1 month after...
Ivan's POV
Ito na kame ngayon. Isang buwan nalang, magbabakasyon na. For sure, sa bakasyon, tambay at puro gala na naman ang tropa. Ang maiiba nga lang siguro ngayon, e may dalawa na kaming babae na kasama. Si Eka at si Nicole. Yung babaeng mahal ko at ang babaeng minahal ko. Aba't pangteleserye pala ang buhay ko no?
Maiba tayo. Dalawang buwan na nga palang kami ni Eka. Si Nicole naman? Naging bestfriend ko. Ang weird no? Yes. Super weird.
Ikaw ba naman e. Maging bestfriend mo yung ex girlfriend mo na halos tatlong taon mong iniyakan. Di kapani-paniwala kung paano kami nagkasundo ule.
Syempre, hindi maiiwasan ang selos.
Dahil nga sa pagkakaibigan namin ni Nicole, na dating ex girlfriend ko, lagi naman kaming nag-aaway ni Eka. Bakit?
Dahil sa SELOS.
Ang selos, isa yan sa mga mapanlinlang na bagay sa mundo. Inevitable. Ibig sabihin, hindi maiiwasan.
Kapag naramdaman mo yung selos na yan, wag mong hahayaan na maghari yan sa puso mo. Tapos sasamahan pa ng galit. Wag na wag. Kasi dyan nagsisimula ang hindi pagkakaintindihan. Na minsan e nauuwi sa break up.
Dahil nga sa madalas kaming magkasama ni Nicole, palagi namang nagseselos itong si Eka.
Oo aaminin ko na ako ang may kasalanan. Pero hindi ba niya pwedeng intindihin na wala nang kame ni Eka? Na magkaibigan nalang kame? Na hindi na maibabalik pa yung nakaraan namin?
Hindi niya ba pwedeng ipasok yun sa isip niya? Sa bagay. Ang kikitid ng mga utak ng mga babae pagdating sa mga ganyang bagay.
Bakit ba kasi lagi nalang iniisip ng mga babae na nambababae kaming mga lalaki? Iba iba kami. Hindi lahat ng mga lalaki e babaero.
Hindi lahat ng mga lalaki e hindi mapagkakatiwalaan.
Hindi lahat ng mga lalaki e manloloko.
May mga natitira padin namang mga lalaking loyal ah.
Yung hindi ka sasaktan. Just trust him.
Sabi nga, kapag mahal mo ang isang tao, dapat may tiwala ka sa kanya. Kasi kung wala, walang kwenta ang pagmamahal na sinasabi mo.
Bakit?
Kasi mapupuno at mababaloy ng paghihinala yung pagmamahal na yun.
Mabalik tayo, ayun. Siguro nga, maliit lang ang tiwala sakin ni Eka. Hindi pa ganun kasapat kaya siya nagseselos kay Nicole. Pero dahil sa ginagawa ni Eka, hindi niya alam na mas lalo niya kong nilalapit kay Nicole. Sa tuwing magseselos kasi siya at magaaway kami, si Nicole yung laging andyan para damayan ako.
I feel so comfortable kapag kasama ko si Nicole. Parang dati lang. Ang kinaibahan nga lang ngayon e wala nang kami. Kaibigan nalang. Hanggang dun nalang yun.
May lakad na naman ang barkada ngayon. Inaya ko si Eka. At tulad ng mga pangyayari ng mga nakaraang buwan, pinapapili niya na naman ako. "Yang mga kaibigan mo o ako? Mamili ka Ivan." sabi sakin ni Eka. Mangiyakngiyak siya.
Ako naman, ito parang tuod na hindi makagalaw. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pakiramdaman ko, nasasakal na ko. Napapagod. Pagod na pagod.
"Eka, palagi nalang ba tayong ganito? Kung palagi nalang tayong ganito, mas mabuti pa siguro kung magcool-off muna tayo. I think kailangan mong mag-isip para matauhan ka sa mga pinaggagagawa mo. Pagod na ko Eka. Cool-off muna tayo. Magpalamig ka muna ng ulo mo. Balikan mo nalang ako kapag ayus kana. Kapag hindi mo na pinagseselosan ang lahat ng mga tao o bagay na nasa paligid ko." dahil nga sa pagod ko, ayun. Nasagot ko na siya. (A/N: Play the music please)
Siguro nga, kailangan niya munang mag isip isip. Isipin kung tama pa ba yung mga ginagawa niya. Ayus lang naman na magselos e. Yung iba ngang magshoshota dyan, kapag may nagselos, natutuwa pa sila. Bakit?
Kasi ayun daw yung sign na ayaw ka niyang maagaw ng iba sa kanya. Ayaw ka niyang mawala. Pero sabi din, masama ang sobra. Hindi naman siguro tama na lahat nalang na bagay o taong nakapaligid sa akin e pagseselosan niya diba?
Kaya kesa mag-away kami, ayun.
Mas pinili ko nalang na makipagcool-off muna.
Oo mahal ko si Eka. Pero sobra na. Sa tinggin ko kailangan niya munang mapag-isa.
Ito ako ngayon naglalakad hindi ko alam kung saan ako pupunta. Umupo muna ako saglit. Nag isip isip. Oo alam ko na, kaming mga lalaki, hindi namin pinapakita ang emosyon namin. Hindi namin pinapakita na nasasaktan kami. Pero kahit ganun, may puso idn naman kami. At gaya ng mga puso niyong mga babae, nasasaktan din kami.
Kung pwede nga lang turukan ng pagpamanhid yung mga puso namin e. Para wala na talaga siyang maramdaman. Kaya lang hindi e.
Sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon, hindi ko na napigilan pa na pumatak ang luha ko. Kanina ko pa pinipigilan sa totoo lang pero hindi na kinaya. Kusa na siyang tumulo sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
Gulong gulo kasi ako sa mga pangyayari. It's so complicated. Di ko na alam kung anong gagawin ko. Parang dati lang, nung iniiyakan ko si Nicole dahil sa break up namin, dumating si Eka sa buhay ko para tulungan akong makapagmove on. Tapos ito na ngayon. Bestfriend ko na yung ex ko tapos si Eka na ang girlfriend ko.
Andaming nangyare. Pakumplikado nang pakumplikado ang buhay ko.
Sabi nila, madali lang daw mabuhay. Pero bakit ganon? Ang hirap hirap. Napakakumplikado. Hayyyy. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na alam kung sinong lalapitan ko.
Yung mga kaibigan ko, for sure may ginagawa sila. Busy sila sa project namin ngayon. Si Eka naman, as usual, nakipagcool off nga ako diba? Si Nicole naman, di ko alam kasi nahihiya akong lumapit sa kanya.
Gulong gulo na ko. I just want to die right now.
BINABASA MO ANG
Because of Love (Completed)
Teen FictionIt is a story about love. Syempre halata naman sa title e :D Btw, ito ay storya ng isang lalaki na nagbago nang dahil sa pag-ibig. Nabago ang buhay ng dahil sa isang babaeng dumating sa buhay niya ng hindi inaasahan. :) Magwowork nga ba ang relation...