Eka's POV
1 week. Unang linggo matapos kong sagutin at magtapat kay Ivan. Ang weird no? Kasi ako yung nagtapat. Babae yung nagtapat. Pero wala yun. Basta para sa lalaking mahal ko, lahat gagawin ko kahit magmukha pa kong tanga. Para kay Ivan.
Oo nga pala, nung araw na, nakita kami ni Ivan na magkasama ni Jason? Sinadya ko yun. Gusto ko kasing pagselosin si Ivan. Ayun lang yung naisip kong paraan. Nagbabasakali kasi ako na, sa paraan kong yun, magtapat siya sakin. Pero iba ang nangyari. Nagalit siya.
Bakit si Jason? Bakit yung ex ko? Nagparamdam kasi siya sakin. Nagsorry siya. At tinanong niya ko kung pwede daw ba ule manligaw. Ayun. Dahil sa wala ako sa sarili ko nung mga panahong yun, napilitan ako na pumayag. Pero...
Pumayag ako, hindi dahil mahal ko padin siya. Pumayag ako dahil gusto kong pagselosin si Ivan. At isa pa, gusto kong makaganti. Gusto kong iparamdam kay Jason kung gaano kasakit yung naramdaman ko noon. Kung gaano kasakit nung iniwan niya ko at pinagpalit sa iba.
Gusto kong maramdaman niya lahat ng sakit na naramdaman ko noon. Lahat lahat.
Wag na nating pag-usapan yun. Pero, nung araw na yun, mayroon akong isang bagay na kinagulat. Nung dumating at pumunta si Nicole sa bahay ko.
Hindi ko alam kung bakit o paano.
At hindi ko alam kung nagkita naba sila ule ni Ivan. Pero, nung tawagan niya si Ivan para puntahan ako, naramdaman kong mahal niya padin si Ivan. Kaya dun ako mas napilitan na magtapat kay Ivan. Oo selfish ako. Alam ko yun.
Kahapon nga pala, paggising ko, may nabasa akong letter from him. Binasa ko yun agad kasi galing sa kanya. And, natuwa ako sa nakasulat. Sobra akong sumaya :')
"Dear Eka,
Babe sorry umuwi na ako. May kailangan pa kasi akong tapusin na project e. Binuhat na nga pala kita papuntang room mo para diretso na ang tulog mo. Thankyou for this day Eka. Napasaya mo ko :) Iloveyou :* Mahalnamahalnamahalkita :* Yan ang lagi mong tatandaan.Love, Ivan."
Ayan yung letter. Kaya ngayon, andito ako sa bahay niya. Pinaghanda ko siya ng breakfast. Gusto ko kasi paggising niya, ako agad ang makikita niya. Ako agad ang yayakapin niya.
Gising na si Ivan. Im not yet finish.
"Eka?" narinig kong boses galing sa likod ko. Si Ivan.
"Goodmorning Ivan. Breakfast is ready :) Kain na tayo." sagot ko sa kanya.
"I was surprised. Iloveyoubabe." sabi niya sabay kiss sa noo ko.
Ang sweet talaga ng boyfriend ko. I'm so lucky to have him in my life. :')
Niyakap ko siya. "IloveyoutooIvan."
"Tara kain na tayo. Matikman ko nga ang luto ng girlfriend ko." sabi niya.
Ang sarap ng ganitong pakiramdam. Yung kaming dalawa lang. Mahal ko siya at mahal niya ko. Siya yung mundo ko. Ang saya. Wala na akong ibang mahihiling pa. Kundi, makasama ko lang si Ivan habang buhay.
Sabi nila, wala daw forever. Pero kami ang magpapatunay nun.
Oo nga walang forever. Pero may taong magpapatunay sayo nun. Yung taong mamahalin ka habangbuhay. Kayo man o hindi.
BINABASA MO ANG
Because of Love (Completed)
Novela JuvenilIt is a story about love. Syempre halata naman sa title e :D Btw, ito ay storya ng isang lalaki na nagbago nang dahil sa pag-ibig. Nabago ang buhay ng dahil sa isang babaeng dumating sa buhay niya ng hindi inaasahan. :) Magwowork nga ba ang relation...