CHAPTER NINE

65 25 90
                                    

CHAPTER 9: Forgive Me



|Stanley Delos Santos|




"Tita, ano po ang ibig sabihin nito?" tanong ko sa mommy ni Herlinda na gulat na gulat dahil sa pagdating ko.

"Saan niyo dadalhin yan?! Bitawan niyo yan! Wag na wag kayong magkakamaling galawin kahit isang bagay manlang dito!" marahas kong pinagtutulak ang mga taong kumukuha ng mga gamit sa loob ng unit ni Herlinda.

"Saan niyo dadalhin si Camel?! Wag kayong magkakamaling ilabas si Camel dahil ako ang makakalaban niyo! Stop that!" sigaw ko.

Napatigil ang lahat sa kanya-kanyang ginagawa dahil sa malakas kong sigaw. Nag-aalangan ang mga ito sa dapat na gawin.

"Tita. Tita, please wag niyo pong gawin to. Parang awa mo na tita. Wag niyo pong aalisin ang mga gamit dito, w--wag niyo pong ilayo sakin si C--camel," pumiyok ang boses ko dahil sa pagmamakaawa. "Tita, this is the only place I have my memorable memories with Herlinda. Please, tita parang awa mo na. I'm begging, tita, please," halos lumuhod na ako sa pagmamakaawa kung hindi lang mahigpit na nakahawak sa mga balikat ko si tita Erlina.

My lower body almost already bend down.

Isa si Camel sa mga iniwang alaala sakin ni Herlinda. Hindi ko kakayaning pati si Camel ay mawala rin sakin.

Lalabanan ko ang takot ko sa ahas basta wag lang mawala si Camel sakin.

"Tumayo ka na please, Stanley, wag mong gawin to sa sarili mo," she helped me stand. I didn't know that my tears are falling not until I felt her hands wipe my tears. Her eyes are full of sadness and longing.

And full of sympathy.

"Stanley, I know everything now. I wanted to be mad at you but I just can't... because I know your reason why. Hindi ko man alam kung ano ang nangyari bago ang aksidente pero sana..." napuno ng lungkot ang mga mata ni tita Erlina habang nakatitig sa mga mata ko.

"Sana lang ay nasabi mo sa kanya ang dahilan mo. Gusto kong ibunton sayo ang lahat pero alam kong mali," malalim siyang napahinga bago may kinuha sa sling bag niya at marahang inilagay sa kamay ko.

"Here, I want you to listen this, Stanley. She loves you. She truly do," tumalikod na si tita Erlina palabas kasama ang mga lalake kanina.

She gestured them to leave with her.

I just stared at my hands. At isang cellphone ang hawak ko na siyang nilagay ni tita Erlina sa mga kamay ko.

Hindi ko alam kung bakit kinakahaban at nanginginig ang kamay kong mariing nakahawak dito.

I opened the phone just to be shocked. Emotions started to flow and I don't know what should I feel right now.

It's my picture. A stolen picture of me wearing my doctors coat.

Sa nanginginig na kamay ay binuksan ko ang record app dahil ito lang ang nag-iisang nakalagay sa 'recently' ng phone.

My hands trembled more. Kinakabahan kong pinindot ang play botton ng nag-iisang record file.

May naririnig akong mga sigaw kasama ang mahinang paghinga. Iyan ang unang narinig ko at hindi ko maiintindihan ito dahil wala naman akong halos marinig kundi sigaw at paghinga lamang.

Hindi ko maiwasang kabahan kahit na wala akong maintindihan sa mga naririnig. Unti-unti na akong nagkaka-ideya sa kung ano ang pinakikinggan ko.

"Stanley," malakas na kumabog ang puso ko nang marinig ang boses niya sa naghihirap na tuno.

I am sure that it's Herlinda's voice even if it's like a whisper in pain.

I miss her. I miss her voice so damn much and it's hurting me. Hearing her like as if she's so hurt badly. Ramdam ko ang paghihirap niya kahit na boses lang niya ang naririnig ko.

Gusto ko na siyang makita, mahawakan, mayakap, mahagkan and everything I never did to her. I want her feel my love.

I miss her. I miss her so much that I am nearly losing my sanity if I can't see her. Miss na miss ko na ang presensya niya, miss ko na ang boses niya, miss ko na ang bawat pangungulit at pagtataray niya.

"My lady, please come back to me. I love you so much that it's hurts me," mahina kong bulong.

Kung alam ko lang na mangyayari 'to, sana pinaramdam ko manlang sayo kung gaano kita kamahal. Kung gaano ako kabaliw sayo. Kung paanong hindi ko kakayaning malayo sayo. Mahal na mahal kita at nasasaktan ako dahil alam kong nagkulang ako at hindi ko manlang ipinaramdam sayo kung gaano kita kamahal. 'Patawarin mo ako, Herlinda.'

"Ich, Herlinda Parker, wird dich für immer lieben Stanley Delos Santos. (I, Herlinda Parker, will love you forever Stanley Delos Santos.) My last promise and vow for you," paos nitong boses. Malakas na tunog ang sumunod at tumapos sa pakikinig ko.

Pilit kong pinipigilan ang emosyon ko but I can't.

I cried like a child listening to her soft weak voice. Her last promise. Even on her last breath, she still never forget to show her love to me.

"Paano ko mapapatawad ang sarili ko kung kahit sa huling hininga mo'y ako pa rin ang iniisip mo," nasasaktang bulong ko sa sarili.

"Oh god, please, I want my lady back. I can't live without her, please let me have her. Please, let her be in my arms again," I plead on my knees, clutching the phone on my chest. Hindi ko kaya.

Hindi ko matanggap na nawala siya sa akin ng wala akong ginawa. Ni hindi ko manlang nasabi sa kanya ang lahat, ni hindi ko manlang nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Ang babaeng pinag-alayan ko ng lahat ay wala na. Huli na ang lahat. I didn't even have the chance to make her felt special. Nagpadala ako sa takot. Naging mahina ako.

I can't forgive myself for being a coward.




WALA sa sariling nakarating ako sa puntod nila. Nakatulala habang nakayukong nakatingin sa lapida niya. Nasasaktan pa rin ako.

Kusang uminit ang sulok ng mga mata ko makita lang ang pangalan niyang nakasulat sa malamig na marmol na bato.

Kusang lumuhod ang mga tuhod ko dahil sa panghihina. I can feel my heart slowly breaking into pieces. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya, na wala na sila sakin. Ni hindi ko manlang nagawang maramdaman ang anak namin, ni hindi ko manlang nagawang pagsilbihan siya sa mga araw at buwan na nagbubuntis siya.

Ni hindi ko manlang sila na alagan.

Pa'no pa ako makakabangon kung sabay ng pagkawala niya ang unti-unti kong paglubog.

"Mahal na mahal kita, Herlinda. Gagawin ko ang lahat para sayo, kaya kong ibuwis ang buhay ko para sayo, pero paano ko pa 'yon mamagawa kung wala kana?" hindi ko na pinigilan pa ang pagtulo ng mga luha ko.

Wala akong pakialam sa bawat pag-iyak at pagdurusa ko. Dahil alam kong mas higit pa sa nararamdaman kong sakit ang sakit na naranasan niya noon ng dahil sa akin.

"Herlinda, forgive me. Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko sayo. Patawarin mo ako sa mga kasalanan ko sayo. Patawarin mo ako kung naging duwag ako. Patawarin mo ako, mahal na mahal kita, Herlinda. Patawarin mo ako dahil masyado akong naging duwag na siyang naging dahilan ng kapahamakan mo. Mahal na mahal kita, sana mapatawad mo pa rin ako, mahal ko. Patawarin niyo ako."




LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon