Chapter 6 ~

168 2 0
                                    

Ivan's POV

Akala ko mga tunay ko silang kaibigan. Pero bakit ganun? Bakit sila naglihim sakin? Bakit nila kailangan itago sakin ang lahat? Maiintindihan ko naman ha? Siguro nga mahal na mahal yun ni Eka.


Pero bakit ganun? Naguguluhan ako. Akala ko ba hinding hindi niya mapapatawad yung lalaking yun? E bakit sila uli ngayon? Anong dahilan? Litong lito na ko.


Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Naguguluhan ako.


Hindi kaya pinilit lang siya nung mokong na yun? Hindi ko talaga alam. Ang daming pumapasok na dahilan sa utak ko.


Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nag-aalala ng ganto no? Oo. Inaamin ko. Mahal ko na si Eka. Nahulog na yung loob ko sa kanya.


Paano? Bakit? Hindi ko din alam.


Hindi ko din masagit yung mga tanong na yan sa isip ko.


Bakit nga ba? Paano nga ba? Bakit ko siya minahal? Anong ginawa niya at nahulog ang loob ko sa kanya?


Ang daming tanong sa isip ko. Pero walang makasagot.


Wala akong masabihan ngayon.


Wala akong mapagtanungan.


Wala akong makaramay.


Bakit? Kasi yung mga kaibigan kong inaakala kong makakaramay ko sa mga ganitong pangyayari, e wala din.


Niloko din nila ko.


Pinaglihiman nila ko.


Wala namang tao na gustong makasama ako?


Lahat ba sila gustong iwan nalang ako?


"Tao po. Ivan? Are you there? Please let me talk to you." narinig kong boses galing sa labas ng bahay namin.


Boses ng babae. Parang familiar yung boses niya.


Don't tell me si......


NICOLE.


Sumilip ako sa bintana. And totoo nga. Si Nicole ang nasa labas. Ano namang kailangan niya sakin? Kung kailan nakalimutan kona siya tsaka siya dadating ule? Naguguluhan na ko.


Hindi ko na sana siya pagbubuksan at kunwari e wala ako sa bahay pero....


"Ivan. Please pagbuksan mo ko. I just want to explain everything."


Nakita niya ko sa bintana na nakatingin. Kaya ayun, no choice. Pinapasok ko na siya. Lumabas ako ng pinto. Walang imik. Syempre hindi ko padin mapagtanto ang lahat ng mga nangyayari sakin.


Bakit ba nandito uli si Nicole?


Ang daming tanong sa isip ko.


Binuksan ko yung gate at pinapasok ko na siya sa bahay ko.


"Upo ka muna." sabi ko sa kanya. Nakapoker face lang ako.


"Salamat Ivan :)" sabi niya.


Akala ko, kapag pinapasok ko siya dito sa bahay, babalik yung mga memories naming dalawa. At akala ko, bibilis ang tibok ng puso ko. Pero hindi. Parang wala lang. Siguro nga si Eka na ang mahal ko. Pero anong gagawin ko? E may mahal na iba si Eka.


"Ano nga palang sasabihin mo Nicole? Kung yung tungkol satinn...." hindi pa man ako tapos na magsalita, sumagot na agad siya.


"Oo Ivan. Gusto ko lang ng closure. Hindi ako pumunta dito para makipagbalikan. Nandito ako para makipagkaibigan."


Nandito ako para makipagkaibigan.


Nandito ako para makipagkaibigan.


Nandito ako para makipagkaibigan.


Paulit-ulit sa isip ko yung sinabi ni Nicole. Andito siya para makipagkaibigan? Matapos ang lahat ng nangyari samin? Hindi ko na alam. Naguguluhan na ko. Bakit ba napakamapaglaro ng tadhana sakin? Ano bang kasalanan ko?


"Ivan?" hindi ko alam ang sasabihin ko kaya napatango nalang ako.


"So, ibig sabihin ba niyang tango mo, friends? :)" nilapit niya ang kamay niya sakin para makipagshake hands. At ayun. Nakipagshake hands nadin ako.

Wala ako sa sarili kaya ganun.


Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari.


Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin o dapat kong sabihin.


Wala ako sa ulirat.


Biglaan ang lahat.


Wala akong kaalam-alam.


Gulong gulo na ang isip at puso ko. Ano bang dapat kong gawin?

Because of Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon