Monday na monday ang boring -_-
"Class find yourself a partner ah and we'll start the activity."
"Annie, partner na lang tayo ah." napalingon ako kay Angel.
"huh? san?" natawa bigla sakin si Angel.
"lutang ka ba?may activity tayo. well anyway, partner na tayo ah." nahiya naman ako kay Angel. hindi ko man lang alam na may activity pala kami. nakatingin lang kase ako sa bintana. umuulan kase.
nagtabi kami ni Angel ng upuan. sinabi niya ulit yung sinabe ni Ms. Gina saming activity.
"gusto ko mala fairtale ang theme natin para maganda Annie." fairtale? ugh. double ugh. eh ayako ng ganun eh >.<
bago pala siguro ako makaalis ng college madami nakong maiuuwing pangalan. Natalie Antonnette lang ang pangalan ko ngayon naman may Annie na. ang haba daw kase ng pangalan ko sabi nila Angel kaya Annie na lang ang tawag nila sakin para short for Antonnette.
"pwede bang scary na lang yung theme natin?" kahit ayaw ko sa nakakatakot wag lang fairytale shit na yan.
"alam mo Annie, i know na you don't like horror and scary stuff so pano tayo makakapagconcentrate sa activity natin?" point taken. okay. sorry naman. pero ayoko pa rin yung fairytale stuff yadah yadah.
"eh ayoko rin ng theme mo eh."
"direct to the point talaga eh no?hahaha. edi i-mix na lang natin." hahaha.ganyan talaga kami magmahalan ni Angel.
"panong i-mix?" ang gulo kase eh. di ko gets.
"ganito na lang, may fairytale pa rin and at the same time scary. yung parang yung princess eh nasa room and she can't get out kase may some kind of monster na naka block sa pinto ng room ng princess. oh diba, ang taray!" mga imagination talaga ni Angel eh no, out of this world.
"sige na nga. pwede na rin yan." pumalakpak naman si Angel. adik lang?
"okay. sa bahay namin tayo gumawa ah. magpapasundo na lang tayo sa driver ko later." mamaya agad? excited? eh next week pa naman ang pasahan ng activity namin.
"agad-agad?excited?" oh wag ka, nakikipag kupalan na rin ako kay Angel. ang dami na talagang nagbago sakin since mapunta ako sa school nila.
"yung totoo.vice ganda?hahaha. eh excited ako eh. kaya later na natin gawin and you have to text your bradah now so that he will not bother us later." *singhot effect* sabay hawak sa ilong.
"NOSEBLEED......" sabay tawa naming dalawa.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ang lakas parin ng ulan. alam mo yung gloomy yung panahon pero may pasok pa rin kayo? well, start na kase ng waterproof months ngayon. porket college na kami kelangan may pasok pa rin? tao rin kaming may damdamin! mag emote ba?
nasa waiting shed kami ni Angel nag-antay at para hindi rin kami mabasa ng ulan. sa di kalayuan, may tumigil na sasakyan. may sumakay na isang girl. hindi siya taga school namin kase iba yung suot niyang uniform. pamilyar yung sasakyan. naalala ko, kay Mikee pala yun. hindi ko rin pala siya nakita after nung naki-stay siya sa bahay namin. 1 week na rin ang nakalilipas since nung nagkita kami.
ewan ko, iisa lang naman kami ng school pero parang hindi naman kami nagkikita. hindi rin siya pumapasok sa Algebra class namin.
"Annie, ayun na yung sundo natin." sabay napalingon naman ako kung san tinuro ni Angel yung sasakyan. bago ako makasakay sa sasakyan ni Angel lumingon ulit ako kung san nakatigil ang sasakyan ni Mikee. wala na pala.
BINABASA MO ANG
Status: No boyfriend since birth. (Completed)
Teen FictionNainlove ka na ba? kung hindi pa, parehas pala tayo.Ako nga pala si Natalie,18 years old na pero NBSB pa rin. ang dami nga nagtatanong sa akin kung bakit wala pa raw akong boyfriend. bakit nga ba? kung gusto niyo malaman eh basahin niyo na lang ang...