Chapter 9 ~

109 3 0
                                    

Ivan's POV

Hindi ko alam pero nalilito padin ako hanggang ngayon. Bakit ngayon pa bumalik si Nicole? Ngayon, na kung kailan unti unti ko nang minamahal si Eka?


Napakakumplikado.


Naging kumplikado ang lahat.


Sobrang kumplikado.


Sabi niya, bumalik siya para makipagkaibigan. Tama ba yun? Para kasing may mali.


Para kasing meron akong hindi alam.


Parang may mangyayari.


Pero siguro nagooverthinking lang ako.


Gulong-gulo lang kasi talaga ako sa mga nangyayari.


Dapat masaya ako ngayon e.


Dapat masaya na kami ni Eka ngayon.


Mahal niya din ako oh? Kami na. Pero bakit di ko magawang maging masaya? Dahil ba kay Nicole? Hindi pwede Ivan. Hindi kana niya mahal. HINDI MO NA DIN DAPAT SIYA MAHAL.


Gumising ka nga sa katotohanan. Isipin mo. Ano bang dapat mong gawin? Diba kailangan mong maging masaya? Diba kailangan mong ibaling yung isip, puso at oras mo para kay Eka?


Then do it.


You have to do it.


Para kay Eka, Ivan. Para kay Eka. Para sa babaeng tumulong sayo noon para makalimutan ang babaeng nanakit sayo. Para sa babaeng minahal ka ng totoo. Para sa babaeng mas pinili ka kesa sa ex niya. Para sa babaeng gumawa ng paraan para hindi kana masaktan. Para sa kanya Ivan. Para sa girlfriend mo.


Siya ang mahal mo. HINDI SI NICOLE. Si EKA, Ivan. Si EKA. Si Erika Kathryn Anther.


Text Message Received from: Girlfriend ko


"Ivan, pwede kaba ngayon?"


Ito. Yung babaeng mahal ko. Nagtext. Simula ngayon, siya lang ang iisip ko. Kakalimutan ko muna ang ibang mga bagay. Si Eka. Kailangan niya ko.


"Yes po :) Puntahan kita dyan ngayon. Mahalnamahalkita :*"


Text message sent to: Girlfriend ko


After 30 minutes....


"Babe?" habang kumakatok ako.


Binuksan agad ni Eka ang pinto at yumakap sakin.


"IloveyouIvan" sabi niya habang nakayakap sakin.


Hindi ko alam pero, dun ko naramdaman na mahal na mahal ako ni Eka. At syempre ganun din ako sa kanya.


"Masmahalnamahalkita" bulong ko naman sa kanya. Sabay halik sa noo niya.


Ngumiti lang siya. Gumaan yung pakiramdam ko. Mahal ko na nga si Eka. Siya lang. Ayun ang tama. At ayun ang totoo.


Hinawakan niya ang kamay ko. At inaya akong pumasok sa loob ng bahay niya. Siya lang ang nakatira dito. Yung mommy at daddy niya kasi nasa ibang bansa. At minsan lang umuwi dito sa pinas kaya minsan niya lang din makita. At hindi sila ganun kaclose.


Nanood kami ng movies. I felt so relaxed kasi kasama ko yung babaeng mahal ko. Nakahiga siya sa balikat ko. Halatang inaantok na.


Few minutes later...


Tulog. Tulog na yung babaeng mahal ko. Binuhat ko na siya papunta sa kwarto niya. Para tuloy tuloy na din yung tulog niya. Nakakain naman na din kami kanina. Kaya hindi na niya kailangang gumising mamaya. Alam kong napagod siya ngayong araw. Galing kasi siya kanina sa Out reach program ng school nila. Kaya ayun. Napagod.


Gusto ko sana siyang samahan pero, hindi naman ako member ng organization nila kaya hindi pwede.


Pagkadala ko sa kanya sa kwarto niya, pinagmasdan ko siya. Ang himbing ng tulog niya. At kita sa mukha niya na masaya siya kahit pagod. Ang sarap niyang pagmasdan.


Maya maya, napatinggin ako sa relo ko. 7:00 pm na pala. Kailangan ko nang umuwi. May gagawin pa din kasi akong project e.


May nakita akong papel. Dun ko nalang isusulat kung anong gusto kong sabihin kay Eka. Para paggising niya, di naman siya masyadong magulat na wala na ko sa tabi niya.


"Dear Eka,
Babe sorry umuwi na ako. May kailangan pa kasi akong tapusin na project e. Binuhat na nga pala kita papuntang room mo para diretso na ang tulog mo. Thankyou for this day Eka. Napasaya mo ko :) Iloveyou :* Mahalnamahalnamahalkita :* Yan ang lagi mong tatandaan.

Love, Ivan."


Tinupi ko yun at nilagay sa ibabaw ng lamesa na katabi ng kama niya. Para paggising niya, makita niya agad.


Pauwi na ko ngayon. Ito naglalakad. Tinatanong ko sarili ko kung tama ba ang lahat ng ginagawa ko. Pero kahit ano pa, isa lang ang alam ko. Deserve ni Eka ang pagmamahal ko. Kaya hindi ko siya sasaktan. Hinding hindi. Kahit na kailan.

Because of Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon