Chapter 52 (Ultimate Surprise)

1.8K 31 7
                                    

"Sige kuya ingat!" hinatid ako ni kuya papuntang school. buti na lang at hindi pa ako late.

Makapaglakad na nga at baka tuluyan pa akong malate talaga nito.

"Natalie!"

napalingon naman ako sa likod ko. eh? sino naman tong si ate? hindi ko siya kilala ah.

inantay ko si ate na makalapit sakin. pachix ako eh kahit hindi haha!

"ano yan?" ano ba to si ate! tibo ata to at mukhang aamin na sakin. ganda pa naman.

"rose po. may nagpapabigay." weh?

"sakin?"

"oo. tanggapin mo na." binigay naman agad ni ate yung isang pirasong bulaklak sakin. kanino naman to galing?

hindi ko na lang din pinansin kase sasakit lang ulo ko. ke aga-aga magiisip agad ako. wag ganun. hoho!

"Natalie!" sino na naman yun? eto na naman akong lilingon ulit.

sino na naman yun?

takbo naman agad si ate. okay diko rin siya kilala.

"para sayo."

"sakin?" hindi ko sana tatanggapin pero binigay agad-agad ni ate itong isang pirasong bulaklak na naman.

pinagtitripan ba ako? naglakad na lang agad ako para makaabot agad ako sa classroom namin.

"Natalie!" ayan na naman. may tumatawag na naman sakin. hindi ko na lang pinansin at dumiretcho pa rin ako sa paglalakad ko.

"Natalie!" shet. ano ba yan. dalawa na sila. nagmadali nako sa paglalakad ko. power walk na ittuu!

waaah! naabutan nila ako! sabay naman nila agad inabot yung bulaklak sakin. ano ba naman to! nakakahiya na ah. pinagtitinginan nako huhu!

mabuti na lang at nakaabot agad ako sa classroom. tinago ko agad sa likod ko yung mga bulaklak na dala ko. langya naman to oh.

"uy bouquet mo dito Angel." kung san-san kase pinapatong sa upuan ko pa. uso pala bulaklak ngayon?

"huh? hindi akin yan Banannie. para sayo ata yan ayiiiiieh!"

"akin? sino naman magbibigay sakin niyan aber?"

"silipin mo kase kung kanino nanggaling ng magkaalaman na. nakss! dalaga ka na Banannie. congrats!" sinilip ko na lang talaga yung papel ng malaman na hindi talaga to sakin.

- Nat-Nat,

Good morning! nabigay ba sayo yung ibang bulaklak? baka kase inangkin na nila. see you later!

Mik2x-

Para sa akin nga to. eh sino naman tong mik2x? feeling close to at nickname ko pa ginamit niya. gamit pa ng pen name di na lang sabihin talaga yung totoong pangalan. mapapaisip tuloy ako nito.

"kyaaaaaah! sino si MIK2X? secret admirer lang ang peg Banannie? hihihi" kung makatawa naman to si Angel. umupo na lang muna ako sa upuan ko kahit na nakabalandra yung bouquet ng flowers sa table ko.

"baka secret killer, secret rapist, secret frienemy o di kaya secret chix."

"wow ah! nahiya naman sila sayo." bakit kase MIK2X eh? may number pa. tssk.

"ah ewan ko. ayan na si ms. mamaya na yan." binaba ko na lang yung bouquet sa gilid ng bag ko para kahit papano hindi nila mapansin.

*RING***

"aisssh! pabigat naman tong bulaklak na to. Angel ikaw na lang maghawak oh"

"bat ako? hindi naman sakin yan eh."

Status: No boyfriend since birth. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon