Pabalik na kami sa cafe at hindi ko maiwasang hindi mahiya sa mga nakakakita sa aming mga estudyante.
"alam mo mukha kang may tinataguang tao diyan sa likod ko. dito ka nga sa gilid ko." inusog naman niya ako sa gilid. pano ba naman kase magka holding hands kami habang naglalakad sa hallway. hindi ko nga alam kung makakasanayan ko tong ganito kami araw-araw.
"Banannie!!!!!"
"kyyyyahhh!" oeemgee. grabe naman makasigaw tong sila nikki.
"oh sige dun ka muna sa kanila may pupuntahan lang ako saglit."
and then just like that.
napatibok na naman niya ng mabilis ang puso kong nagwawala na sa loob ng dibdib ko. feeling ko sasabog na. hinalikan niya ako sa noo bago siya tuluyang umalis.
"Banannie ang pda niyo! naiinggit nako malapit na kyaaah!!"
"kelan pa naging kayo ah?"
"malay ko. ewan ko. hindi ko alam. ang gulo." wag niyo muna ako tanungin at pati ako gulong gulo pa sa sarili ko.
"grabe ka naman tinatanong ka lang dami mo pa sinabe. di na lang oo hahha"
"ano Banannie naniniwala ka na ba sakin?"
"pinagsasabi mo Angel?"
"wait lang. tatawa lang ako HAHAHAHHAHAHA'" ayy hala siya? adik lang talaga.
"bakit ka tumatawa?"
"ediba yung dati sabi ko sayo tatawanan kita pag naging kayo ni kuya hahahha ayan nagawa ko na and i told you so!" lakas talaga tama nitong kaibigan ko huhu.
"ehhh nakakainggit kaya yung ginawang pag propose sayo ni Mikee. sa harap pa talaga ng buong campus. ang swerte mo friend!"
inggit pa siya dun?nambulabog kaya kami ng madaming estudyante tapos ang init pa.
"alam mo nasa utak nito ni Banannie nahihiya siya. alam mo friend, payo ko lang sayo kahit once in your life itigil mo muna ang pagiisip mo sa ibang tao at isipin mo naman yung sarili mo. kahit di mo aminin sa amin, alam namin na masaya ka ngayon." ang drama ata ngayon ni Nicole. pero alam mo tama siya. hindi ko kayang aminin sa knila dahil hindi ko alam kung totoo na ba talaga tong nararamdaman ko kay Mikee.
*one message received*
"huwag kang uuwi agad mamaya. ako na maghahatid sayo paguwi."
***
"sigurado ka ba sa gagawin natin?"
"oo. ayaw mo ba?diba isa to sa wishlist mo?"
"teka nga. pano mo pala nalalaman yang mga wishlist ko?" nagtataka na talaga ako eh. pano kaya nalalaman ni Mikee yun eh hindi ko naman sinabe sa kanya yun.
"binuksan mo ba yung regalo ko sayo?"
"anong regalo?"
"yung binigay ko sayo noon."
ahmmm...wala akong maalala nun ah.tekaaa...hmmmm...isip-isip...
ayyy shoot! oo nga pala hahah! kakatapos lang nung new year nun. hindi ko pala nabuksan yung regalo niya sakin.
"ahhhhh..oo....yung regalo mo sakin..."
"binuksan mo ba yun?"
*phone ringing*
whoo! sakto talaga tawag mo kuya! wahahah
"oh kuya?....oo....okay...sigesige...pauwi na ko...okay...bye."
"ano sabe ng kuya mo?"
"kelangan ko daw umuwi ng maaga ngayon kase bibisita daw ngayon sila mama."
"hatid na kita."
mabuksan na nga lang yung regalo niya paguwi.
BINABASA MO ANG
Status: No boyfriend since birth. (Completed)
Novela JuvenilNainlove ka na ba? kung hindi pa, parehas pala tayo.Ako nga pala si Natalie,18 years old na pero NBSB pa rin. ang dami nga nagtatanong sa akin kung bakit wala pa raw akong boyfriend. bakit nga ba? kung gusto niyo malaman eh basahin niyo na lang ang...