa sa mga mata nito. Pero agad ding nawala.

Hindi na kami magkikita. Hindi na siya babalik. Siya ang dahilan kung bakit ako nawala. Tanga nga lang yata ang puso ko na hinahanap ang taong dahilan ng pagkamatay ko.

Napailing si Yonghwa at tinapik ang balikat ni Dhez nauunawaan niya ang nararamdaman nito.

Hindi lang niya masabi na maging si Hyunnie ay hindi nakalimot at patuloy siyang binabantayan. Pero hindi niya puwedeng sabihin.

Walang mapapala ang kanilang pag iibigan.

Kahit kailan.

Pwede bang matupok ng apoy ang anghel? At maaari bang tumapak sa ulap ang makasalanang paa ng demonyo?

Hindi pa nangyayari.

Napabuntunghininga siya.

Yonghwa, huwag ka nang makialam, paalala niya sa sarili.

Lumipad siya palayo sa hardin.

Bumulusok pababa sa lupa para puntahan ang kanyang binabantayan.

Isa kasi siyang guardian angel.

At nararamdaman niyang nasa panganib ito.

Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon