PROLOGUE

227 29 123
                                    

PROLOGUE



My high school life is the best! I will never ever forget this day, ang araw kung saan ako napahiya dahil sa isang masungit, laging nakabasungot ang mukha, masama ang ugali, bobo sa History, gwapo, may nakakaakit na mata, matangos ang ilong, mapupulang labi, matangkad, may apat na pandesal, matitigas na bisig, maputi at higit sa lahat mahal ko.

"Mic test, mic test 1, 2, 3. Ehem mic test, mic test 1, 4, 3 ay este 1, 2, 3," hila-hila ko ang hiniram kong may gulong na speaker ng dance troupe ng school namin habang patuloy na naglalakad papunta sa harap ng building ng Senior High.

Alas tres na ng hapon at ako lang yata ang estudyanteng naglalakad sa gitna ng sobrang init na panahon habang naglalakad ng pakembot-kembot kahit sa bigat ng mga dala kong gamit para sa panliligaw ko.

Opo, hindi po kayo nagkakamali, panliligaw.

Halos magbunyi ako nang nasa harap ko na ang building ng Senior High School.

"May I call the attention of Mr. Stanley Delos Santos."

"Again, may I call the attention of Mr. Stanley Delos Santos of Grade-12, will you please open the window-ay hindi door pala hehehe. Mr. Stanley Delos Sa-" napangisi ako ng malaki nang makita kong tumunghay ang aking iniirog kahit pa sa masalimoot nitong mukhang kulang nalang ay patayin ako ng tingin.

Sabay-sabay na nagsilabasan ang mga estudyante sa bawat classroom at matamang nakikiusyoso sa nangyayari. May mga natatawa, nagtataray, may mga sumigaw pa para i-cheer ako, at may mga walang pakialam. Hindi naman lingid sa kaalaman ng buong school namin na ako lang naman ang masugid na manliligaw ng isang Stanley Delos Santos, kahit sa ganda kong 'to.

"Aking iniirog," mahinhin akong yumukod sabay sa mga palakpakan ng ibang nanonood na akala mo'y may nagpeperform sa harapan nila.

"Kung sa gabi ay may Buwan
Sa umaga ay may Araw
Sa akin nama'y ikaw ay Kinabukasan."

"Mainit na naman ang panahon, pansin mo ba'y ito'y kasing init ng aking Pagmamahal? Pagmamahal na sa iyo lamang Ilalaan."

Nakangiti akong huminto sa pag-galaw ng aking kaliwang kamay at nakipagtitigan sa kanya bago muling nagsimula.

Feeling ko nasa intablado ako dahil sa tahimik at sa dami ng mga nanonood.

"I, Herlinda Parker, will promise to only laid my beautiful blue eyes to Stanley Delos Santos to give my full attention, my heart, my love, my soul, my sexy and lavishing bod-ouch!!" malakas akong napasigaw habang sabay-sabay namang nagtakip ng tainga ang mga nakikinig dahil sa lakas ng boses kong naka-mikropono pa.

"Umuwi ka na! Disturbo!" malakas na sigaw ni Stanley sakin habang walang lingong likod na tinalikuran ako pagkatapos niyang batuhin ng makapal na librong sumapol sa ulo ko.

Napangisi ako habang hawak ang ulong natamaan ng libro at nakasunod sa kanya ang mga titig ko.

'Stanley Delos Santos, pasasaan pa't magiging akin ka rin. Masyado kang pakipot kaya mas lalo kitang minamahal e, konting kembot nalang at bibigay ka rin sakin tandaan mo yan hahaha!' I devilishly laugh of my own thoughts while massaging my head.



####

Hello! Kung may nagbabasa man nito sana pagpasensyahan niyo na yung mga errors at grammar's na mali-mali.

Paalala: Mabilis ang takbo ng kwento.

God bless you all!

NoNorioki

LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon