Untold Story: Special Chapter 4

41 17 56
                                    

Hello dear Mexjeancometa this is for you.

Untold Story Chapter 4: My Dream





Last day of summer at graduate na rin si Herlinda sa elementary. Sinusulit niya ang araw na ito kung saan nagagawa pa niya ang lahat ng walang iisiping quizzes at assignments. Susulitin niya ito kasama si Stanley, kaya naman ito siya ngayon, 'taya' sa laro nilang tagu-taguan.

Gusto niyang bugbugin si Emmanuel dahil sa lagi nitong pagtatantrums kaya hindi nasasali sa laro nila pero baka ipatapon siya sa Bermuda Triangle ni Stanley lalo pa't mahal na mahal nun ang nag-iisang kapatid.

Laging talo sa bato-bato-pick si Herlinda kaya siya lagi ang unang taya. At lagi rin naman siyang halos taya minuto lang ang magdaan dahil madali siyang nahahanap ni Stanley.

Ewan ba niya at parang may salahing aso yata si Stanley sa lakas ng pang-amoy nito, hindi naman kasi siya naka downy na sinisinghot lang boom! Huli ka!

Mag-iisang oras na siyang naghahanap kay Stanley pero hindi niya parin talaga ito nahahanap. Halos nalibot niya na ang buong bahay ng mga Delos Santos pero wala parin siyang Stanley'ng nakikita.

Nahahapong tinukod ni Herlinda ang dalawang kamay sa puno ng treehouse na nagsisilbing 'base' ng laro nila.

Oo nga't dapat hindi na siya naglalaro ng mga larong pambata dahil sabi sa kanya ng ibang tao ay dalaga na raw siya. Gusto niyang isigaw sa mga pagmumukha nila na, 'Hoy! For your information, I am still a twelve years young lady and not an oldie one!' pero hindi rin naman niya masisisi ang mga ito lalo pa't pang sixteen years old na ang physical appearance niya. Halata naman kasing may ibang-lahi siya.

Mature na ang katawan para sa edad niya kumbaga, kasalanan ba niyang mas nag-dominate ang dugo ng daddy niya kaya nagmumukha siyang dalagang-dalaga.

Nakuha ang atensyon niya nang may marinig na mahinang lagabog sa taas, doon mismo sa loob ng treehouse.

Ngayon lang niya naisip, sa ilang taon nilang paglalaro ng tagu-taguan tanging ang treehouse lang ang hindi pa niya naakyat at hinahanapan. Paano'y takot siya sa taas nitong akyatin.

Naisip niya nga noon na madamot ang dalawang magkakapatid na Delos Santos sa treehouse ng mga ito dahil sa taas ng kailangang akyatin, iyon pala ay sa daddy't mommy pa nila ito na ipinamana sa kanila.

Ayaw niyang maging KJ sa laro nila kaya lakas loob at pikit mata siyang umakyat sa misteryosong treehouse na ito.

Gustong-gusto na rin niyang makita kung ano nga ba ang nasa loob ng treehouse. Maganda ba ito gaya ng madalas na pagki-kwento nina Stanley at Emmanuel sa kanya o gawa-gawa lang ito ng magkakapatid para magpagawa rin siya ng treehouse sa bahay nila.

"Please guide me. Please wag niyo po akong hayaang mahulog dito dahil walang waterbed na sasalo sa akin sa ibaba. Ayoko pang mamatay ng maaga ng hindi nagkaka-boyfriend. Amen," dasal niya.

Mukha siyang baliw dahil sa ginagawa niya. Mabagal ang bawat pag-akyat niya habang nakapikit.

Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata nang makarinig ng kaluskos na papalapit galing sa loob ng treehouse.

LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon