chapter 15(sweet revenge)

3.5K 35 0
                                    

naglalakad sa kawalan.

"Mikeee!!!!"

napalingon naman si bruho. pati tuloy ako napalingon na rin. lumapit na yung lalaking tumawag kay Mikee.

"dude, may practice tayo ngayon."

"oo nga pala. i forgot dude."

"eh pano pala yang situation mo ngayon?"

napatingin sakin yung dalawa. pati na rin sa posas na nakakabit samin ni Mikee.

"i know bro! wait lang ah. diyan lang kayo. tatawagin ko lang si Ace."

pagtawag na pagtawag palang nung kausap ni Mikee dun sa nagngangalang Ace, hindi muna niya tinanggal yung posas sa kamay namin. sabi niya malalagot daw siya kapag tinangal niya yung posas samin.

naglakad na kaming lahat papuntang gym. badtrip talaga. hindi ako makatakas! pinosas ako nung Ace na yun sa upuan. hindi talaga ako pinaalis. kung may balak daw tumakas si Mikee, hindi raw ako makakaalis sa kinauupuan ko hanggat hindi siya magpapaposas ulit sakin.

pumunta na sila Mikee ng shower room para magpalit ng damit.

"okay guys, let's do this! malapit na ang laban natin!" sigaw naman ni coach sa mga basketball players niya.

mahigit 2 oras na rin akong nakaupo dito. ang sakit na ng pwet ko kakaupo. magdidilim na rin kaya panigurado, pwede na tanggalin tong posas. uwing uwi nako!

"sandali lang ah, magpapalit lang ako ng damit. antayin mo ko diyan." sabay smirk sakin ng bruho.

"saan pa ba ako pupunta!" nakita niyang nakaposas ako eh >.<

grabe. ang tagal naman nun magpalit. tinalo pa ako sa pagbibihis. ang tagal niya. inaantok nako. pagod na pagod na ako. sa sobrang tagal, hindi ko na namalayan na nakaidlip na pala ako.

sino siya?

bakit blur yung mukha niya?

papalapit na siya sakin.

nakangiti pa siya pero hindi ko talaga makita kung sino siya.

sobrang lapit na niya sakin.

may binulong siya sakin na hindi ko maintindihan.

pagkatapos niya akong bulungan,

hinalikan niya ako sa labi.

~~~~~dream end~~~~~~~

"ay butike!" napasigaw ako. panaginip lang pala yun.

"ahahahahaha." grabe ang lakas niya tumawa. kaasar!

kaya naman ako napasigaw eh tama ba namang sikuhin niya yung siko ko edi nawala naman pagkangalung baba ko. ang sarap na ng tulog ko eh.

"ABNORMAL KA BA TALAGA?"

"grabe ka naman, parang dati lang kabayo. ngayon naman butike.hahahaha." bwiset to. nakuha pang magbiro. matanggal lang niya talaga yung posas. yari siya sa akin.

"kalagan mo na nga ako dito! ang sakit na nga kamay ko!"

"masyado ka namang excited. porque ba napanaginipan mo lang ako, nagkaka ganyan ka na."

"eh ang kapal pala talaga ng foundation mo sa mukha eh!" siya? papanaginipan ko? siya? yung humalik sakin sa panaginip ko? kung siya man yun, What a nightmare!

"hindi ko na kailangan yun. gwapo nako." grrrrrr!!! ang yabang talaga niya. nakakapang init ng dugo!

tinangal na rin niya sa wakas yung posas sa kamay ko. pagkakataon ko na para makaganti.

SWEET REVENGE!

tumayo ako sa kinauupuan ko.

nilapitan ko siya.

nakatayo lang ang bruho.

nilapitan ko ulit siya habang nakakatitig lang sa kanya.

yung bruho walang kibo talaga.

sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa.

tinitigan ko lang siya at ganun din siya sa akin.

pagkakataon ko na to.

1

2

3

.

*STOMP LE FOOT*

"OUCH!" nagtatatalon siya habang hawak hawak niya yung kaliwang paa niya na tinapakan ko.

"ahahahaha. buti nga sayo!" makaalis na nga.dito. gabi na. baka hinahanap na rin ako ni kuya at baka mayari rin ako sa kanya kaya tumakbo nako.

FAST FORWARD.

Kinabukasan.

tingin dito. tingiin doon. silip dito. silip doon.

ayos. wala siya.

phew.

kelangan ko pang ilagay tong dslr ko sa locker. baka mawala ko pa to.. yari lang talaga ako kay kuya pag nagyari yun.

naglalakad nako papuntang 5th floor ng nakasalubong ko mga classmates ko sa hallway.

"Oy Natalie, bat andito ka pa?" tanong nung babae kong classmate.(hehehe.hindi ko kase siya kilala. ang alam ko classmate ko lang siya.)

"Bakit?" maka Oy namang to. anong meron kaya.

"pinapapunta tayo ni Ms. Gina sa gym. may laro yung mga basketball players natin."

"oo nga. they need our support!" sabi naman nung isa pang girl na napaka kapal ng lipstick.

"ganun ba? ah sige, sunod na lang ako." pero joke lang yun. tinatamad ako eh. at saka wala akong kaalam alam sa basketball.

bago pa ako makatakas sa mga classmates ko eh hinila na nila ako papuntang gym.

napapansin ko lang ah, parang nagiging kaladkarin nako. hahahaha. ang panget ng term eh no. panay hila na lang kase sila ng hila. feeling ko tuloy parang ang gaan gaan ko. ang dami ko namang kinakaen.

napakasama nga naman ng araw ko.

ang daming tao sa gym. ang daming nagsisigawan(malamang, may laro eh.SHUNGA LANG Nat?).

Sino pala yung kalaban namin? tiningnan ko yung banner sa kabilang side ng upuan.

"WILD TIGERS VS. MIGHTY BEAVERS"

(kami pala yung wild tigers ah :))

seryoso? sila yung kalaban namin? walang halong biro? sa dinami daming school bakit sila pa yung makakalaban namin?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
You guys can follow me on twitter and ig  @valereeree for more questions hahha!

salamat pa rin sa mga makakabasa nito :)

Status: No boyfriend since birth. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon