Chapter 44. (Party Pooper)

2.5K 37 18
                                    

Happy Single Day! charr. nakakatuwa naman yung mga comment niyo dito. na appreciate ko yun at dahil diyan, bagong UD ulit! haha. sana mag like po kayo o di kaya comment para malaman natin ang mga saloobin niyo sa mga characters dito. :)

maganda po ba talaga itong story? huhuhu salamat sa inyo guys! i love you to the moon and back! :**

suggest pa po sana kayo ng ano pang pwedeng mangyari ah? natutuyuan na kase yung utak ko kakaisip kaya napapatagal ang pag UD ko hahaha!

ENJOY! :)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang bilis ng araw no? Friday night na agad at eto ako ngayon sa kwarto ko, nagbibihis na ng isusuot para sa party ni Brittany. can you believe that? pupunta ako sa birthday ng dating nangbu-bully sakin. ughhh! pero sabi nga nila, give chance to others. malay mo, sincere naman daw siya.

nagsuot na lang ako ng plain black dress tapos chucks para safe. semi-formal naman daw ang attire eh. susunduin na lang daw ako nila Angel sa may park so kelangan ko na rin simulang maglakad at baka mapagalitan na naman ako nun. alam niyo naman yun diba? masyadong strict sa oras.

nagpaalam na rin ako kay kuya through text. wala kase siya sa bahay ngayon. hindi pa nakakauwi galing work ata kaya si manang na lang mag-isa. sinimulan ko ng maglakad at sakto lang pala ako kase kadarating lang din nila.

"okay na tayong lahat?" sigaw ni Nicole.

"Yes!" sigaw naman nilang lahat. ako kunwaring sigaw lang. 

*

*

*

Nakarating na rin kami sa wakas at medyo may kalayuan pala ang bahay ni Brittany. malaki ah pero malayo pa rin.

"hi girls! omg. thank you talaga at nakarating kayo sa party ko." sabi naman ni Brit pagkasalubong nya sa amin. "Hi Natalie!. thank you and im sorry ulit."

"no worries. past is past." tapos niyakap na naman niya ako. ang higpit lang ah.

"pasok muna tayo guys." sumunod naman kami kay Brit hanggang maka abot kami sa backyard nila kung saan maraming tao. nakakita ako ng mga classmates at schoolmates namin. sumikat nga talaga siya kase sobrang dami po talagang tao.

"Hey Brit. where can we get food?" buti naman at nagtanong ka Nikki. gutom nako!huhu.

"Let's go." sinundan naman namin siya ulit hanggang sa WOW! ang dami food. hahaha. ang siba ko talaga huhu.

"upo na lang kayo wherever you want. puntahan ko lang yung iba kong guests. see you!" so pumwesto na lang kami sa loob ng sala kase mas konti ang tao kesa sa backyard.

"sarap guys. huhu" seryoso promise!

"ssh. wag kang maingay Banannie. baka mamaya sabihin ng makarinig sayo pumunta ka lang dito para kumaen." parang ganun na nga Nikki. hindi naman kami close eh.

"kukuha lang ako ng drinks guys, sino may gusto?" nagtaasan naman kami lahat ng kamay. nag-alok kase si Nicole kaya keribels kaming lahat.

Status: No boyfriend since birth. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon