Eka's POV
Ako nga pala si Erika Kathryn Anther. Eka for short. Im just a simple girl with big dreams. Sabi nga ni Maris, "Dream big." Pangarap ko kasing maging isang sikat na singer someday. Bata palang ako, sumasali na ko sa mga singing contest para makatulong sa family ko at para din maachieve ko yung pangarap ko.
This year, second year college na ako. Sa US na kami nakatira ng family ko since I was 3 years old. And bumalik kami dito sa Philippines nung mag 3rd year highschool ako and dun ko nakilala yung knight in shining armor ko. Si Jason.
Flashback...
Niligtas niya ko nung first day ko sa 3rd year highschool from those evil guys. Napagtripan kasi ako noon. Dahil nga, bago lang ako sa school na yun. Binully nila ako. At nagbanta pa nga na rerapin ako. Di ko alam ang gagawin ko nung mga panahong yun. Iyak lang ako ng iyak. Nakapalibot sila sakin. Hindi ko alam ang mangyayare.
Nang biglang may dumating na lalaki. Pinagsusuntok silang lahat. Hindi ko alam pero parang natulala na lang ako. Wala ako sa kondisyon parang natrauma na ko.
Si Jason. Pinagsusuntok niya yung tatlong malalaking lalaking yun. Ang hero ko. Napakaswerte ko nun kasi dumating siya para tulungan ako. At utang na loob ko sa kanya ang pangalawang buhay ko.
After nung pangyayari na yun, nalaman kong section 2 pala si Jason. Ako kasi, section 1. Niligawan niya ko. Kasama ko siya lagi sa mga pinupuntahan ko. Para daw masigurado niyang ligtas ako at walang mananakit sakin.
Hatid sundo niya din ako. Tuwing break, sabay din kaming bumibili at kumakain sa canteen. Hanggang sa humaba na yung araw at kalahati na ng taon nang maramdaman kong, unti-unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya.
Kaya after ilang months, sinagot ko na din siya. Hindi ako nagalinlangan nang sagutin ko siya dahil ilang beses niya nang napatunayan sakin kung gaano niya ko kamahal. Pinoprotektahan niya ko palagi at inaalagaan. At di ko din ipagkakailang mahal ko na siya.
Lumipas ang isang taon. Nararamdaman kong nanlalamig na sakin si Jason. Hindi ko alam kung bakit pero minahal ko naman siya ng higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko e.
Pumunta kami sa bahay at ipinakilala ko siya kay mama. Mabait si Jason. Magalang, maalalahanin at may respeto. Hindi ko alam kung bakit hindi siya nagustuhan ni mama noon. "Anak, sorry pero hindi ko matatanggap si Jason. Hindi ko gusto yung ugali niya. Anak, hiwalayan mo na si Jason. Hindi maganda ang kutob ko sa kanya."
Ayan ang sinabi sakin ni mama. Hindi ko alam kung anong hindi niya nagustuhan kay Jason. Pero pinagsisisihan ko na sinagot ko si mama nung araw na yun.
"Pero ma mahal ko si Jason. Ilang beses na niyang napatunayan sakin kung gano niya ko kamahal. Ilang beses niya na kong niligtas. Ma."
"Sige. Mamili ka. Ako o hihiwalayan mo yang si Jason?!"
Isa pa din yun sa mga pinagsisisihan ko. Nang piliin ko si Jason kaysa kay mama. Hindi ko manlang naisip noon na mas maraming sakripisyo na ang nagawa ni mama para sakin kung ikukumpara kay Jason. Pero ang tanga ko dahil mas pinili ko si Jason. Nasa huli nga ang pagsisisi.
BINABASA MO ANG
Because of Love (Completed)
Fiksi RemajaIt is a story about love. Syempre halata naman sa title e :D Btw, ito ay storya ng isang lalaki na nagbago nang dahil sa pag-ibig. Nabago ang buhay ng dahil sa isang babaeng dumating sa buhay niya ng hindi inaasahan. :) Magwowork nga ba ang relation...