IVAN'S POV
1 week palang ang nakalipas. Pero ang dami na agad naming ginagawa sa school. Ang daming projects. Pero, basta magkakasama kame ng barkada, kaya namin yan. Kami ata ang wonderpets. Si Ivan, John, at si Joshua. Ang wonderpets tutulong sa inyo. Hahahaha!
Andito ako ngayon sa tambayan ng tropa. Dito sa may katabi ng school namin. May tree house kasi dito. Wala namang nakatira kaya dito kami tumatambay simula pa last year. Naalala ko pa nga noon, dito pa ko umiiyak. Kapag gusto kong mapag-isa, dito ako pumupunta tapos biglang dadating ang tropa para damayan ako. Itong punong ding to ang saksi sa lahat ng sakit na naramdaman ko. Siya kasi ang pinagbuntungan ko ng galit ko noon.
"Ivan!" nagulat naman ako. Si Joshua lang pala.
"Oh, baket?" ano na namang kailangan ng mokong nato. Panira ng moment. Paiyak na ko e. Jk.
"Nagdadrama kana naman diyan mag-isa?"
"Hindi no." kahit kailan talaga tong si Joshua.
"Kasunod ko nga pala sina John at Eka. Oh ayun na pala sila oh!" pambihira naman oh. Bakit niyo sinama si Eka dito sa tambayan natin. Nakakabadtrip naman e.
"Ano?! Bakit niyo sinama dito si Eka?"
"Relax lang Ivan. Gusto ka daw niyang makausap."
"Para naman saan?!"
"Hindi ko alam." kunwari pa tong mokong na to na hindi niya alam kung bakit. Tssss. Nakakainis.
"Oh andyan na pala kayo." aba't parang nangaasar pa talaga tong si Joshua -_-
"Sige bro. Maiwan na namin kayo ni Eka dyan ha. Eka, ikaw na bahala kay Ivan." sabat naman nitong si John.
Itong mga tropa kong to talaga. Hindi ko alam kung anong nakain nitong mga to. At iiwan pa talaga kaming dalawa dito ha. Kapag minamalas ka nga naman oh. Pinupush ba talaga nila ko dito kay Eka? Hayy. Ayoko.
"Sige John. Salamat. Ako na bahala kay Ivan." at nagsalita pa talaga to.
"Sige bye. Enjoy!" anong enjoy?! Ano ba talagang balak nitong mga tropa ko?!
"Ahm, Ivan, pwede akong tumabi sayo?" ano pa bang magagawa ko diba?!
"Ah, sige."
"Patulong naman oh." ayoko nga. Umakyat ka mag-isa mo.
"Tara."
"Thankyou Ivan. Ang gentleman mo pala." hindi din. Laglagkita dyan e.
Ano bang plano nito? Ano bang sasabihin nito sakin? Ang gulo. Nakakainis naman tong mga tropa ko. Pasalamat sila mabait ako.
BINABASA MO ANG
Because of Love (Completed)
Teen FictionIt is a story about love. Syempre halata naman sa title e :D Btw, ito ay storya ng isang lalaki na nagbago nang dahil sa pag-ibig. Nabago ang buhay ng dahil sa isang babaeng dumating sa buhay niya ng hindi inaasahan. :) Magwowork nga ba ang relation...