Ivan's POV
Halos magiisang buwan nadin simula nang makipagcooloff ako kay Eka. Simula nung araw na yun, wala na akong balita pa sa kanya. Bakasyon din kasi. Kaya kahit sa school, hindi kame nagkikita. Hindi ko din alam kung dapat ko naba siyang kausapin ngayon e. Baka kasi hindi pa niya nahahanap yung sarili niya e. Gusto ko siya mismo ang lumapit o kumausap sakin kapag ok na siya. Ayoko din kasing pangunahan siya.
Simula nung araw na magcooloff kame? Well, andito lang ako buong maghapon sa bahay. Wala kasi akong ganang lumabas. Tsaka, wala din naman akong kailangan na puntahan.
Dito sa bahay, paggising sa umaga, hilamos, kain, tapos laro ng video games. Then kain ule sa tanghale tapos tulog onti paggising kain ule ng meryenda, tapos laro then kain dinner, laro tapos bago matulog, magsusulat ako sa scrapbook ko.
Anong scrapbook?
Oo nga pala, simula kasi nung magcooloff kame ni Eka, gumawa ako ng scrapbook. Para sana kapag ok na kame, ipapabasa ko nalang sa kanya lahat ng mga ginawa ko nung hindi kame magkasama. Para hindi siya magduda. Kasi alam ko na ngayon, ang nasa isip niya, e kasama ko si Nicole. Pero gusto kong malaman niya na mali siya. At yung loyalty ko e nasa kanya lang.
Hindi ako tulad ng ibang mga lalaki dyan na kapag nakipagcooloff sa girlfriend nila e may nilalandi nang iba. Hindi ako ganun.
Mayamaya, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Sa sobrang bored ko. Sabagay, hindi pa ako nasanay. Wala na nga din pala akong balita kina John at Joshua. Kahit kay Nicole. Kasi tulad nga ng sinabi ko.kanina, andito lang ako sa loob ng bahay. Video games lang ang kausap ko buong araw.
Dingdong...dingdong...
Nagulat ako nang biglang may magdoorbell. Ngayon ko nalang kasi ule narinig na tumunog yun after 1 month. Naisip ko, baka si Eka na yun. Agad akong bumaba para tignan kung sino.
Pagbukas ko ng pinto...
"Tita?"
Nagulat ako sa nakita ko. Bakit tita? Kasi mama ni Nicole yung nagdoorbell. Hindi ko ineexpect na pupunta siya dito. At ano naman kaya ang sadya niya? Naalala ko noon...
Flashback...
"Nicole, wag mo kong iwan. Hindi ko kayang wala ka." Yumakap ako kay Nicole. Paalis na sila ngayon ng mommy niya. Pupunta sila sa ibang bansa. Dun na daw sila titira. Hindi ko maintindihan kung bakit.
"Sorry Ivan. Sana mapatawad mo ko. Para din naman sayo to e. Paalam Ivan."
Ayun na yung mga huling salita na narinig ko galing sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sila aalis. Siguro nga kailangan lang talaga. Kaya tinanggap ko nalang.
Ilang buwan ang lumipas, inantay ko ang pagbabalik ni Nicole. Wala kaming communication kahit text manlang o skype. As in wala.
Hanggang isang araw, nagulat ako sa natanggap kong balita. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng mga balitang matatanggap ko, e masama pa yung makakadating sakin.
Text Message Received from: John
"Tol"
***
"Oh John, bakit?"
Text Message Sent to: John
***
Text Message Received from: John
"Balita ko, may ibang boyfriend na daw si Nicole sa states ha?"
***
Nanghina ako sa text na yun ni John. Hindi ko na siya nireplayan pa. Alam ko naman kasing hindi siya nagbibiro e. Lalo na, alam niyang nasasaktan ako. Kilala ko yun si John. Alam kong totoo ang sinabi niya.
End of flashback...
Simula nung araw na yun, pinilit kong magmove on. Pero hindi ko pala kaya. Sobrang minahal ko si Nicole. Hindi ko kayang mawala siya.
"Iho, ayus ka lang? Wag kang magalala. Hindi ako andito para awayin ka. Andito ako para sa anak ko."
Natulala pala ako. Ano ba naman yan Ivan. Para kang nakakita ng multo. Mama lang yan ni Nicole. Pero sabagay, hindi kasi mapagkakaila na nasaktan ako dati at siya ang may kagagawan. Siya kasi ang sinisi ko noon kung bakit kami nagkahiwalay ni Nicole. Pero wala na ayun. Bakit kaya siya andito? Anong sasabihin niya tungkol kay Nicole?
"Ahm sorry po tita. A, e, pasok po." Pumasok si tita sa loob ng bahay ko at umupo. "Tita, juice po?" pag-aalok ko sa kanya.
"Ah, tubig nalang iho." sagot naman niya sakin. Kinuha ko siya ng tubig. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero may masama akong kutob. Kaya nagmadali akong kumuha ng tubig at ibinigay ko agad kay tita.
"Ahm, ano po ba ang tungkol kay Nicole?" deretsong tanong ko sa kanya.
"Iho, sana mapatawad mo ko sa ginawa ko dati na paghihiwalay sa inyo ng anak ko. Pero, this time, may hihingiin sana ako sayong pabor."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya napatungo nalang ako.
"Ivan, kailangan..."
Dingdong...dingdong...
Hindi pa man natatapos magsalita si tita e may bigla na namang nagdoorbell. "Ahm tita titignan ko lang po kung sinong nagdoorbell."
Agad akong pumunta sa pinto at tinignan kung sino yung tao. Pagbukas ko, nagulat na naman ako. Bakit ba sila pumupunta dito sa bahay nang hindi ko inaasahan? :o
"Ivan." sabi ng taong pinagbuksan ko.
"Eka?" Oo si Eka nga. Bakit ngayon pa. Kung kelan andito si tita? Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Oh, bakit parang gulat na gulat ka? Is there something wrong Ivan?" Hindi na ko nakasalita pa kaya umiling nalang ako. Pumasok naman agad si Eka sa loob ng bahay at dumeretso sa sala.
Hindi ko alam pero para kong naging istatwa hindi ako makagalaw. Nagulat si Eka nang makita niyang may tao sa sala. Nakita niya yung mama ni Nicole pero hindi niya yun kilala.
"Ay, tita hello po. Ako po pala si Eka. Girlfriend ni Ivan. Kayo po ba yung mama niya?" Prangkang sabi ni Eka sa mama ni Nicole. Nagulat ako kasi parang nagtaka yung itsura ng mama ni Nicole at bigla siyang tumayo.
"Ahm, iho mauna na ko. Sa susunod nalang."
Lumabas na siya ng pinto at hindi talaga ako nakagalaw. Di manlang ako nakapagpaalam.
"Ivan, is she your mom?" Tanong sakin ni Eka pag-alis ni tita.
"No. Mommy siya ni Nicole."
Nakita ko naman yung mukha ni Eka na gulat na gulat. "I thought she is you mom. Sorry."
"Ganyan naman kayong mga babae e. Puro kayo akala. Puro kayo hinala. Wala kayong pakialam sa iba. Eka tama na. Ayoko na pagod na ko."
Ayoko naman sanang sabihin yun pero nadala ako ng emosyon ko. At nang inis ko.
"Anong ibig mong sabihin Ivan? Dont tell me?"
"Oo Eka. Ayoko na. Mas mabuti pa siguro kung magbreak nalang tayo. Hindi ko na kaya. Pagod na pagod na ko. Akala ko pagbalik mo, magiging maayos na ang lahat. Pero parang mas naging worst pa."
Umiyak si Eka oo. Narinig ko siya. Di ko alam kung tama ba yung ginawa kong desisyon. Pero sana nga, ito yung dapat kong gawin. Para maayos na ang lahat ng to. SANA NGA TAMA YUNG DESISYON KO.
Paakyat na ako sa kwarto ko nang bigla kong marinig na magsalita si Eka. "Sige. Iwan mo ko Ivan. Tutal wala namang may gustong makasama ko diba? Siguro nga ganun ako kapanget. Siguro nga ganun kasama ugali ko kaya ayaw niyo saken. Dun kana kay Nicole. Dun kana sa ex mo. Alam mo, buti pa si John e. Buti pa si John hindi ako iniiwan."
Lumabas siya sa pintuan nang umiiyak. Buti pa si John? Nacurious ako sa sinabi niya pero di kona nagawa pang itanong yun sa kanya. Anong meron kay John at bakit niya isinali sa usapan yung kaibigan ko? Gulong gulong gulo na ko sa buhay ko na to. Sana nga. Sana nga tama yung desisyon ko.
BINABASA MO ANG
Because of Love (Completed)
Teen FictionIt is a story about love. Syempre halata naman sa title e :D Btw, ito ay storya ng isang lalaki na nagbago nang dahil sa pag-ibig. Nabago ang buhay ng dahil sa isang babaeng dumating sa buhay niya ng hindi inaasahan. :) Magwowork nga ba ang relation...