Chapter 2 ~

55 1 0
                                    

IVAN'S POV

First day nga pala namin ngayon. 3rd year college. Ano kayang feeling ng 3rd year college? Hmmm. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan nang ganito.

Siguro kasi malapit na rin kaming grumaduate kaya kabado ako. Natatakot din kasi ako dahil iba iba kami ng course na kinuha ng mga kaibigan ko.

Si John, engineering ang kinuha niya dahil ayun daw yung gusto niya. Ayaw niya daw sundan yung daddy niya na consultant gaya ng daddy namin ni Joshua.

Speaking of Joshua, siya naman, business management ang kinuha. Ayun daw kasi ang sinisigaw at binubugso ng damdamin niya. Hahaha. Mga kaibigan ko talaga.

Ako naman, dahil masunurin ako sa mga magulang ko, I prefer to be a consultant. Hindi naman sa dahil ayun yung gusto ni daddy. Gusto ko din naman siyang course kaya ayun narin yung kinuha ko.

Kinakabahan lang talaga ako kasi siguro hindi ako sanay na hindi ko na kasama yung tropa next next year. Pero kaya ko yan.

"Tol!" ay butiking kalabaw na sinubsob sa putik.

"Ano kaba naman, John! Aatakihin ako sayo e. Tsk."

"Sorry na boy! Sabay na tayo." sabay ngiti na nakakaloko. Talaga tong kaibigan ko. Buti nalang wala akong sakit sa puso. Kung nagkataon, nako!

"Ano pa bang magagawa ko?" sabi ko sa kanya na may kasabay na taas ng kilay. Haha. Kumunot naman ang noo ng mokong. Grabe naman kasi e.

Nagpatuloy na kaming maglakad. Nang bigla niyang basakin ang katahimikan. "Ano nang sagot mo sa tanong ko sayo kahapon?" sabi niya.

"Ano nga ulit yung tanong mo?"

Sa totoo lang, alam ko naman talaga kung ano yung tanong niya e. Inaasar ko lang ang mokong bilang ganti na rin sa ginawa niyang panggugulat sakin kanina. HA HA!

Nakita ko naman na kumunot na naman yung noo ng mokong. Ang sarap talagang asarin nitong isang to. "Bakit hindi mo padin makalimutan si Nicole!" Aba't sino siya para sigawan ako?

"Nagtatanong ka ba o sinisigawan mo ko?" sabi ko sa kanya. Pinapahaba ko lang yung usapan at nilalayo ko sa topic.

"Nagtatanong. Sagutin mo nalang." sabi niya. Nahalata ata ng mokong na nilalayo ko sa usapan ang mga sagot ko. Talino rin nitong kaibigan ko ha. Infairness.

Tumingin ako sa kanya ng seryoso tsaka sinagot ang tanong niya.

"Ewan ko. Siguro kasi sobra ko siyang minahal?" sagot ko sa kanya na may pilit na ngiti sa mukha ko.

"Ang korni naman ng sagot mo boy! Masyadong common. Tss." sabi niya na nakakunot ang noo. At demanding pa ha? WOW. As in wow.

Tinignan ko nalang siya ng masama. Ngumiti naman ang mokong para maalis yung masamang tinggin ko sa kanya.

"Sabi ko nga titigil na e." sabi niya sabay layo ng tingin sakin. "Pero tol, ito seryoso. Nabalitaan ko kasi na, may ibang boyfriend na daw sa ibang bansa si Nicole. Baka kaya matagal na rin siyang hindi nagpaparamdam sayo?"

Matagal bago nagproseso sa utak ko yung mga sinabing yun sakin ni John. Ano daw? May iba na si Nicole? Imposible. Kahit naman na nasasaktan ako, mahal ko padin naman si Nicole e.

At hanggang ngayon e umaasa padin ako na sa pagbalik niya, e ako padin ang mahal niya tulad ng nararamdaman ko sa kanya.

"Uy!" ang pobreng palaka na nadulas! Tsk.

"Uy bro!" bati ni John dun sa dumating. Si Joshua pala. Talaga tong dalawang to. Aatakihin na talaga ako. Malapit na. Konting konti nalang!

"Magsama nga kayong dalawa diyan! Aatakihin talaga ko sa inyo e!" sabi ko sa kanila nang pasigaw dahil sa sobrang inis ko. Asar kasi! Tsk.

Nagumpisa na akong maglakad palayo sa kanila. Nasa unahan nila ako.

"Anong problema nun?" narinig kong tanong ni Joshua.

"Ewan. Siguro nabigla dun sa sinabi ko sa kanya tungkol kay Nicole." sagot naman ni John.

Hindi pa ako masyadong nakakalayo sa kanila kaya medyo naririnig ko pa yung pinaguusapan nilang dalawa.

"Kaya naman pala e, si NICOLE na naman!" narinig kong sagot ni Joshua kay John nang pasigaw na halatang pinaparinig niya talaga sakin yung sinabi niya. Tsss. Bahala sila dyan.

Binilisan ko na yung paglalakad ko para maiwasan ko na silang dalawa. Malapit narin naman kami sa school. Walking distance lang kasi yung school namin sa bahay namin ni John. Si Joshua naman, kailangan niya pang sumakay ng jeep. Pero isang sakay lang naman at hindi rin gaanong kalayo sa bahay nila yung school kaya ayus lang.

Maya maya pa, hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa tapat ng school. Lutang yung utak ko. Dahil ba to sa sinabi sakin ni John? Pero may tiwala ako kay Nicole. At alam ko na niloloko lang ako ni John tungkol sa sinabi niyang yun. Sana nga hindi totoo yung sinabi niya at sana nga e hindi totoong may iba nang mahal si Nicole sa states. Sana hindi totoo.

Because of Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon