"Condolence po tita." -JOHN
"Condolence din po tita." -JOSHUA
Paggalang ng mga kaibigan ko pagpasok namin sa burol ni Nicole. Hindi ko maimagine. Hindi ko maexpress kung ano yung nararamdaman ko.
Damn it.
Gusto kong magwala.
Gusto kong sumigaw.
Gusto ko nalang lamunin ng lupa.
Gusto ko nang mamatay.
Para atleast, magkasama na kami ulit ni Nicole.
Pero pinipilit kong maging malakas.
Kasi ayun yung gusto ni Nicole.
Pangako ko sa kanya na aalagaan ko si tita.
Bakit ganun?
All this time, akala ko ok na siya.
Akala ko bumabalik na yung dating lakas niya.
Pero hindi pa pala.
Bakit naman biglaan ho?
Dapat manlang ininform niyo ko para nakapaghanda naman ako sa pwedeng mangyari.
Hindi yung ganito na nabibigla ako.
Nabibilis ako o kami sa lahat ng mga nangyayaring to.
Parang kahapon lang kausap ko pa siya e.
Parang kahapon lang ang saya saya pa namin ng buong barkada.
Parang kahapon lang nakikita ko pa yung mga ngiti sa mata niya.
Pero bakit bigla nalang naglaho lahat?
Parang biglang bumagsak yung mundo ko?
Anong nangyari?
May nagawa na naman ba akong mali?
Akala ko ayus na e.
Yun pala, hanggang akala nalang lahat ng yun.
Lumapit ako sa kabaong ni Nicole at pinagmasdan ko siya.
Kahapon lang ang init pa ng hawak niya sa kamay ko pero look. Ngayon, isa nalang siyang malamig na bangkay. Ang bata niya pa para mangyari to sa kanya. Ni hindi pa nga kami nagpapakasal e. Bakit naman biglaan?
Ang daming tanong sa utak ko. Kasi litong lito na talaga ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Chinicheer up ako ng barkada ko pero wala e. Siguro kasi sobra lang talaga akong nabigla.
Tapos nasaksihan ko pa kung pano siya malagutan ng paghinga kahapon. Grabe naman hong pagsubok to. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa e.
Ang daming magbabago.
Wala nang magliligtas sa buhay ko. Yung dadating nalang bigla dahil naramdaman niyang parang may masamang mangyayari sakin. Wala na ring magpapalakas ng loob ko.
Wala na si Nicole.
Napatinggin ako kay tita. Bakit siya parang tanggap niya na? Ang bilis naman atang matanggap ni tita ang lahat. Pero bakit ako hindi ko matanggap?
Dahil ba ayaw kong hayaan yung puso ko na patawarin ang sarili ko?
Hindi ko na alam ang dahilan.
Hindi ko din naman maintindihan ang sarili ko kung kailangan ko ba ng kausap para mapagsabihan ko ng mga nararamdaman ko o kailangan kong makapag-isa para makapagisip-isip?
BINABASA MO ANG
Because of Love (Completed)
Teen FictionIt is a story about love. Syempre halata naman sa title e :D Btw, ito ay storya ng isang lalaki na nagbago nang dahil sa pag-ibig. Nabago ang buhay ng dahil sa isang babaeng dumating sa buhay niya ng hindi inaasahan. :) Magwowork nga ba ang relation...