Kinabukasan.
Sa school.
nakaupo lang ako sa isang bench sa school sa may garden.nakatulala.
inaantok pa ako. grabe talaga si kuya kagabe >.<
lumilipad na naman ang isip ko...
*FLASHBACK*
papasok na sana ako ng gate ng lumabas si kuya ng bahay.
"nakauwi ka na pala nat-nat."
"hindi ba halata kuya?" adik lang?
"oh, sino yung kasama mo. bakit di mo muna pinapasok?"
"wag na kuya, uuwi na yan. diba Mikee?" sigaw ko sa kanya.
"good evening po."
"dude, wag mo nako i-po. masyado pa akong bata. ikaw ba naghatid kay nat-nat?" ay hindi kuya. lumipad ako. shunga lang?
" yeah." wow. ang ganda naman ng sagot ni Mikee. CLOSE??
"ah ganun ba. sige pasok ka muna."
"ay hindi kuya uuwi na siya kase gabi na."
"ay sige salamat." anak ng? wala ba ako dito? invisible ba ako? kung maka snob talaga tong dalawa eh no. eto namang si Mikee pumasok pa.
sa loob ng bahay.
"sige pare upo ka muna." at umupo naman si Mikee.
tumabi ako sa kanya."Oh, bakit di ka umuwi?"
"diba nga sabi ko sayo, walang mag-aantay sakin sa bahay. nakakaboring kaya dun." ano ba yan >.<
"oh pare inom ka muna." binigyan pa ni kuya ng juice. kaasar naman!
"Ano pinapanood mo kuya?" maiba na nga ng topic. parang wala kase ako dito sa sala. ni hindi man lang ako pinapasin.
"The Grudge pala." sabay ngisi sakin ni kuya. alam niya kase na hindi ako nanunuod ng nakakatakot.
"ano nga palang pangalan mo?"
"Mikee pala."
"ah. George pala. gusto mo manuod ng The Grudge? hindi naman kase nanunuod si nat-nat ng ganyan eh."
"manahimik ka nga kuya!" tapos ako naman ang topic? anak ng!?
malapit na pala mag eleven. hindi pa rin siya umuuwi. naka 3 palabas na sila na puro nakakatakot. ni hindi rin ako makaakyat ng kwarto kase tinatakot nila ako kaya kasama rin nila ako sa sala nanunuod.
gustong gusto ko na matulog pero kada aakyat ako ng hagdan ito ang sasabihin ng dalawa...
"Ingat sa kwarto mo ah!" sigaw ni kuya.
"wag mo na lang silipin yung ilalim ng kama mo, pati na rin pala sa bintana at cabinet mo!" sigaw naman ni Mikee.
see? kita niyo? ayaw nila talaga akong patulugin. tinatakot talaga nila ako. ako naman tong si matatakutin. at saka, kelan pa naging close si kuya at si Mikee? grabe. alam ko na. isa lang ang sagot diyan. parehas nila akong gustong asarin kaya nagkasundo sila agad. halata naman eh.
"kuya, gusto ko na matulog! at ikaw naman maligno! umuwi ka na!" sigaw ko dun sa dalawa.
"pagnatapos na tong friday the 13th." talaga naman.ayaw talagang paaawat!
umupo ulit ako sa sofa namin. tumabi ako sa kanila. nakakatakot kase yung pinapanood nila. badtrip. diko na namalayan na nakatulog na pala ako dun.
BINABASA MO ANG
Status: No boyfriend since birth. (Completed)
Novela JuvenilNainlove ka na ba? kung hindi pa, parehas pala tayo.Ako nga pala si Natalie,18 years old na pero NBSB pa rin. ang dami nga nagtatanong sa akin kung bakit wala pa raw akong boyfriend. bakit nga ba? kung gusto niyo malaman eh basahin niyo na lang ang...