Umuulan na lang lahat-lahat at ang lakas pa ng hangin, ni hindi man lang nag suspend ng klase.
katatapos lang ni Ms. Gina sa amin. mukhang nagmamadali ata siya ngayon kase maaga kami natapos. at blooming siya ngayon ah. hmmm. baka may date?hahaha.
dito lang kami ngayon ni Angel sa room. nakatalikod siya sakin ngayon. mukhang wala siyang balak ngayon na humarap dito sakin. kakalabitin ko na siya sana kaso naunahan niya ako. humarap siya bigla sakin.
"Hoy Banannie! galit ako sayo! hmmp." anong problema nito ni Angel? galit daw pero sinasabi niya na galit siya sakin. ayos yun ah.
"anong ginawa ko sayo?"
"naglilihim ka na ngayon sakin." huh?
"ano nilihim ko sayo?"
"wag mo akong kausapin."
"paano ko malalaman kung di mo ako kakausapin."
"ayy. oo nga no." tingnan mo to. lakas tama lang dre?
"ano nga kase yun?"
"kayo na pala ni kuya. ni hndi mo man lang ba sasabihin sakin yun?" ano raw? kami ng kuya niya? 0_0
"anong pinagsasabi mo? san mo napulot yang chismis na yan?"
"hindi ko to napulot. narinig ko no!"
"at kanino naman aber?"
"kay kuya mismo. sa mall!" sa mall? kahapon?
"huh? anong pinagsasabi mo?"
"wag ka ng mag deny, dahil nandun ka din. hinanap namin kayo ni Leo sa mall. kung san san na kami napunta kaya. tapos nakita namin kayo yung time na kausap mo na sila kuya pati na rin yung mga ka bandmates niya. narinig ko pa nga na sumigaw sayo si kuya na pupuntahan ka na lang daw niya sa bahay niyo."
"ay sus. yun lang naman pala. kung anu-anong inarte mo diyan."
"so totoo nga? tampo ako Banannie. hindi mo man lang sinabe sakin. kelan pa naging kayo?" hahahaha.natatawa lang ako sa kanya. ano? sabihin ko na ba? eh kase naman eh. aasarin niya lang ako. pero sige na nga.
"hindi ano ka ba! yung kahapon, kaya niya nasabi yun sakin dahil tuitor ko kuya mo sa Algebra. hindi ko na sinabe sa inyo yun dahil alam ko na aasarin niyo lang ako."
"weh? di nga?"
"oo nga."
"edi yung time pala na umuwi siya ng umaga ibig sabihin dun siya natulog sa inyo?"
"ano...ahmmm...oo. pero sa sala siya natulog ah. hindi kami nagtabi nunng unggoy na yun." eh kahit na nagtabi kami nun ayaw ko pa rin na malaman niya yun.
"defensive much?hahaha. oh sige na. naniniwala nako sayo." anong defensive? hindi ah!
"sorry kung di ko nasabi sayo yun ah."
"ano ka ba Banannie. okay lang. at least panatag na ang loob ko."
"bakit naman?"
"panatag na ang loob ko na kung ikaw ang magiging girlfriend ni kuya. I'm sure hindi mo siya sasaktan." ano raw? as in what? KALERQUI tong echoserang frog na to.
"drama mo te! kung anu-anong pnagsasabi mo! at saka kuya mo masasaktan? mukhang baliktad pa ata no. siya ata ang nananakit ng babae eh." not in physical way ah, emotional way lang siguro. yung pagiging broken hearted ng babae. yun. tama. ganun nga.
BINABASA MO ANG
Status: No boyfriend since birth. (Completed)
Teen FictionNainlove ka na ba? kung hindi pa, parehas pala tayo.Ako nga pala si Natalie,18 years old na pero NBSB pa rin. ang dami nga nagtatanong sa akin kung bakit wala pa raw akong boyfriend. bakit nga ba? kung gusto niyo malaman eh basahin niyo na lang ang...