BELATED MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR!
pasensiya na guys kung ngayon lang ulit nakapag update. masanay na kayo sakin. charot!
kumusta naman ang christmas niyo? masaya ba?
gumaganda na ba yung chapter ah? ah? ah? pasensiya makulit ako eh :)
guys iniisip ko pala na malapit na tong matapos. may bago na kaseng akong iniisip gawin. gagawa nako ng new story :(
ay guys,naalala niyo ba sa super last chapter ko kumanta diba si Natalie ng Not like the movies ni KC Concepcion? gusto niyo ba marinig yung kanta niya?ah?ah? punta kayo sa profile ko sa soundcloud at maririnig niyo. nag promote eh no! seryoso yun yon!
Soundcloud: Valereeree
tingnan niyo ah :) thanks!
-HayleenL
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nandito na kami ngayon sa canteen ni Angel. inaantay na lang namin dumating yung iba.
"Angel..." busy sa phone niya eh. hindi man lang ako pinapansin.
"Yes?" tingnan mo, ni hindi rin makatingin sakin.
"sino ba yang katext mo at ang busy mo masyado diyan. ibigay na lang kaya kita sa kanya?" aba te, ang itchura ng ate niyo, tarantang tae!
TEKA... NAGBU-BLUSH BA SIYA?
"ha? ahmm..ano. wala." wala daw pero tinago agad ang cellphone.
"ikaw Lelay ah, sige. ganyan naman tayo eh. taguan na pala ng sekreto ah."
"hala! hindi ah.eh.. kase...close kayo ni kuya eh." may kamot ulo effect pa siya.
"ano naman kung close kami ng kuya mo?lalayo na ba ako? sabihin mo lang." ilalayo na ba niya ako sa kanya? nakuu...WAG! charot! :))))
"hindi! eh kase...ano...baka magalit si kuya samin." wait. teka. ang gulo niya ah.
"namin? sinong namin? at saka bakit naman magagalit sayo yung halimaw na yun?"
"kasee...ano...si Red...ano...ako..." hindi ko na siya pinatapos dahil may nabubuo na sa isipan ko.
"KAYO NA? SABI KO NA NGA BA EH. KELAN PA? BAKIT HINDI MO AGAD SINABE SAKIN? ANONG KLASENG...ARAW!" ang sakit ah. tama ba naman akong batukan?
"ang O.A mo naman Banannie! hindi pa kami. ano... date pa lang." ayiiie. kinikilig ang bruha!
kinuwento niya kung kelan nag start ang date nila. matagal na pala niyang crush si Red at ang maganda pa dun ay crush din pala siya nun ang kaso, hindi nga siya mapormahan ni Red dahil daw sa "Bro Code" kuno. yung huwag papatulan yung kapatid ng barkada eh nung dumating daw ako sa buhay ni Mikee eh parang nagiging maluwag na si Mikee kay Angel. tama ba naman akong gawing dahilan para makatakas daw sila sa date nila sa susunod na araw. pero since na kaibigan ko ang pinag uusapan, wala nako nagawa. T_T
"nakuuu.. thank you talaga Banannie. i love you talaga!" grabe ang yakap ah. kung makayakap parang walang bukas. ang higpit masyado.
"anong meron?" halos maluwa ko na siguro yung laway ko! narinig kaya ni Mikee yung usapan namin?
"k-kanina ka pa kuya?" pati si Angel kabadong kabado eh.
"kararating ko lang. bakit?" umupo siya sa tabi ko at may iniabot.
BINABASA MO ANG
Status: No boyfriend since birth. (Completed)
Teen FictionNainlove ka na ba? kung hindi pa, parehas pala tayo.Ako nga pala si Natalie,18 years old na pero NBSB pa rin. ang dami nga nagtatanong sa akin kung bakit wala pa raw akong boyfriend. bakit nga ba? kung gusto niyo malaman eh basahin niyo na lang ang...