chapter 27(boyfriend kuno.)

3.3K 23 0
                                    

Natalie's POV:

"Halika na Natalie, kakaen pa pala tayo." oo nga pala. libre naman eh kaya pagbigyan na. kanina pa kaya ako gutom. hindi man lang muna ako pinakaen nila Angel.

"Sige." nagsimula na kami maglakad ni Leo. hindi naman siya masyadong nagmamadali niyan. ang bilis kung maglakad eh. akala mo may humahabol sa kanya.

"Miss! Miss! Wait lang!" grabe. ang ingay nila ah.

"saan ba tayo ka..." bago ko pa matapos yung itatanong ko sana kay Leo, narinig ko na naman yung lalaking sumisigaw.

"Miss! Miss na naka cat shirt! wait lang!" narinig ko yun ah. naka cat shirt? tiningnan ko t-shirt ko. toinks. ako yun ah. naka cat shirt kaya ako. lumingon ako.

"ako ba?" just to make sure. baka mamaya hindi pala ako. pahiya lang ng konti. hehhe

"yeah. ikaw nga." ako nga. hingal na hingal sila ah. ay wait. sila yung tumutugtog kanina ah.

"ako? hindi ko nga kayo kilala eh."

"Grabe pare hindi niya tayo kilala?" tanong naman nitong cute dun sa lalaking matangkad. binatukan niya tuloy sa ulo.

"baka nagkamali lang ka.."

"Oy teka pare, ang bilis niyo tumakbo." oh? anong ginagawa niya dito?

"ginagawa mo dito?"

"bakit? ikaw lang ba (*hingal)..pwedeng pumunta dito (*hingal)..sa mall?" psshh.

"Ah mga kaibigan pala kami ni Mikee." sabi ni kuya tangkad.

ano naman gagawin ko kung kaibigan kayo niyang hinayupak na lalaking yan? kung pwede ko lang sabihin yun eh, kaso ang panget namang pakinggan "Ah. nice meeting you pala."

"si Daniel, Red at JM pala." infairness, pogi sila :)))) echos.

"pare hindi ganyan mag introduce. Ako nga pala si Daniel." nakipag shake hands naman siya sakin.

"I'm Red." eto pogi rin.

"JM pala. nice meeting you." sabay ngiti niya sakin. eto yung cute sa kanila. mukhang bata pa eh.

"Natalie pala...at saka si Leo." muntik ko ng malimutan, may kasama pala ako. hahaha. ang sama ko.

bakit naman naka kunot yung noo ni Mikee. mukhang tanga lang.

"ah sige. nice meeting you ulit. may pupuntahan pa kase kami eh. sige. bye." ang awkward na eh. kelangan ng umalis. gutom na pa naman din ako. naglakad na kami palayo ni Leo ng marinig kong sumigaw si Mikee.

"OY! pupunta ako sa bahay niyo mamaya!" anak ng asdfghjkl! kelangan pang isigaw? pinagtinginan tuloy ako.

"Oo na!" aisssh. badtrp talaga siya.

"ahmm. Natalie.."

"ohh?"

"bakit siya pupunta sa bahay niyo mamaya?" pake  ba nito? badtrip na nga ako dadagdagan pa niya.

"ah. tuitor ko kase siya."

"ah.ganun ba."

~KRING!KRING!

whoo! saviour ang phone ko! sino kaya tong tumatawag.

"wait lang ah."

"sige lang."

Status: No boyfriend since birth. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon