Chapter 18 ~

58 4 0
                                    

Ivan's POV

Nagising ako na nasa kama na ko. Maayos akong nakahiga. Nasa lapag pa yung lubid na ginamit kong pangbigti kagabi.

Bakit ako nagbigti? Kasi hindi ko na kaya ang lahat. Naisip ko na baka sakaling malimutan ko lahat kapag namatay na ko. Hindi na ko masasaktan pa. Mawawalan na ko ng pakiramdam. Di na ko maguguluhan pa.

Pero binago ni Nicole yung AKALA kong yun. Tama siya. Hindi masosolusyunan ng pagpapakamatay ang kahit na anong problema ko.

Buti nalang dumating siya. Kung hindi, siguro patay na ko ngayon. Pinaglalamayan na nila ko. Siguro masaya na si John at Eka. Masaya na silang lahat kasi wala na ako.

Pero binigyan ako ni Nicole ng dahilan para magkaroon ng pangalawang pagkakataong bigyan ng tyansa ang sarili ko para mabuhay. Salamat nalang talaga sa kanya.

Kagabi, may isang salitang sinabi niya ang tumatak sa isip ko. "Dapat nga magpasalamat ka pa dahil buhay ka. Wag mong sayangin ang buhay mo, Ivan." Dun sa sinabi niyang yun, parang may something na malalim na ibig sabihin. Hindi ko alam kung ano pero kung meron man, malalaman ko din yun.

Im on my car right now. Oo. Sa sasakyan ko. Nagdadrive ako papunta sa bahay nila Nicole. Oo nga sarili kong sasakyan. Bumili kasi ako mga last last week pa. Hindi ko nagamit at ngayon ko lang unang magagamit dahil nga stress ako nung mga nakaraang linggo.

Pupunta ko kina Nicole. Magpapasalamat ako sa kanya. Dahil ang laki ng utang na loob ko sa kanya. Kung iisipin, utang ko sa kanya kung bakit nagamit ko pa ang sasakyan ko. Utang ko sa kanya kung bakit buhay at humihinga pa ako ngayon. Kasi napigilan niya ako.

Nagsasoundtrip ako. Nang biglang tumugtog yung kantang, without you ni AJ Rafael. (A/N: Please play the music at the left)

Naalala ko noon. Yung past. Yung past namin ni Nicole. Itong kanta na to kasi ang paborito namin noon dahil hindi namin kaya na mawala ang isa't isa. I mean, ako lang pala dahil siya, nakayanan niya. Hay ayoko nang isipin.

Magkaibigan nalang kami ngayon. Hanggang dun nalang yun. Wala nang hihigit pa dun. Period.

Di ko namalayan, nasa tapat na pala ako ng bahay nila Nicole. Pinarada ko na yung sasakyan ko tsaka bumaba na rin ako.

"Nicole? Tao po? Nicole? Si Ivan to. Are you there?" nakatatlong beses akong tawag at sa pangatlong beses ko, hindi si Nicole ang lumabas kundi si manang Linda. Yung katulong nila.

"Ay sir, ano po yun?" tanong sakin ni ate Linda.

"Ahm, ate Linda, si Nicole po? Ako po si Ivan, kaibigan niya." tanong ko sa kanya. Kinumpleto ko na. Para direct to the point.

"Ay nako sir, wala ho sila mam ngayon. Ahm, nasa ospital ho." sagot naman niya sakin. Ospital? Bakit sila nasa ospital?

"Ospital? Saan pong ospital?" agad na tanong ko kay manang Linda. At binigay niya naman kaagad yung address ng ospital.

Pumunta naman ako kaagad sa ospital na tinuro ni manang. Binilisan ko yung takbo ko kaya wala pang 5 minutes, nakadating na ako kaagad sa ospital. Pagdating ko, hinanap ko kaagad yung room ni Nicole.

Pero hindi pa ko nakakarating sa nurse's station, nakita ko na agad si tita, ang mama ni Nicole. Tumakbo ako papunta sa kanya. "Tita, si Nicole ho? Ano pong nangyari?" tanong ko sa kanya ng mabilisan.

"Nasa taas siya iho. Room 23 sa 5th floor. Puntahan mo na siya." sabi ni tita na halos paiyak na.

Tumakbo ako ng mabilis. Ni hindi ko na nga nagawang intayin pa si tita sa paglalakad e. Dahil sa sobrang pagmamadali ko. Pagpunta ko sa room ni Nicole, dahan dahan kong binuksan yung pintuan.

Pagbukas ko, nakita ko yung mga machines na nakakabit sakanya. Bakit ang daming mga tubes? Anong nangyari sa kanya? Gulo na naman yung isip ko. Halos maiyak ako at manghina.

Maya maya pa, habang pinagmamasdan ko si Nicole, dumating naman kaagad si tita. "She went home last night na umiiyak. Kaya pagdating niya sa bahay, nahimatay siya. Siguro sa sobrang pag-iyak niya. Sabi ng doctor, heart attack. Inatake na naman yung puso niya." sabi sa akin ni tita. Inatake? Nanaman? Anong ibigsabihing na naman?

"Tita what do you mean na naman? Naguguluhan po ko. Please explain to me further." sabi ko kay tita habang nakakunot yung noo ko dahil sa sobrang pagkalito.

"Sa labas ko nalang sasabihin at ikukwento sayo ang lahat iho. Mukhang wala kang alam tungkol sa sakit niya." sabi sakin ni tita. Anong sakit Nicole? Anong sakit mo? Bakit wala akong kaalam alam ha? Anong nangyayari na naman? Lumabas ako agad at sinundan ko si tita. Umupo kami sa may labas ng room ni Nicole. And she explains to me everything.

"May sakit siya sa puso, iho. Hindi niya ba sinabi sayo? I thought, she already told you about it. Naalala mo nung umali kami noon and pumunta kaming states? Umalis kami para magpagamot siya dun. But nung bumalik kami, nasaktan siya nung malaman niya na may bago ka nang mahal..." hindi ko pinatapos ang sinasabi ni tita dahil parang lahat ata ng pinaniniwalaan ko all this time is puro kasinungalingan.

"Tita, saglit po. Pero ang sinabi sakin ni John, nagkaboyfriend si Nicole sa states. So do you mean na hindi po yun totoo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi yun totoo. Ganun pala ang ginawa ng anak ko. Siguro sinabi niya yun kay John para saktan ka. At kapag nasaktan ka, baka sakaling makalimutan mo siya at makamove-on ka." natameme ako. Napayakap nalang ako kay tita. Hindi ko na alam kung anong papaniwalaan ko. Gulong gulo na ko.

"Iho, pwede mo ba kong tulungan? Binigyan na ng doktor ng taning ang buhay niya. She will only live with us, 2 months. Ayokong puro bad memories ang dalhin niya sa pagkawala niya. Can I have a favor? Tulungan mo kong palitan ng magagandang ala-ala ang isip at puso niya. Please, Ivan. Tulungan mo kong mabuhay siya." she added.

Tumango nalang ako as a sign na pumapayag ako. Hindi na kasi ako talaga makapagsalita pa ng kahit anong words. Speechless. Pero yung pagkaspeechless ko, sa malungkot na way. Hayyy, its so complicated. Naguguluhan ako. Kung sana sinabi niya sakin noon pa ang tungkol sa sakit niya, edi sana hindi ako naghanap ng iba. Ang tanga tanga ko. Naniwala ako sa sinabi ng ibang tao. Hindi ko pinagkatiwalaan ang babaeng KAISA-ISANG PINAKAMAMAHAL KO.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Because of Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon