Ivan's POV
Tumawag sakin si Nicole. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi e. Pero, maya maya, parang kinabahan ako. Kinabahan ako na parang may hindi magandang nangyari na hindi ako mapalagay. Kaya sinagot ko yung tawag niya.
"Hello?" sabi ko.
"Hello Ivan? Si Nicole to."
"Ah, bakit?"
"Ivan, pumunta ka ngayon dito sa bahay ni Eka. Kailangan ka niya. Bilisan mo."
Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya nagmadali ako. Hindi na ko nagpalit ng damit. Wala na kong pakialam sa itsura ko. Kinuha ko agad yung wallet ko sa kwarto at lumabas agad. Mga, 3 minutes pa siguro ako nag-antay ng taxi. Kaya, 5 minutes pa silang nag-antay sakin.
Habang naglalakad ako, sobra yung kaba ko. Hindi ko kasi alam kung anong nangyari. Hindi ko alam kung ano ba yung ibig sabihin ni Nicole na kailangan ako ni Eka. Tsaka, kanina padin ako nagtataka. Nagtataka kung bakit nandun si Nicole sa bahay ni Eka? At kung bakit sila magkasama?
Hindi kaya, katulad na to sa mga palabas? Hindi kaya naisip ni Nicole na ihostage si Eka? O di kaya naman,...
Sandali nga! Ano ba Ivan! Nababaliw kana ba talaga? Hindi yun mangyayari! Para kang tanga!
Alam kong kahit sinaktan ako noonni Nicole, e mabute padin siyang tao. Alam ko na hindi niya masisikmura na manakit ng ibang tao para makuha niya ko. At isa pa, alamko din ang katotohanang hindi niya na ko mahal. Kaya bakit siya gagawa ng mga bagay na masasaktan ako diba?
Nako naman Ivan!
Maya maya pa, ito nandito na ako sa harapan ng bahay ni Eka. Hindi ko alam kung kakatok ba ako o ako na mismo ang magbubukas at sisirain ang pinto kasi baka kung anong nangyari. Pero nung marinig kong may babaeng umiiyak, di na ko nagdalawang isip na kumatok.
"Eka? Nicole? Si Ivan to." sigaw ko habang nanginginig ang boses ko sa sobrang kaba at pag-aalala.
Binuksan ni Nicole yung pintuan.
Nakita ko si Eka na nakaupo sa upuan at iyak nang iyak kaya nilapitan ko agad siya.
"Eka, bakit? Anong nangyari?" tanong ko sa kanya pero di manlang siya sumagot o kahit na tumango manlang.
"Ganyan na siya kanina pa simula nung dumating ako. Isa lang ang sinabi niya sakin. Iniwan na naman daw siya ni Jason." biglang pagsagot sakin ni Nicole.
"Eka bakit? Sabihin mo. Anong ginawa sayo nung Jason na yun ha?! Ano?!" galit na sabi ko kay Eka dahil sobrang nanggagalaiti na ako.
"Nakipaghiwalay na ako sa kanya Ivan. Sinaktan niya ako kanina. Sinabi ko kasing may iba na kong mahal at hindi ko na siya kayang mahalin pa ulit." sagot sakin ni Eka.
Hindi ko alam pero nalilito ako. Anong nangyayare? Hindi ko maintindihan? Parang kanina lang, ang saya saya nilang dalawa nung nakasalubong ko sila. Tapos ngayon? Sinasabi ni Eka na, may iba na siyang mahal. Sino? Ang swerte naman nung lalaking yun.
"Sandali. Naguguluhan ako Eka. Di ko maintindihan. Parang kanina lang ang saya niyong magkasama ah? Tapos ngayon, wala na? Ano ba talagang nangyayari ha Eka? Sabihin mo."
"MAHAL KITA IVAN. Nakipaghiwalay ako kay Jason kasi hindi ko na siya mahal at kayang mahalin pa ulit. Oo Ivan mahal kita...." hindi ko na pinatapos pa yung sinasabi ni Eka. Kinulong ko na agad siya sa yakap ko. Tama ba ang narinig ko? Mahal niya din ako?
Naalala ko si Nicole. Lumingon ako sa kinatatayuan niya pero wala na siya. Nalilito na ko. Sino ba talaga sa kanila ang mahalko? Ang dapat kong mahalin? SINO?!
BINABASA MO ANG
Because of Love (Completed)
Teen FictionIt is a story about love. Syempre halata naman sa title e :D Btw, ito ay storya ng isang lalaki na nagbago nang dahil sa pag-ibig. Nabago ang buhay ng dahil sa isang babaeng dumating sa buhay niya ng hindi inaasahan. :) Magwowork nga ba ang relation...