Para sayo tong chapter na to :) hindi ko kase alam kung galit ka sa pag comment mo sa last chapter na ginawa ko or sadyang excited ka lang :))) echos!
salamat sa iyo :)
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Natalie's POV:
waahhh!! at last!! natapos rin ang pinaghirapan naming project! akalain mong matatapos namin ang pag-aayos bago mag halloween week? puro pictures na nga sa buong room namin eh. mamaya pala magbubukas na ang halloween exhibit namin. yung campus nakakatakot. parang mala-haunted house ang dating. sapot dito at sapot doon naman kase. may mga pumpkins pa talaga. alam mo ba kung sinong nag-isip niyan? eh sino pa kung di sila Angel. yung club niya na sinasabe ko sa inyo eh yung org. na pangkalahatan sa school. vice president kase siya dun.
nandito ako ngayon sa room namin. time ko kase ngayon na tagabantay dito. kahit papano madami rin ang napunta dito. nakaupo nga lang ako dito sa gilid ng pinto eh.
"hi Banannie!!!" napatingin naman ako bigla kay Angel. ang ingay ah!
"buti naman naisipan mong magpakita sakin!" ilang araw rin kaya kaming hindi nagkikita dahil sa sobrang busy!
"sorry na. busy kase eh. alam mo na. alam mo kulang na lang bigyan ka na diyan ng barya. wag ka nga!" ano bang masama sa pwesto kong mala-noynoy sa 500 pesos?
"eh tinatamad ako eh." totoo naman eh.
"what time ka ba matatapos sa shift mo? lunch naman us together nila Nikki!"
"mga tanghali pa eh."
"sige. text na lang kita. later ah! overnight tayo! don't forget." sayang. akala ko naman nakalimutan na niya.
"opo ate."
meron kaseng spooky night mamayang gabi. lahat ng campus gamit na gamit. walang mga nakabukas na ilaw. yung parang papasok ka talaga sa abandunadong school. open din yun mamaya for outsiders pero yung mga invited lang ang pwedeng pumasok kaya pupunta rin mamaya sila Daniel, JM at Red.
lunch time na pala at heto kami ngayon. nasa canteen kumakaen.
"Banannie diet ka?" diet na ba pag tuna sandwich lang ang kakainin at mogu-mogu ang iinumin?
"hindi naman. wala lang akong gana." ang totoo niyan. sumasakit na naman ang ulo ko. napapadalas na ata to ah. pupunta na lang ako ng clinic mamaya.
"mogu-mogu?" ay hinde.hinde Zsanice. monggo-monggo! wahahha. ang corny ko.
"kelan ka pa umiinom niyan?" eh kase eh :"> alam niyo na kung kanino ko ginaya yan :))
"masama na ba uminom nito?"
"ayiiehh! si Zsanice may naaalala!!" pangungutya nila Angel. meron ba akong hindi alam?
BINABASA MO ANG
Status: No boyfriend since birth. (Completed)
Novela JuvenilNainlove ka na ba? kung hindi pa, parehas pala tayo.Ako nga pala si Natalie,18 years old na pero NBSB pa rin. ang dami nga nagtatanong sa akin kung bakit wala pa raw akong boyfriend. bakit nga ba? kung gusto niyo malaman eh basahin niyo na lang ang...