BAKIT SILA PA?
wala naman akong balat sa pwet.
hindi naman ako na bad luck.wala naman sigurong mangkukulam sa akin.
eh bakit minamalas ata ako?
sa dinami daming school bakit sila pa yung kakalabanin ng school ko.
"Natalie! bakit ka pa nakatayo diyan? halika na dito!" sigaw nung babaeng kong classmate na hanggang ngayon hindi ko pa rin maalala ang pangalan niya. lumapit naman ako sa kanya. nasa gilid pala kami ng court kase hinahanap pa namin si Ms. Gina.
ang daming mga estudyante(malamang, may laban eh! shunga lang?). nakakamiss tuloy suotin yung uniform ng mga kalaban namin. oo, aaminin ko na. yung kakalabanin namin na school ay ang dating kong school bago ako lumipat dito sa school ko ngayon. masyadong mahabang kwento. baka mabored lang kayo kapag i-kwento ko pa. isa-isahin na lang natin. kaya abangan niyo pa sa ibang kabanata ng buhay ko.
"OY NAT-NAT!"
oh sheeet! isa lang ang tumatawag sakin ng ganun dito sa school eh.
"manahimik ka nga diyan Mikee!" sigaw ko sa kanya. badtrip siya. masyadong F.C. di naman kami close.
"i-cheer mo ako ah!" sigaw niya sakin habang papalayo na siya sa kinatatayuan niya papuntang gitna ng court. magsisimula na kase ang laban. ang feeler talaga nung maligno na yun kahit kelan. kala mo siya lang yung player sa laro para i-cheer ko siya ng mag-isa.
nagsimula na ang laban. mukhang nakuha agad ni Mikee yung bola dun sa no. 25 na player sa kabilang side. UH-OH. parang kilala ko yung naka jersey na no. 25. talaga naman oh! >.<
sobrang tagal ng laro. pano ba matatapos ang laro ng basketball? wala naman kase akong hilig sa basketball kaya wala akong alam sa laro. nakita ko sa score board na nauuna na pala kami. 35-29 ang score at syempre kami yung 35.
ang iingay ng mga katabi ko. sigawan sila ng sigawan. ni hindi ko na magamit yung dslr ko kase halos sikuhin nako ng mga katabi ko kakasigaw nila. aba, akalain mo nga naman, kanina pa nakakashoot si maligno. no. 01 pa yung number niya sa jersey niya.
3 minutes na lang at malamang, malapit ng matapos yung laban. syepmre, nangunguna pa rin kami.
BUZZZ.....
YEHEY! NANALO KAMI!
57-50 ang score!!
in fairness ah, natuwa ako sa laban nila. first time ko lang kasi makapanuod ng laban ng basketball ng live. hindi talaga kase ako fan eh. grabe. nagsisigawan na dito sa gym. ang iingay nila!
lalabas na sana ako ng gym ng may humawak sa kanang braso ko. "hindi mo man lang ako i-cocongratulate?" napalingon naman ako.
oh sige na nga. dahil nanalo sila hindi ko siya aasarin ngayon. masira pa mood nito.
"Congratulations pala ah. nice game." sabay ngiti ko sa kanya.
"yun lang? wala bang...?"
BINABASA MO ANG
Status: No boyfriend since birth. (Completed)
Fiksi RemajaNainlove ka na ba? kung hindi pa, parehas pala tayo.Ako nga pala si Natalie,18 years old na pero NBSB pa rin. ang dami nga nagtatanong sa akin kung bakit wala pa raw akong boyfriend. bakit nga ba? kung gusto niyo malaman eh basahin niyo na lang ang...